22
How To Make 'Landi' Subtly
You know what is malandi? If yes, do you know how to make landi? If not, then follow my tutorial..it's so easy talaga, as in promise, and you're not gonna be called a whore or slut pa kasi you'll gonna do it 'subtly' nga. Like duh..please refer to the title!
Taena ayoko na, feeling ko anytime ay sasabog ang utak ko sa post na ito. Bakit nga ba iyan ang title? Sinabihan lang naman kasi ako nina Hunnydew na magsulat ng tungkol sa mga ganitong bagay.
Uunahan ko na kayo, defensive ako eh, bakit ba?! Hindi ako malandi, marunong lang makaappreciate ng totoong pogi. Hahaha!
Dumating ka narin ba sa point na sobrang stress na ang inabot mo sa isang araw, kaya naman feeling mo, somehow, naa-alleviate iyon pag nakakakita ka ng kaaya aya sa paningin? Alam niyo na ang ibig kong sabihin dyan..yung tipong
'Lord, kahit isang gwapo lang ngayong araw keri nang pambawi sa bad vibes.'
Nang ibinigay na ang gwapong hiniling, saka mo lang marerealize na humiling ka nga ng pogi nakalimutan mo ng hilingin na sana single din sya. Hahaha! Teka ano bang mga sinasabi ko?
Di ko rin alam..
Eto nalang, seryosong usapan, di lahat ng babae sa itsura ng lalaki tumitingin. Agree? Syempre maraming magsasabing oo. Mostly women prefer humor over physical attributes. Tulad nga ng madalas kong sabihin, 'daig ng lalaking magaling magpatawa ang lalaking pogi.'
Oh di'ba..di'ba? Di naman kasi importante para sa babae ang physical attributes ng isang lalaki. Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung ang utak walang laman? Isa pa sa mga banat ko pag inis na inis ako, 'ibinigay ng Diyos ang utak para gamitin..wag mong sayangin at baka kalawangin.' Kung magkakajowa ka man ng may utak at gwapo, aba yun talaga ang perfect combination. Kaya naman pag nakakita ka ng magjowang.
A. Gwapo at maganda - perfect combination
B. Pangit at maganda - funny si guy
C. Gwapo at pangit - true love itey
D. Pangit at pangit - walang choice/parehas silang funneh
Naalala ko pa yung sinabi ni Erin na wag nating lokohin ang ating mga sarili sa pagsasabing walang nilikhang pangit, kasi kung magkagayunman (shet ang tagalog..) paano mo maa-identify na gwapo/maganda ang isang tao kung walang pangit?
Isa sa mga nakakatawang experiences ko sa pagsakay araw-araw sa MRT ay nangyari noong 800 B.C. Charot lang syempre, kailan lang nangyari. Umuwi ako noon na mainit ang ulo, badtrip dahil sa ilang mga nakakapunyetang events sa opisina na di naman maiiwasan, dagdag pa sa pag-init ng ulo ko ay ang realidad na makikipagbalyahan nanaman ako sa tao sa nasabing pampublikong transportasyon (pina-practice ako ng mga opismeyts sa hebi tagalog words.)
Anong pakiramdam?
Ganito..
Imagine ikaw yung nasa kalagayan ko, nakapalda (pencil-cut skirt) pagkatapos ay blazer--na hindi mo magawang tanggalin dahil naka-sando ka lang sa loob, pagkatapos ay sobrang init sa buong paligid idagdag pa dyan ang ingay ng mga katabi, nakakasakit-sa-ilong na amoy nung ibang parang galing sa construction site--pinaghalo-halong pawis to be exact, at ang nerve-wracking na akala mo'y may libreng rasyon ng NFA rice ang pilang pinilihan mo.
Anong una mong maiisip?
Magmura.
Pero ako hindi, kasi alam kong sa huli ako rin ang talo dahil mauubos lang ang mga murang alam ko, mapa-tagalog, bisaya, english, o kahit koreano man yan. Kaya naman idinadaan ko nalang sa buntunghininga habang nakatitig sa cellphone ko, saka ko lang napansin na pogi pala si kuyang nasa harap ko, kaya naman ninja moves kong sinilip ang ID niya dahil napag-alaman kong sa ka-kumpitensyang kumpanya pala sya nagta-trabaho..mehehe, talagang kandabali ang leeg ko masilip lang kung ano bang ang pangalan niya, at nung sa wakas, bumukas ang pinto ng langit (--taenang description yan, iba pumasok sa isip ko) nag-move ang pila namin kaya naman napalingon sya sa likod at saktong patingin na ako sa ID niya, ay may sugo ng impyernong dumaan sa mismong pagitan namin, okay na sana kung nag 'excuse me' man lang, eh hindi. Ang siste, naitulak niya ako, siguro sa sobrang pagod narin, hindi nakisama ang aking magagandang paa, kaya naman sa halip na ma-balanse ko ang apak patalikod ay napasama pa ata dahil muntik na akong mapaupo..syempre dahil maganda ang inyong author, naglatag muna ng red carpet ang mga guards with foam on the top bago ako tuluyang mapaupo..
CHARING!
Pero yun yung eksaktong feeling nung makita ko kung sino yung maagap na nakasalo sa akin, which is yung nasa likod ko. Paglingon ko kasi para mag-thank you, biglang tangina Lord, kahit gaanong ka-punyeta ang mga bagay bagay ngayon, pinatunayan mo lang na mahal na mahal mo talaga ako. Mas pogi kasi si kuya na nakasalo sa akin kesa sa nandun sa nasa harap! BWAHAHAHA!
Okay na sana ang love story ni miss otter kaso biglang..
"Miss..miss..miss, pabukas ng bag.." Ay sorry naman ate. Ako na pala yung papasok sa loob, kumbakit kasi hindi nausuhan ang MRT ng thermal scanner tulad nung mga nasa airport eh, diba less hassle pa, haay buhay. Ayan, nahiya na ako sa sarili ko, di ko narin sya napansin kung saan sya sumuot after noon, pero nung nasa platform na, papunta ako sa lugar ng mga babae nang madaan ako sa boy's area, medyo napatanga pa ako (medyo lang, pramis..) tapos ngumiti sya.
Ay leche, away away na'to. Kailangan talaga ngingiti? Kung di ko lang siguro napigilan ang sarili ko ay baka doon narin ako pumila sa mga lalaki. HAHA!
Teka ang sabi ko tutorial ito, hindi kwento ng kalandian.
Ganito kasi yan.
No. 1: Prospect
Ay nako, eto nanaman tayo sa basic rule na malamang-alangan-namang-wala-kang-nagugustuhan. Sino ang prospect mo, o sa madaling sabi, sino ang bibiktimahin mo.
No. 2: SNS
Ang SNS ay tawag sa pinaikling Social Networking Sites term na karaniwang gamit ng mga Koreano (salamat sa aking dakilang kaibigang si Minwoo aka Daniel.) From the word itself, mafi-figure out mo na iyon.
No. 3: Online Stalking
Eto ang pinakamasayang part, sa panahon ngayon lugi ka kung facebook lang niya ang alam mo, may ilan akong kilala na naga-acquire nang ganitong kalupit na skills, (patawad pero aminado akong hindi ako ganung kagaling sa bagay na ito, mag-hide nga lang ng feeds ng ibang tao hindi ko alam eh..haha!) Pero ayung nga, yung kilala ko na itago na lamang natin sa pangalang Nene--shet sobrang lupit, alam niya ultimong underscore ng username niya sa Line o KakaoTalk, yung latest tweet nung lalaki tungkol sa pangit na hairstyle ni Miley Cyrus, yung bagong selfie niya sa instagram na salamat-sa-camera-360, yung huling kinainan niya ng strawberry and cream cheesecake sa foursquare, yung latest review niya sa hair wax ng gatsby sa tumblr, at aminado din syang sya ang nagtanong sa Ask.Fm nito nang makahulugang "If I say I love you, will you love me too?" Ayos na sana ang lablayp ni Nene, pero nakalimutang niyang i-uncheck ang ANON box..ayun, napag-alamang malandi ang lalaki dahil nag-'I love you too' sya.
No. 4: The Appearance
At dahil alam mo na ang mga hilig niya sa buhay tulad ng pagja-jogging with his bright pink rubber shoes with matching blue wrist and headband, unti unti kang gumawa ng paraan para maging visible sa paningin niya. Yung tipong tatakbo ka lang pag malapit na sya, magkakape ka kahit inaatake ka na ng hyperacidity dahil nasa Starbucks siya. I-fa-follow mo sya sa instagram at ila-like mo ultimong picture ng bagong pedicure niyang Shih-Tzu, magco-comment ka na tila isang breakthrough sa larangan ng siyensya ang ginawa niyang review ukol sa gatsby wax, at ire-retweet ang tweet niya, sabay lagay na "omg, I don't like her hairstyle too."
No. 5: Getting to know each other
Congrats kung nakaabot ka sa stage na ito, ibig sabihin ay napansin ka niya, kaya naman good luck narin dahil sasakit na ang bangs mo kapag nag-umpisa na syang magkwento tungkol sa bagong sale ng Havaianas, hanggang sa bagong barkada meal ng McDonald's--na i-try niyo daw!
WAG KA NANG UMASA, IBIG SABIHIN NIYAN FRIENDZONED KA! BARKADA MEAL NGA EH! BAR-KA-DA..hahaha!
Buti kung sinabi niyang pair-meal ng Taco Bell.. (hart hart..yieeeh.)
At the end of the day, tinuro ko lang kung paano ka makakapasok sa buhay niya, hindi kung paano lumandi, dahil na-realize ko, ako pa? Tengene, patawad pero di ko rin alam kumbakit hindi ko alam kung paano talaga lumandi.
Hanggang dito nalang, anong akala mo, meron pa?