Coffee, Twitter and Grammar

1K 20 10
                                    

[1: Coffee, Twitter and Grammar]

Blogger.

Isa akong blogger..

Isa akong reklamador na blogger..

Noong college ako ang pagba-blog ang naging outlet ng mga rants and raves ko. Naalala ko pa noon, naglagay talaga ako ng "hit counter" sa Tumblr blog page ko para ma-monitor ko kung sino yung mga madalas na bumibisita sa blog page ko.

Parang ang pathetic ng pakiramdam ko nung unang subok ko na gumawa ng blog post. Walang nagcomment o pumansin man lang, pero naisip ko..di naman ako nagba-blog para sa ibang tao kaya naman itinuloy ko lang. Nagkaroon ako ng follower, may kumausap sa akin, nakadama ng rants ko..unti unti pakiramdam ko ay dumadami na ang mga kaibigan ko. Mas madalas kong gugulin ang oras ko sa paggawa ng 'text post' kesa sa pagfe-facebook noon..hanggang sa may napanood akong magandang pelikula at agad ko iyong ginawan ng review at recommendation..dun dumami ang mga followers ko sa Tumblr..araw araw may nagsesend ng anonymous message sa akin tungkol sa mga movies na nirereview ko, may mga nagpaparecommend din ng magagandang pelikula na mostly ay Korean, Thai, at Japanese.

Nadagdagan pa lalo sila nang magpost din ako ng mga review tungkol sa mga libro..para akong tumama sa lotto sa dami ng naging hits ko..di ko akalain na darating ako sa point na--nawalan na ako ng gana sa pagba-blog, inisip kong magdeactivate nalang noon sa Tumblr--tinanggal ko ang "hit counter" ko at saka ko pinalitan ang layout ng blog ko, unti unti ring tumigil ako sa pagsusulat ng text posts di ko rin alam kung bakit..unti unti rin akong nawalan ng mga followers--karamihan ng mga kasabayan ko dun, nagdeactivate na.

Gusto ko lang talagang iexplain na dumating ako sa point na naisip kong magbalik loob sa pagba-blog, pero agad din akong nawalan ng gana ng maisip kong magbabalik loob ako sa tumblr (though ino-open ko parin naman sya.) Kaya naman naisip kong magsulat nalang din ng ganito tulad nina Louie, at Honey--oo na, isa akong inggitera..walang basagan. CHOS! Gusto ko lang ng mahihingahan ng rants ko..palagay ko nakapagpublish narin si Erin..hmm?

So mabalik tayo sa iniinarte ko kanina pa..bakit nga ba ganyan yung title?

COFFEE..TWITTER..GRAMMAR

Yan kasi ang bumubuo sa isang pangkaraniwan kong umaga. Kape, Twitter--at yung pangookray sa grammar ng may grammar. Biro lang.

Kape..

Kape pagkagising..

Pagdating ko sa opisina, 'matic na yon pag pinatawag ko yung janitor--ibibili na niya ako ng kape. Anong kinalaman ng twitter sa kape? Wala.

As in WALA.

Joke lang, pero syempre para sa akin meron, nanonood naman siguro kayo diba, napanood niyo naman siguro na paggising ng bidang lalaki lalabas sya ng kwarto tapos diretso sa dining table kung saan nakahanda na automatically ang mga pagkain..pagkaupong pagkaupo niya ay kukunin na niya ang dyaryo..saka sya magbabasa at magkakape. Ganun din ako..magbubukas ng laptop, kukuha ng kape, mago-open ng twitter at saka magbabasa ng balita mula sa mga fina-follow ko.

Ano namang akala niyo..puro ka-chorvahan mga fina-follow ko? Di rin no!

ABS-CBN News

GMA News

ANC

The Rappler

NY Times

BBC News

Pag sa twitter kasi ako nagbabasa ng news, 'yon talaga ang matatawag na 'real time' news..'yon yung ibo-broadcast palang mamayang primetime pero alam mo na yung details agad. Di na kasi ako nakakapanood ng t.v. pagdating ko sa bahay..minsan nakakatulog na ako ng di pa nakakapagpalit ng damit--ginigising lang ako ni kuya bago sya umalis.

Ano namang kinalaman ng grammar dito?

Una sa lahat--di po ako GRAMMAR NAZI.

Pangalawa di ko rin sinasabing magaling ako sa English.

May fina-follow kasi ako sa twitter na dati kong blockmate noong college--well nauna niya akong i-follow talaga, nagdalawang isip pa nga ako nun kung ifa-followback ko ba sya--pero nung nagkita kami sa school kinabukasan bigla niyang inungkat yung di ko pag-followback sa kanya sa twitter, big deal ang peg ni ate? De nag-follow nalang ako, mapagbigyan lang.

After ko sya ma-follow, dun narin dumalas ang pagmumura ko..chos, eh paano naman nakakaloka ang grammar ni ate..as in! At dahil tribute para sa kanya ang post kong ito, maglalagay ako ng ilang epic niyang posts..naeentertain na ako, sa posts palang niya, hahahaha!

I-COMMENT ANG MALI.. (proofreading)

1. "I love my mom no matter what we go through..."

2. "Life is to precious to take things for granted..."

3. "Slow replies make me think you're talking to someone better than me.."

4. "sometimes the answer to stress and confusion is to be alone for awhile and think things over and over again..."

5. "how am i going to tell you i like you without it being awkward..."

6. "What is wrong! When will this fixed?.."

7. "Why is it when i move on you have to come along and pull me in again?"

8. "Does indonesian speaks english?? or does english is your language overthere?"

9. "There no greater love than self worth!"

10. "gud day every one... ds day i day i was goin 2 skul na dapat e..."

Okay nag enjoy naman akong masyado. XD ilang lang yan sa mga malulupit niyang posts.

Bakit ako gumawa ng ganito? Wala kasi akong maipangUD kaya naman kesa mabakante ang utak..ayan kinalabasan..

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon