[8: MEETUP 101]
Meetup: to meet another person in order to do something together.
Naexperience mo na bang makipag-meetup, sila yung mga taong nakilala mo lang sa cyber world at napagpasyahan niyo biglang magkape, kumain sa labas, at kung anu ano pa..
Kung hindi pa, pero interesado ka sa mga ganitong bagay..eto ang dapat gawin--lalo na pag ang mga ka-meetup mo ay galing dito sa wattpad.
1. SIGURADUHING MAY KA-MEETUP
MALAMANG TEH, ano yun? Ikaw lang?!
2. MAGSET NG LUGAR
Siguraduhing ang ise-set niyong meeting place ay yung convenient kayong lahat ng puntahan, hindi porke't malapit si Pedro dito ay doon narin kayong lahat..tandaan may isang katulad ni Erin na naligaw sa Cubao, at isang Mozart na galing pa sa Cavite. I consider niyo rin ang layo nila sa pupuntahan, pero wag niyo ng pansinin si Mozart--tine-train namin yang magbeat ng curfew. XD
3. MATULOG
Essential ang pagtulog sa buhay ng tao, malamang..ang sakit kaya sa ulo pag di ka natulog. Kakailanganin mo ng sangkaterbang energy pag makikipagmeetup ka, lalo na pag perstaym mo..ubos na ubos ang energy mo sa kaba at expectations kung sino ba ang makakasalamuha mo. Tulad nung perstaym ko ma-meet sina Hunny, nanghina ako nung makakita ako ng matanda na nasa katawan ng bata.. XD *peace mare..*
4. KUMAIN NG MARAMI
Ayaw mo yung feeling na magugutom ka bigla, tapos lahat ng kasama mo sa meetup ay busog pa. Pambasag-trip ka pag bigla kang nag ayang kumain tapos kakakain lang pala nila. Pero kung marami kayong gutom--wala rin silang magagawa kundi samahan kayong kumain. :)))
5. KAPALAN ANG MUKHA/ MAG FEELING CLOSE
Madalas ganito ang mga scenario sa malakihang meetup..yung tipong sa dami niyo nagkanya kanyang grupo narin kayo..wala rin. Kapalan mo ang mukha mo at magfeeling close ka, makipagkilala sa lahat ng nandoon. :D
6. MAGBAON NG MARAMING KWENTO
Lalo na pag ang mga ka-meetup ay taga wattpad, sigurado akong di ka mauubusan ng kwento. Uuwi kayong lahat ng nakangiti kasi parang andami niyo ng alam sa isa't isa..di rin maiiwasan ang pasimpleng spoiler, kaya makipag meetup sa mga authors na gusto niyo yung sinusulat, tapos pag nagkita kayo pasimple kang magtanong tungkol dun sa mga kwento niya..oh diba alam mo na susunod na mga pangyayari. XD
7. MAGBAON NG CAMERA
Syempre naman, di kumpleto ang meetup kung walang GROUP PICHUUUUUUR!!! saka mo iupload sa peysbuk at inggitin ang ibang watty prends na di nakasama kasi di sila pwede---chos. Pero okay din naman kung ang cellphone niyo ay katulad nung kay Louie, cellphone slash camcorder--oh diba ang angas! Ayan, isa pang dahilan kumbakit kailangan may camera, baka mapagtripan niyong ivideo mga kabaliwan niyo--much better. HAHA! At syempre pa, kailangan may isang katulad ni Lexel na taga picture at direktor sa kabaliwan niyo. Hahahaha, don't worry may picture din sya. Di naman yan nalugi samin. XD
8. END IT WITH A BANG! (chos)
End it with a hug..para sa ibang hindi touchy, makuntento nalang sa brofist. Sigurado akong masusundan pa ang meetup niyo dahil for sure, yung mga nakilala mo ay mga naging instant bestfriends mo--yung tipong parang tagal tagal niyo nang magkakakilala.
9. HUWAG KALIMUTANG MAGTEXT PAG NAKAUWI NA
Para hindi nag aalala yung mga nakasama mo kung nasang lupalop ka na ng daigdig. Meron kasing mga katulad namin na kung mag meetup ay hapon tapos alas dose na uuwi. XD inumaga na.
Tips:
- Huwag maging plastik.
- Sa susunod na meetup ay magjamming kayo--eh ano naman kung di ka marunong kumanta, madadala ka naman nung mga magaling na kasama mo. XD
- Magsuot ng komportableng kasuotan, para kahit anong galaw pwede..haha, sigurado naman kasing di lang kayo magsstay sa iisang lugar.
- Huwag male-late sa napagkasunduang oras. Yung tipong alas tres ang usapan, pero dumating ka ng alas otso. Yung totoo? (diba Mozart?)
- Sa mga may trabaho, umuwi ng MAAGA hindi UMAGA kung ang napagkasunduan niyong meetup ay linggo at may pasok ka pa kinabukasan. Pero kung tulad ka naming sanay na dahil sa walang choice..party party!