Spell Busy

266 6 1
                                    

20

Spell busy? Ako yun. Peteeeh, imagine nalang na anim na buwan kang bum..yung kakain, gagala, matutulog, tapos makikitulog sa ibang bahay. Tapos gigising ka ng isang araw na..hello, may trabaho ka na. Tapos na ang bakasyon at kailangan mo nanamang isugal ang iyong kaluluwa para may pangkain at pambayad ng utilities.

At dahil sa Makati po naka-assign ang kinaiinisan niyong otter, naranasan ko nanaman yung halos kalhati (o higit pa) ng isang araw ko ay wala sa loob ng bahay. So technically, plakda na talaga ako pag-uwi. Kaya wala naring oras para makapag-isip pa ng pangUpdate.

Paano nakapagtype si otter? Eh syempre maganda ako eh..bakit ba, chos lang. Di ako nakikinig. Kabisado ko na kasi yung dinidiscuss..duh, halos lunukin ko kaya yung libro ko sa subject na iyon nung college para lang makabisa yon.

(Day 1)

Absent ako nito eh. Gara no? Di ko rin alam kung ano biglang nangyari sakin eh. Basta I just felt like throwing up..imagine nasa Buendia ako nun ah. Napauwi tuloy ako ng wala sa oras. Sayang pers day op work pa naman..pero hindi ko talaga kaya, kaya naman nagpahinga nalang ako.

(Day 2)

I arrived at 8:27..tae, konting kembot 8:30 na. Di pa ako late kasi 8:30 ang oras ng pasok ko. Pero nakakabwisit yung traffic sa edsa, 6:30 ako umalis sa bahay ah!

Nakita ko yung kasabay kong pumirma ng kontrata, pero taga ibang department sya. Maganda yun  saka yung katabi rin niya, syet..chicks. Teka babae po ako, pero maganda talaga eh. Ayun, ayos din naman yung discussions. Nalaman kong mas marami kaming kasamang superiors at isa ako sa tatlong pinakabata. Yung dalawa eh fresh grads kaya di sila makapaniwala na kaedad ko lang sila pero nakagraduate ako ng maaga.

Naglunch kami sa top floor. Andun kasi yung cafeteria. Haha, para akong taong bundok nung napunta ako sa caf kasi may buffet..pota. As in may buffet sa right side..imagine-in niyo yung para sa nasa palabas na "to the beautiful you." Ganun eh..ang sosyal lang, nakakatakot kainan. Parang pag dun ka pumila pang-vikings na ang presyo. Dun naman sa left side ay isang napakahabang food selections, ganun din pero parang cheaper version dahil sa ayos..haha. Grabe andaming pagkain..I mean, ang haba talaga saka andaming pagpipilian eh. (Patawad, matakaw talaga si otter.) Noon lang ako nakakita ng ganung cafeteria eh. Oo, considered as cafeteria sya. Parang kulang nalang isampal sa pes ko ang "Welcome to Makati!" Sign..haha.

Anim lang kami dahil nagpasya na maglunch out slash yosi break (walang smoking area sa bldg namin) yung iba naming batchmates. Nag-iisa lang naming kasamang lalaki si "Gino." Ay nako nung nasa elevator ko nalang din sya napansin na kasama pala namin sya. Di kasi masyadong nagsasalita. Gentleman naman po si kuya, dagdag pa na gwapo. Kaso men, wag lang itabi sakin. Pag nagpaa ako ka-height ko lang. Eh naka heels kami (ako pinakamatangkad sa girls sa batch namin.) Yari na. Magkaharap kami sa table..inoobserve ko si lolo..pogi nga kasi! Ikaw ang di madistract, may kaharap kang gwapo tapos sa pagkain ka lang nakafocus..patay gutom much? Maya't maya ko siyang tinitignan habang nakikitawa sa aming mga kasama na hindi ko naman alam ang pinag-uusapan. Basta tumatawa sila, edi tumawa nalang din ako..feeling ko pati si Gino eh nakikitawa lang din. Hirap kaya nun, nag-iisa sya sa grupo. Ayos na sana, nang biglang nagring ang phablet (phone-tablet) niya, dahan dahan pa niyang tinignan iyon saka sinagot agad nang makita siguro kung sino ang tumatawag.

"Ma..? Yes ma, kumakain na ako..ano *insert pangalan ng food here*, tawagan po kita after saka pagkauwi ko. Babye."

Mama's boy pa ata? Medyo judgmental ka Maui, porke tumawag si madir at nireport niya ang kanyang ulam por today mama's boy agad? Di ba pwedeng close lang talaga sila? Haha.

Nag MRT ako pauwi..saka LRT..shemay, wala pang isang oras yung byahe. Nagulat pa nga si mommy eh, aga ko daw nakauwi..haha (katext ko kasi sya kasi bored na bored ako sa lecture.)

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon