Moving On vs Moving Forward

413 9 12
                                    

14: Moving on vs Moving Forward

Move On?

Move Forward?

Matagal ko nang gustong i-stress ang pagkakaiba ng dalawang kasabihang iyan (kasabihan nga bang matatawag yan?)

Last week ko pa natanggap ang mensahe ng isang dating "kaibigan" via skype (yung sa luma kong account sa skype) na sya raw ay nasa Pilipinas na ulit. Well nasa state of shock at first ang lola niyo pero agad din namang nakabawi. Wala akong balak na makipagkita ulit sa kanya matapos ko syang iyakan ilang taon na ang nakalipas. Hardcore drama diba?

Kahapon nang hapon biglang may tumawag na unknown number sa sun ko (na hanggang ngayon ay di ko pa nasesave yung numero..pinalitan ko ulit kasi ng simcard ni LA.) Kinumpirma niyang uuwi siya dito sa Bulacan para bumisita sa lola niya. Wala namang kaso sa akin kung bibisitahin nga niya ang matanda, pero yung nakakailang eh gusto daw niya akong makita.

Alas dos na ata akong nakatulog kagabi, buti at nakausap ko sina Honey at Erin (kahit tungkol sa collab iyon) kundi, di ko talaga alam kung paano ko papatayin ang oras. Ang lakas makatanga? Medyo eksaytment narin kasi akong makita sya. Magli-limang taon narin kasi nung huli kaming magkita.

Andaming tanong sa isip ko..

Bakit ka inabot ng halos limang taon?

Bakit gusto mo pa akong makita?

Bakit di mo ako tinawagan o kahit in-email nung nakarating ka na doon?

Pagkagising ko ng 9, kumain ako ng mabilis at nagpaalam na may pupuntahan lang. Isang oras rin mahigit ang naging byahe ko kahit dito lang din siya sa Bulacan, eh paano taga Malolos pa yun. Ang usapan namin ay dun ka magkikita sa may Barasoain Church since walking distance lang ang bahay ng lola niya doon. Medyo naligaw pa ako dahil di ko naman gamay ang lugar, buti at medyo malakas ang loob kong magtanong.

Almost lunch narin ng makarating ako dun sa lugar, pagoders na ako. Imagine ang init init kanina tapos todo lakad, takbo, lakad ang ginawa ko. Pakiramdam ko nga eh kumapit na sa akin yung amoy ng usok na galing sa sasakyan..saka yung usok na nagmula dun sa nadaanan kong barbeque stand papasok sa compund ng simbahan.

Uupo pa sana ako kasi may nakita akong dumarating na pamilyar na tao.

Siya na nga.

Marami din palang magbabago sa itsura kahit kulang limang taon lang kayong di nagkita.

Yung dating mukhang inosente, mukhang matured na.

Yung dating fair-skinned, pumuti na.

Yung dating ka-height mo lang, 5'9 o 5'10 na ata ngayon.

"Kanina ka pa?" Bati pa niya sa'kin, saka niya inabot yung plastic na hawak ko. Nakalimutan ko na iyon, may pagawaan kasi ng masarap na corniks sa katabing bayan namin at paborito iyon ni lola Cora (ang lola niya.)

"Hindi, kadarating ko lang din. Ikaw?"

"Kagabi pa. Nakaluto na si lola sa bahay, tara?"

"Sige!"

At ayun, naglakad na kami parehas papunta sa kanila. Halos dalawang kanto din ata yung 'walking distance' niya ah?! Pagdating namin sa bahay ay muntikan pa akong di makilala ni lola Cora. Magilas parin si lola, palibhasa andito ang paboritong apo.

Pagkatapos kumain ay magsi-siesta na raw si lola kaya naman naiwan kaming dalawa sa kusina. Medyo awkward pa nga eh.

"Kamusta na?" Ngiti niya.

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon