#FCBD2015 and #VIXXinManila
May 2, 2015, Saturday
Maaga akong gumising kahit umaga na akong nakatulog, hindi dahil sa eksaytment ako sa mga magaganap nang araw na ito, pero sa kadahilanang hatinggabi na akong nakauwi sa bahay. Maarte kasi si otter, kahit alas dose na ako ng gabi nakakarating sa bahay, ginagawa ko parin ang routine ko bago matulog..routine ba yun o parang beauty regimen? TARAY! OO ALAM KO! Wag kang kontra.
Though maaga akong umalis nagside trip muna ako. Ako na talaga. Nag-brunch muna ako sa McDo, pagkatapos ay umuwi sa bahay. Pagkauwi sa bahay ay dumiretso naman ako sa Makati. Kung alam niyo kung saan ako nakatira baka mapailing ka, hahaha! Anong ginawa ko sa Makati, nagpamanicure..hahaha..pagkatapos ay gumala saglit sa Glorietta dahil kailangan kong ibili ng birthday gift si father dear. Medyo nagpapasalamat pa ako dahil nauna ko nang ibili ng gift si mother, bawas sa bitbitin bilang may malaking bag din akong dala.
Diretso ako sa Ortigas after doon para naman sa Megamall. Gym time. Seryosong hanggang 9pm ata ako dahil nag-announce na ng closing yung gym nagbo-blower pa ako ng buhok. At bilang gutom narin ako dahil anong oras narin ang huli kong kain, nakuha ko pang maghanap ng maayos na restaurant para kumain muna ng hapunan, ayun 10 na ata ako nakaalis ng Megamall. Kaya naman anong oras narin nang makarating ako sa bahay..
..at narealize ko na para pala akong si Diwata kung magkwento, ang haba at ang gulo. HAHAHAHA.. Labyu pre.. I miss you.
Mabalik na tayo sa kinukwento ko..hinintay ko munang makaalis si kuya at ate sa bahay bago ako nagpasyang maligo at maghanda paalis ng bahay. Mabuti at nakasakay agad ako ng FX, sigurado naman kasi akong sarado pa ang Mega pagdating ko. Hinahabol kasi namin ni Hunnydew na mauna sa pila ng FREE COMIC BOOK DAY 2015!! Nakita kasi namin sa fullybooked noong nakaraang Thursday yung poster nila tungkol dito, kaya naman bilang mga kuripot forevs, nagpasya kaming i-raid ang fullybooked sa Mega.
Nasa Shaw na ako nang makatanggap ako ng message mula kay Honey na nasa loob na raw siya ng Mega, napatingin ako sa oras saka ako napailing. Galing nung batang to, haha, wala pang 10 pero nakapasok na sya. Talk about abilities ang peg. Ang sabi daw niya ay iche-check niya muna sa Filbar's dahil mukhang mali daw ang nasagap naming tsismis na meron sa Fullybooked. Nakarating ako ng saktong 10 sa Mega B, aaaaat, ang haba ng pila papasok dahil noon palang nila binuksan ang entrance. Paano nakapasok si Hunnydew? Sabi ko nga sa inyo, maabilidad yan eh, dun siya sa supermarket nagdaan! Hahaha!
Nakapila na daw siya sa Filbar's kaya naman sumugod narin ako doon, nagkita naman kami kaagad, kahit na may dalawang stub na sya..oo sya na madaya. Dalawa ang stub niya! Sa akin isa lang ang inabot, hahaha, one stub is equivalent to 2 comics. 12nn pa ang nakasaad na time sa stubs namin kung anong oras kami pwedeng magclaim ng free comics. Naamaze ako sa ginawa nilang crowd control, kasi for me, effective ang naging strategy nila..at na-strategize narin namin ang gagawin namin next FCBD..hahaha!
Habang naghihintay para sa 12nn, nagpasya muna kaming magbrunch, kasama namin si Lara, new found friend ni Hunnydew. Kahit saan naman kasi pumunta yan, mero at meron yang magiging bagong friend, hahaha! Nauna ring umalis sa amin si Lara dahil 11 ang turn niya sa pagkuha ng comics. Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa Filbar's kung saan ay may nakita si Hunnydew na babaeng may dala ng paperbag ng fullybooked kaya naman nilapitan niya iyon at nagtanong. BINGO! May free comics din sa Fullybooked, yun nga lang ay 1 per head lang. Lakad takbo naming tinungo ang Mega fashion hall para i-raid ang Fullybooked habang naghihintay ng alas dose. Ang saya lang dahil walang mahabang pila doon di tulad nang sa Filbar's, nakakuha kaagad kami ng tig-isang comics, saka kami masayang bumalik sa Filbar's.