Anong uri ka ng estudyante?

610 17 9
                                    

[3: Anong uri ka ng estudyante?]

Bilang March nanaman at panahon ng graduation..ayoko namang magpost ng tungkol sa gaanong kahirap maging unemployed, at maghanap ng trabaho..hahaha! Kaya naman biglang nag ingay ang brain cells ko habang ka-chat si Ate Kat! Oh ilibre mo ko ha!

Sa kanya ko unang nabasa ang types ng students according sa kanyang perspective, eh paano naman sa aking point of view diba? Eto ang mga yun sa aking pananaw..sa totoo lang ay naiisip ko ang particular classmate/s ko habang tina-type ito.. XD

Mr./Ms. Heartthrob/s

Sila yung mga estudyanteng laging Muse at Escort lalo na pag college week/foundation week oh kung anu ano pa. Madalas ay pinanglalaban sila sa mga interschool pageants kaya naman madalas na wala sila sa klase. Keri lang daw dahil excused naman sila, de sila na talaga.

Sila rin ay pwedeng tumakbo sa University Student Council dahil sa taglay nilang kasikatan, chos. Ewan..basta marami silang fans.

The Vain Peeps

From the word itself na vain..ano pa nga ba? Duh! Eh di naderive sa salitang vanity! Sila naman yung mga taong di makakalabas ng bahay ng di nagre-retouch. Hiraman ng powder, suklay at salamin sa klase dahil siguradong di sila mawawalan ng mga ganitong gamit.

Sila rin yung mga taong twice a day kung magpalit ng profile pic sa facebook, at sa kung anumang account meron pa sila. Di rin sila mawawalan ng picture sa banyo, picture na emo, picture na kunwari ay tulog, picture na naka-pout, picture na nakasimangot, picture na nagpapacute..at kung anu ano pang uri ng picture.

The Athletes

Bukod sa sports..ano pa? Hahahahahaha!

Magpasalamat tayo sa kanila, kundi dahil sa kanila ay di makikilala ang school mo! XD

KSPs

Ano ba ang KSP? Kung di mo alam, kawawa ka naman..

KSP stands for Kulang Sa Pansin..hindi po Kulangot Sa Pader..panget siguro childhood nung nagsabing kulangot yun sa pader?

Oh, sino naman ba itong mga KSP? Sa klase, sila yung mga maboboka, malalakas mang-inis, at syempre pa PAPANSIN. Pag sanay ka nang makisalamuha sa mga taong ganito eh di ka narin maiinis sa kanila kasi di mo na sila papansinin eh..haha!

Pagdating naman nila sa cyberworld, sila yung magpopost ng picture na may caption na..

"OMG, I'm so ugly naman sa pic na'to."

Pakyeah. Eto yung moment na iki-click mo talaga yung "REPORT PHOTO" sa facebook. Pero dahil mabait ka, sana ay na-grant na yung dislike button na kasama kang nag-petisyon kay Ginoong Mark Zuckerberg.

The Invisible Kids

Hindi sila yung literal na inbisibol o yung di mo talaga nakikita. Sila yung mga estudyanteng akala mo talaga ay di nag eexist, yung tipong pag nilapitan ka tungkol sa subject niyo..mapapaisip ka pa talaga kung kaklase mo ba sya o baka naman mali pala sya ng napagtanungan.

The Rich Kids

Mga batang maraming baon, maaangas kung pumorma kasi meron nga silang pera.

Sa Kindergarten, sila yung may baon na Sunkist juice at pastries.

Sa Elementary, sila yung malulupit na 3 layer yung pencil case, tapos 64 pcs ang crayola, at naka Magic Pencil! Oh..laban ka?

Sa High School, sila naman yung iba-iba ang pares ng Chuck Taylors, may bag na Adidas o Nike, at ang pang PE na sapatos ay Lacoste.

Sa College, sila yung may night at social life.

The Poor Kids

Syempre di pwedeng walang kasalungat ang rich bebes..at sila ang..*drum rolls pls..* POOR KIDDOS!!

Sa Kindergarten, sila yung may baon ng Big 250 saka pandesal.

Sa Elementary, sila yung tagapagmana ng mga gamit ng kanilang ate at kuya. Hand-me down things kumbaga.

Sa High School, sila yung tambay ng chapel pag lunch time para matulog dahil pinangkain na nung recess yung pera.

Sa College, sila yung gumagawa ng assignments at plates para sa mga rich kids..EXTRA INCOME BEYBEHH..

The Commoners

Hindi mo maa-identify ang mga estudyanteng yan kung wala ang mga commoners..mga batang nagca-cram sa pagpasa ng research papers, di natutulog pag exams kinabukasan, kumakain ng bente pesos na fishball at tokneneng bago umuwi, at higit sa lahat--wala na akong maisip..

The Activists

Sila naman yung mga estudyanteng akala mo kung sino sa mga pinaglalaban nila, oo nga't may point naman sila, pero kung di ko pa nalaman na may libreng merienda pagkatapos ng rally okay pa sana tingin ko sa kanila. >3<

Nerd Alert

Hindi po ito yung pagkain. Sila yung mga estudyanteng kinaiinisan kahit ng isang commoner.

Madalang silang magpasa on time ng requirements..AHEAD OF TIME kasi sila.

Di sila nagpapakopya.

Unang nagpapasa pag exams.

Nagpapaalala ng assignments o projects sa prof.

At higit sa lahat, sila yung mga estudyanteng ilalaglag ka pag grades na ang usapan.

The Computer Geeks

Sa tagalog..DOTA BOYS..

Sila yung pumapasok para lang magdota, madalas absent, pag naman hinanap--alam na. Malulutong magmura dahil sa trash talk sa paglalaro ng Dota. Mababait namang ang mga nilalang na ito, sadyang naadik lang sa paglalaro.

Tip: Kaibiganin ang mga Dota Boys, pag nanalo sila ay siguradong may libre ka.

The Spice Girls

Ang all-girls group sa eskwela, madalas nagpapataasan..pag sampu sa barkada, lahat sinasabi nilang sila ang lider. Ang masaya dito, may backstabbing shits pa sila. Oh diba.

The Boy band

Sila naman ang all-boys group. Pinagsama-sama dahil sa iisang hilig..madalas ay dito nabibilang ang mga Dota boys.

Power Rangers

Sila ang tagapagligtas ng sanlibutan--echos lang malamang. Mas trip ko parin si Voltes V. Pero sino ba ang power rangers?

Di mo sila kilala? Kawawa ka naman.

Si Jason..Kimberly..Billy--teka ano bang sinasabi ko?

So ayun nga, sila ang tagapagligtas ng klase. Sila yung hindi hahayaan ang isang kaklase na maiwan lang sa dilim. Papakopyahin ka pag may assignments, quizzes, at exams. At di ka nila hahayaang bumagsak, madalas ay sila na ang nakikipagnegotiate kay Rita--este sa terror mong prof para bigyan ka pa ng second chance.

May kulang pa ba? Pag-usapan natin yan. XD

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon