PhilXXBria wedding

177 5 4
                                    

Kenji's POV

Marahil ay alam na ni Joseph ang nangyari kaya ako sinuntok. Sakit ng panga ko sa ginawa niya. Wala man lang akong nagawa. 

"Patanga-tanga ka kasi Kenji." 

Kasalanan iyon ng kaibigan ni Lovely. 

Nagring ang cellphone ko. HIndi ko tinignan ang caller dahil sa galit ko. 

"Hello?!" 

"Hi! Doc, si Lovely ito. Hindi raw makakapunta ung friend kong si Lorraine." 

"What? Then who is Samantha?"

"Wala akong kilalang Samantha." ani Lovely. 

Kung ganun sino ang may pakana ang pangyayari? Kung sino man iyon malalagot talaga siya sa akin! 

AFTER FEW WEEKS

Ito na ata ang pinakamasakit at pinaka mahabang paghihiwalay namin ni Anne. Mag-iisang buwan na hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap ung Samantha na iyon. Nagpunta na rin si Lorraine sa clinic. She's definitely not like Samantha. Ang laki ng kaibahan nilang dalawa. 

Ito pa sina Alex at Rain sa kanilang secret love. Hindi pa alam ng banda na may asawa na ako. At hiwalay kami ngaun. Kaya naman nung kasal ni Bria at Phil, kapares ni Anne si Robert. Inis na inis ako talaga ako sa kanya sa araw na iyon. Paano ba siya nakakangiti ng ganun? Samantalang halos isang buwan ko nang hindi nagagawa iyon.  

Minataan ko si Anne na masayang nakikipag-usap kay Robert. Samantalang ung partner ko office-mate nila ni Bria. Gumawa pa ng eksena sina Darwin at CAR. Ang dami ng pangyayari sa buhay ng bawat myembro ng banda sa mismong araw ni Phil at Bria. Nakidnap si Rain, iyon na ata ang pinakamasamang nangyari sa kasal nina Bria.

Nung mailigtas namin si Rain, akala talaga ni Alex, my gusto ako sa taong mahal niya. I admit medyo na provoke ako. Pero wala naman talaga. Sigurado ako na sina Dave at Cole na may gusto kay Rain. Maganda kasi siya kahit maiksi at asal lalake na dahil 15 yrs. na nagpanggap as boy.

Bumalik ako sa kasalan nina Phil at Bria. Gabi na noon, nakita ko si Anne na nakikipag-usap sa isang classmate din namin dati. Parang nagkaroon ng high school reunion. Nung nilapitan ko si Anne ay umiwas ito nang tingin. Si Leonard pala ung kausap niya. Idagdag pa ang kapatid niyang si Joseph, na halatang napadaan lang.  

"Kenji!" tawag ni Phil. 

"Nasaan sila?" dugtong nito. 

"May nangyari bro. Na kidnap si Rain kaninang tanghali, pero OK na ang lahat. Hindi ka na namin inabala dahil alam namin na busy ka. At isa pa, marami kaming to the rescue." 

"Eh napano si Rain?"- Phil

"Nasa hospital bro, unconcious. Naroon ung iba, ako lang ang bumalik para sabihin sayo. We just hope and pray na ok lang ang lahat."

Lumapit si Joseph sa akin habang nasa phone.

"Kaibigan mo ung bagong pasok na pasyente? Katatawag lang sa akin ng hospital. Kelangan ko ng umalis Phil, pakisabi kay ate Bria." - Joseph.

Nag-aalala ako. Delikado kaya ang lagay ni Rain?

"Sige mag-ingat ka. Balitaan mo kami"- ani Phil.

Sumunod na lumapit si CAR. 

"Anong nangyari sa damit mo?" saka ko lang napansin na madumi pala ito may mga dugo pa ni Rain. 

"Tapos na ang action scene CAR, huwag kang mag-alala pinapasabi ni Darwin na mag-ingat ka pauwi. At hindi ka niya maihahatid." 

"Ok. Thank you. Sige mauuna na ako." Paalam nito. 

Lumapit si Anne sa na may dalang coat. 

"Oh" inabot niya sa akin iyon. 

"Anong gagawin ko jan?" tinalikuran ko siya lumabas ng reception kung saan nakatayo ang kaninang kausap niyang si Leonard.

"Asawa mo ba talaga si Anne?" tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin? Kelangan mo pa ba makita ang marraige certificate namin para maniwala ka?!" asik ko sa kanya. Tatalikod na ulit sana ako para tumungo sa aking sasakyan nang bigla ulit siyang magsalita. 

"Meron ba kayo 'non?" - Leonard. 

Napatigil ako sa paglalakad at muli ay hinarap siya. 

"Kung anong problema mo pare, pwede bang solohin mo na lang muna. Wala akong panahon sa mga bagay na sasabihin mo." 

"Well, I know your marraige is FAKE!" 

"FAKE?! Anong pinagsasabi mo?!" kinuwelyohan ko siya.

"FYI, sa Japan kami kinasal. Bukas na bukas dadalhin ko sayo ang patunay!" binitiwan ko siya saka tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.

Halos midnight na nang marating ko ang bahay. Naabutan ko si Papa na nagkakape.

"Otosan, tadaima." (Father, I'm home)

"Okairi."  (welcome home) - bati nito pabalik. 

"Where's my marraige contract with Anne?" tanong ko sa kanya. Nagtaka ako kasi nabuhos niya ung kapeng hawak niya. 

"May mali ba sa tanong ko?" 

"I have to tell you something." anito na may seryosong mukha. 

"I think it's time to let you know everything. You both suffered enough pain from this marraige." 

"What's the truth? What do I have to know?" tanong ko. 

"I did everything. your marraige was fake"

 Parang paulit-ulit na umalingaw-ngaw ang sinabi ni Papa sa akin. 

Fake

Fake

Fake

Fake 

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. 

"Jiro! Dou yuu koto?" - Mama

"Honto desu. Gomenazai"- Papa na nakayuko. Hindi makatingin ng deretso kay Mama. 

Hindi ko namalayang pumatak ang luha ko. Bakit mas masakit pa ang nalaman ko ngaun kesa sa paghihiwalay namin ni Anne? Simple lang Kenji. Dahil ang kasal lang ang nagpapatunay na pag-mamay-ari mo siya. Pero dahil fake pala ito, wala ka nang karapatan pa sa kanya. 

All this time niloko ako ng Papa ko. All this time akala hindi makakawala si Anne sa akin kahit hamunin pa niya ako ng divorce. Wala. Wala na. 

Sa galit ko pinasok ko ang kuwarto at doon nagwala. Pinagtatapon ko lahat ng madampot ko. Lahat ng nakalagay sa table doon. Lahat ng mga CD na nakarack. Hanggang sa mga unan at kumot. 

Naririnig kong kumakatok ng pintuan ang mga kapatid ko pero wala akong pakialam. I'm not in the mood to talk to anyone right now. 

I hate it! I hate my life! I hate how I live in lies! 

Ganito ka-eventful ang kasalan Phil-Bria. Rain was kidnapped then hospitalized. Darwin received a proposal from CAR. At ako ito? 

A/N : Ano kayang mangyayari sa Vocalist natin?   

My Wishlist : 'Mr. Vocalist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon