16.
He loves me, he loves me not..
Batang 90s knows this. Kung di mo alam yan, pangit siguro childhood mo, ilang dosenang santan narin ang naubos ko noon sa bakuran na tanim pa ng tita ko kakaganyan. Di ko alam kung saan ba nag-originate yan? Kay Jolens siguro, sikat sya noon eh, with her hip na hip na bangs at tila mga fuzzy wires na accesories.
Teka hindi naman yan ang topic na gusto kong simulan ngayon eh.
Ayan mabalik tayo sa love love na yan..puro nalang love.
Pagkakaperahan ba ito?
Ikakayaman mo ba ito?
Mapapakain ka ba nito?
HINDI, kaya kung ang hanap mo eh money-making tips wag ka dito. Pagkakagastusan kasi ang LOVE! (in some other way..mehehehe) Ayon mabalik nga tayo sa lintek na topic na yan, kanina ko pa gustong ipasok puro segway nalang.
May mga butihin kasi akong kaibigan na biglang nagtanong ng ganito:
Sinong pipiliin mo:
Ang taong mahal mo?
Ang taong nagmamahal sa'yo?
Una sa lahat alam mo ba kung gaano mong kakilala ang sarili mo? Kung hindi wag mo munang sagutin ang tanong na ito. Hindi rin ito pambatang tanong.
Anong pinili ko? Hindi ko nga pala nasabi yon sa kanila dahil ngumiti lang ako sa tanong na yan. Bakit? Kasi alam na alam ko ang sagot sa sarili ko.
Umpisahan nalang natin sa kung gaano kong kakilala ang sarili ko?
Kilalang kilala ko ang sarili ko. Alam ko kung ano rin ang pasikot sikot ng malikot kong utak. Alam ko kung ano ang gusto at ayaw ko, malinaw iyon sa lahat. Hindi ko narin i-elaborate ang bagay na ito. Sigurado naman ako eh.
Ang taong nagmamahal sa akin ang pinili ko.
Bakit hindi ang taong mahal ko? Bakit nga ba? Ma-pride kasi akong tao, ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman pala sa akin. Alam kong maraming kokontra, at marami ding what ifs..nakapag generate na nga ako ng isang malupit na 'what if' question eh..
What if mahal ka din niya kaso di niya lang maamin?
- Tandaan, the only constant thing in life is change. Ang pagmamahal, sabi nga ni kuya Vlad, pag di nasuklian ng tama nauubos din. Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao lalo na kapag may dumating para iparamdam niya sa'yo na ikaw ang mundo niya. Doon mo mare-realize bakit ka nga ba magtyatyagang maghintay kung alam mo naman wala ring kasiguraduhan kung aamin ba sya sa'yo.
Hindi sapat ang salitang MU para sa mga babae. Ang mga babae, maarte yan sa totoo lang. Nawawala ang pagiging cowboy ng isang babae kapag ganitong usapan na. Alam niyo naman siguro yung salitang ASSUMING diba? Ayaw ng mga babaeng maging ganun, kaya naman importante para sa amin kung aaminin ng lalaki ang nararamdaman niya.
Meron bang nauubos na pagmamahal?
- Meron. Ikaw, hanggang kailan mo kayang maghold on sa taong alam mo namang di ka kayang mahalin? Para ka lang naghukay ng sarili mong libingan, o para mo naring sinaksak ang sarili mo kung alam mong hindi naman niya iyon kayang ibalik. Alam kong hindi ang love dapat ay selfless, yung tipong nasasaktan ka na pero ayos lang kasi dun sya masaya. Ang katangahan lang dyan eh yung alam mo nang masaya sya, bakit nagpapakaMARTIR ka pa?
Maawa ka naman sa sarili mo, maraming taong handa kang pasayahin. Maging masaya ka nalang para sa kanya/kanila.
Hindi ako maka-move on, alam ko kasing parehas kami ng nararamdaman.
- CLOSURE ang kailangan mo kaya hindi ka maka-move on. Closure para saan? Pag nagkasugat ka may dalawa kang pwedeng gawin: Una, lilinisin mo lang ito at papabayaan maghilom, o pangalawa, lilinisin mo ito at gagamutin. Sa closure thing, ganito rin..kung ia-apply mo ang nauna, pipigilan mo na ang sarili mo at saka ka magpapatuloy sa buhay. Eto yung tipo na bahala nalang, yung okay na sa'yo na ayos sya at di na niya kailangang malamang mahal mo sya. Yung pangalawa, eh pipigilan mo na ang sarili mo at saka ka maglalakas ng loob na aminin na sa kanya na nahihirapan ka na dahil sa nararamdaman mo.
Ego ng lalaki ang nakasalalay sa pag-amin ng babae. Kaya hindi ko rin ina-advice na maunang umamin ang babae. Kung lalaki ka, be man enough para aminin na sa kanya ang nararamdaman mo kung alam mo namang parehas lang kayo na naghihintayan. Kung babae ka naman, pwede mo namang itanong kung ano na ba kayo? Kung positive ang sagot edi masaya, kung negative sabihin mo sa kanyang wag syang malandi. At sabihin mo narin gusto mong malamang ang sagot dahil ayaw mong maging assuming.
Kahit alam mong parehas kayo ng nararamdaman kung di naman niya maipakita ng tama, TAMA NA. Minsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, you have to set him free lalo na kung alam niyo naman parehas lang kayong nagkakasakitan.
TANDAAN:
- Hindi masamang magmahal, mali ka lang ng taon pinaglaanan ng feelings kaya ka nasasaktan.
- Walang gamot sa katangahan.
- Mahapdi ang alcohol (aaminin mo sa kanyang mahal mo sya.) pwede naman ang betadine (itatanong mo nalang kung ano ba kayo.)
- Hindi madaling mag-move on, pero be open para sa ibang bagay lalo na sa ibang tao na andyan lang at handa kang pangitiin.
- Eh ano kung wala kang boyfriend? Daig pa ng tatlo mong girlfriends ang pagkakaroon ng boyfriend no!
- Hindi siya kawalan sa buhay mo. Siya ang nawalan.
- MAHALIN MO MUNA ANG SARILI MO. WAG NA WAG KANG MAGLAKAS NG LOOB NA MAGMAHAL NG IBA KUNG DI MO NAMAN KAYANG TIGNAN ANG SELF WORTH MO.
Huli na, para kasi sa iyo ito..alam mo yan, maglalagay lang ako ng letter.
Dear ___________________,
Iiyak iyak ka dyan..sipain kita eh. DUWAG sya..DUWAG. Kaya wag mo na syang isipin, oh sige pagbibigyan na kita, pwede mo na syang isipin pero ang nararamdaman mo.. Alam kong di mo rin makokontrol iyan, pero sabi ko nga..pwede bang this time yung sarili mo naman ang mahalin mo? Tama na yung puro sa kanya. Humarap ka sa salamin at kausapin mo yung taong nandoon, sabihin mo sa kanya na di mo kailangan ng isang tulad ni *insert the name of hudas here* para maging masaya at makumpleto ka.
Andito lang kami lagi para sa'yo..kung di niya mapakitang mahal ka niya, kami kaya naming gawin yon. Alam mo yan, alam na alam di'ba?
We love you.
- Mauwee
-------------------------------
IKAW?
Sino ang pipiliin mo?
Ang taong mahal mo?
Ang taong nagmamahal sa'yo?