Usapang Lasing, Suka, etc..

667 8 3
                                    

[15: Usapang Lasing, Suka..etc.]

Sagutin ko lang yung tanong ni Diwata sa kanyang latest entry ng Louie The Explorer.

What is your most unforgettable 'usapang lasing, suka at pagmamagaling' moment? Hindi kasi kasya sa two paragraphs ang nais kong i-share kaya magstretching ka muna bago mo ito basahin. Joke lang, wahehehe.

Nasa second year college na ako nang matuto akong uminom. Nasa maling barkada pa kasi ako noon. Una nila akong pinainom ng hard, vodka agad, di ko malimutan iyon, kaya naman hindi ako madaling malasing. Nung una akong inabutan ng shot glass, literal na inamoy ko pa talaga ang parang tubig na likido na naroon, putapete, amoy isopropyl alcohol! Binatukan ako ni Beks at sinabing inumin ko nalang at wag na itong amuyin dahil di ko lang daw iyon magugustuhan kapag ganun pa ang ginawa ko. Oh diba, may tips pa sila.

Kasabay ng pag inom ko noon ay sinubukan kong magyosi, hindi ako pwedeng magyosi dahil sa sakit ko. Eh wala, ayun na BI ako, de gora nalang. Kaya naman ebritaym na iinom kami napapayosi narin ako (pero noon yun..di na ngayon.)

Dumating narin ako sa point na laging umiinom, seryoso. Yung tipong:

"Yehey!! Pasado!! INUMAN NA!!"

"Bumagsak! Badtrip! INUMAN NA!!"

Oh, diba, hindi nawawalan ng dahilan para hindi uminom? Sunog-baga nga daw eh.

Meron pa once, mahaba kasi ang vacant namin noon, eh nagkaayan yung hinayupak kong tropa na uminom muna kasama yung barkadahan ng mga lalaki sa block..edi no choice, kaya ko rin naging kabarkada yung mga lalaki ng block eh dahil dun.

Labas kami ng school saka kami dumiretso sa bilyaran..akala ko talaga dati hindi totoo yung nasisira ang pag-aaral dahil sa bilyar..totoo palang talaga, sa dami ng pumupusta..para ka lang nanonood ng nagdodota. Since marami kami noon (anim lang kasi kami sa barkada..) akala ko hindi aabot sa sistema ko ang alcohol, mayabang na kasi akong uminom noon dahil nga mataas na yung tolerance ko sa alak. Eh putek, ewan ko kung dinadaya ba ako oh ano eh? Pagkalabas namin sa bilyaran punyatera, para akong high, inaakbayan na ako ni Chad sa balikat dahil yung lakad ko pagewang gewang na nga. Tapos ang malupit niyan kinakausap ako nina Mitch na ayusin ko daw yung sarili ko dahil papasok kami sa school.

De tumango lang ako, kasabay ko noon si Harley na namumula na ang buong mukha dahil may allergic pala sya sa alak, at tulad ko may tama narin. Para kaming tangang tawa ng tawa kahit di malinaw sa akin hanggang ngayon kung anu ba yung pinagtatawanan namin noon. Pagdating namin sa entrance ng school naghiwalay agad kami ng lakad ni Harley, nauna na sa amin noon sina Mitch sa loob, doon nalang daw nila kami hihintayin sa may tennis court. Paglagpas ni Harley, ako naman, talagang yung utak ko nakaset na tinuan yung lakad ko.

Nung di ako sinita ng guard saka ako tumakbo sa tennis court, shet yon. Nakapasa sa level 1. Nagpabili ako kay Kevin ng kape sa canteen dahil ayoko namang mag-aral ng may amats, di pa alam ng seatmate ko na naging bespren ko na si Patrick na uminom ako, dahil pag sinabi ko iyon sa kanya, sesermunan ako nun na dapat ay uminom nalang ako kapag tapos na ang klase. Tatay ko ata? Hahaha! Dun ako pinaupo nina Chad at Mitch sa pinakalikod ng room, alam kasi nila na maingay ako pag nakainom o di kaya ay baka makatulog ako.

Nung magdadasal na, tumayo ako kasabay ng iba pa naming mga kaklase at saka sinabing..

"MAY DIYOS KA PALA MA'AM?!"

Pagkatapos nun ay pinaupo ako nina Mitch at Chad..wag na raw akong magsalita..shet yon.

Kinabukasan laman ako ng simbahan. Ang sabi ko pa, magno-novena ako sa Quiapo every Friday wag lang akong matanggal sa DL..HAHAHA! Pakingsyet, after that sem awa ni Lord, nasa DL parin.

Pwedeng Rated SPG na ang mga susunod na eksena..hahaha!

Everytime naman na iinom ako eh lagi kong kasama si Pat, di kasi yun umiinom simula ng ma-convert siya sa Christianity, ang guy bestfriend ko. Lagi ko syang kasama kasi sya ang naghahatid sa akin pauwi pag may tama na ko. Nung despidida niya after college (nasa Singapore na kasi sya ngayon..andun na ang buong family niya..)

Andun kami sa bahay nina Pat, sakto andun din yung kuya niya na crush ko eversince makita ko--hahaha! Siya pala ang susundo kay Pat. De ayun, nagpainom lang sya kahit di naman siya umiinom, lakas, haha. Sino ang mga bisita? Edi ang boys ng block namin at ilang girls, since Friday iyon ng gabi, at may pasok pa ako kinabukasan sa opis, di ako uminom at nagkasya nalang ako sa pakikipagkwentuhan kay Pat at sa kuya niya.

Ewan ko kung nakakarami na ba ng sila ng inom ng biglang sabay sabay na nagkantyawan yung mga boys, body shot daw. Tumayo si Riz (actually di ko na sya feel kahit nung college pa man kami.) At saka nagpresinta siyang siya daw ang mauunang magbody shot, alam naman naming lahat since college na may gusto sya kay Chad, de sinabi naman nina Mac na go lang daw. Lumapit ito kay Chad tapos sabay sabay ulit nilang kinantyawan na hubarin na raw yung t-shirt.

Wala namang nagawa ang lolo niyo, since college din kami ay laman na ng gym itong si Chad, kaya naman hello abs! Nilagyan ni Riz ng salt yung bandang collarbone ni Chad hanggang sa dibdib men. Gusto ko sanang sapakin ang gaga dahil may girlfriend na itong si Chad, di naman ako KJ pero diba, kung ikaw ang jowa ni Chad at nalaman mong may gumanun sa boyfriend mo, anong mararamdaman mo? Pero piniglan ako ng kuya ni Pat.

In-straight ni Riz yung tequila, saka niya sinibasib (sibasib talaga? LELS) yung leeg hanggang collarbone ni Chad, shet. Ako ang namutla sa ginawa niya. Isa pang shot ng tequila, sa may dibdib talaga. Uulit pa sana si Riz, kaso biglang tumayo si Chad pero bago umalis ang sabi niya ay

"Wag babae ang susundo sa akin."

Nagkatinginan naman kami nina Pat..ALAM NA! HAHAHA!

De sabi ko ituloy lang nila yung pag-inom at sinundan ko si Chad.

Me: Hoy Chad!

Chad: Sabi kong wag babae eh!

Me: Masakit ba?

Chad: Oo naman!

Me: Need a helping hand?! BAHAHAHA

Chad: MAUIIIIIIIIIII!!!!!!

Me: Chillax, bibigyan lang kita ng FHM! Hahahaha!

Saka ako tumakbo palayo..hahaha, para sa hindi pa alam iyon..wag na, mahirap iexplain eh.

---------------------------------

Naniniwala din pala ako sa sinabi ni Diwata na hindi porke't lasing ka ay di mo na alam ang ginagawa mo. DAAAAHHH!

LASING KA LANG, WALA KANG AMNESIA!

Malakas lang talaga ang loob mo pag lasing at di mo lang talaga iniisip kung ano ang magiging consequences ng actions mo. As for me, madalas pag lasing ako ay naaalala ko pa ang ginagawa ko, pero ang hindi ko maalala ay kung ano ang sinabi ko sa'yo.

Extra din ang kakapalan ng mukha kapag nakainom. Yung tipong di ka naman kumakanta pero pag lasing panay ang birit mo, mga ganung bagay. Pero wag na wag mong sasabihin sa akin na di mo alam ang ginagawa mo. HAHAHA!

p.s. bukas na ako magcocomment sa mga gawa niyo..medyo napipikit na ako eh..haha! At nga pala, WAG KALIMUTAN ANG KAPE PAGKATAPOS UMINOM, PARA MAHIMASMASAN KA NAMAN! XD

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon