Horror Story

265 5 1
                                    

Dear Ate Charo..

Oops, namiss ko yon. Naman oh, ano nga ba ang maikukwento ko ngayon?

Ah, alam ko na pala. Since malapit na ang undas, at F na F narin nang iba't ibang TV stations ang mga Horror-kuno na palabas..edi magkwentuhan tayo na ang topic ay *drum rolls please..*

PASKO!

/Charotera tong si otter../

IKR!

/Ibang kwento nalang otter../

Ano gusto mo? Kwentong barbero?

/Like mumu..makisabay ka naman sa vibe../

Ayoko. Lumayas ka rito kung sino ka mang nilala--LUUUUH! MAG-ISA PO AKO, SINO KA?!

Char.

Random lang talaga ang mga bagay bagay na nasa utak ko sa ngayon..pero may isang bagay na nagpainis at nagpatawa sa akin nitong nagdaang araw.

May nag-add kasi sa akin sa pesbuk, at iyon nga ay yung account ko po para dito sa wattpad. Supladita kasi si otter kaya di ako nag-aaccept ng request sa aking legit account (iyon ay kung makikita niyo) iilan lang na ka-close ko na talaga ang nakakaalam ng aking tunay na account. Echosera ako syempre pa, di dahil sa suplada ako kaya di ako nag-aadd dun ng account, ang totoo po niyan ay nagtatago ako (marami kasing pinagkakautangan si otter..)

De joke, halos lahat na ata kasi ng kamag-anak ko eh nasa pesbuk na yung ultimong tatay ko na araw araw ko nang nakikita..nagulat pa ako nang bigla akong i-add sa facebook, okay lang naman sa akin yun, kaso di'ba may mga kababalaghan kasi tayo minsan na pilit nating tinatago, tapos pagtutulungan ka pang pagtripan ng tadhana kasi may mga leche kang kaibigan na ita-tag ka pa..yun lang.

Mabalik nga tayo sa kinukwento ko, may nag-add nga sa akin..de ako accept naman..maya maya lang ay nagmessage siya, nawindang naman ako sa message niya..

Author din po ba kayo sa wattpad?

Umandar ang kamalditahan ko, kating kati talaga akong sagutin sya nang Hindi..nasa wattpad po ako para maghanap ng kabarkada.. Pero dahil mabait ako (alam kong maraming magre-react..) syempre magalang parin akong nagreply, baka naman kasi nadaanan lang pala niya profile ko sa facebook di'ba? Ang masakit dyan, di man lang nag-abalang i-search man lang ako sa wattpad para tignan kung legit nga akong writer dito..nagpadala ulit sya ng message.

Ano po bang mga stories nyo?

Edi syempre nagreply muli ako sa magalang na paraan..sinabi ko sa kanya ang mga stories ko. Nagreply muli sya..

Ang galing naman, 1 Million reads na..

Yung seryosong napapunta ako sa profile ako at napailing. DAAAAAHHH! Wala pa nga sa sinkwenta mil yung pinakamataas kong reads eh? 1 Million agad? Kaninong profile ang napuntahan niya? De sumagot nanaman si magandang otter (may magre-react ulit..) sa magalang na paraan na baka hindi ko gawa yung nakita niya. Ayoko na sana syang reply-an, hanggang magmessage muli sya sa akin..

AY JONGINA! Ayoko na..

So nag-rant lang talaga ako. Umiksi bigla pasensya ko eh. Sigurado rin naman akong wala rin syang balak basahin ito dahil nakuha pa po niyang magpromote eh.

Isang nakakasindak at nakakapanayong-balahibo nanaman po ang ating nabasa mga kapatid, nawa'y maging mapayapa ang mga gabi niyo, at di rin kayo guluhin ng mga di matahimik nilang kaluluwa. (chos, ayoko namang patayin sya.)

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon