Let me all greet you first a very Happy New Year!
Time check na muna, it's 1:16am. Medyo foggy pa sa labas dahil sa usok, honestly ay di ko talaga nae-enjoy ang ganitong klase ng pagsalubong sa bagong taon. Hikain kasi ako kaya bawal sa akin ang makasinghot ng usok. Teka ano bang mga sinasabi ko? Haha.Dito ko nalang ilalagay lahat ng messages ko para isang type nalang (patawad, ganito talaga akong katamad.)
Sobrang daming nangyaring memorable experiences ngayong 2013..ilan lang yung mga ito. (random lang..)
- Yung pagtambay sa sky garden ng dis oras ng gabi para lang "bumuo ng pangarap."
- Yung librong naka-set. HAHAHA! Hardcore.
- Kunwaring meeting tungkol sa stories/collab pag magkikita, pero pag magkakaharap na--nganga, tapos uuwing kinakabagan kakatawa.
- Milktea. Kape.
- KTV night kahit umuulan kebs lang.
- Videoke sa harap ng madlang peeps.
- Resign. Hanap trabaho. Tanggap..January pa magsstart--hahaha! (January na nga pala..gulay.)
- Grumaduate at nakapasa ang Engineer ng barkada na naghahabol ng UD ngayon.
- Umiyak yung isang bata sa taco bell na akala mo ay hiniwalayan ng jowa.
- Sumayaw sa dance central ng walang pakialam sa ibang tao.
- Nagpa-meetup na akala mo ay kung sinong may published book..hahaha!
- SLEEPOVERS! Yung tipong pag nakikita ako ni kuya, una na niyang tanong sa akin ay kung saan ako matutulog. Hahaha!
- Humiga sa kalsada kapag walang tao at magpicture picture.
- Mag pose sa crossing..haha!
- Kunwaring papasok sa review pero laging nauuwi sa pagmimilktea sabay basketball.
- Late night walks and talks.
- Ghost adventures at supernaturals.
- Anong gagawin mo kung iniwan ka ng taong hindi naman kayo pero kung makaiyak ka akala mo naman nakipaghawalay sya ng walang dahilan?
- Ang eksenang mukhang nasa evacuation center na binigyan ng relief goods, (mga batang nakaupo sa sahig habang kumakain ng ramen..) at nagbubuhatan ng kung kani-kaninong bangko.
- Naaawa na ako sa utak ko, pero inaamin ko, na-invade na sya ng KPOP simula ng hatakin ako ni Hunnydew para makita si Yonghwa..hahaha!
- Kunwaring magnonobena sa St. Jude, pero isang tarsdey lang talaga nagpunta kasi tamad ang kasama.
- Yung magkikita ng 3pm, yung prinsesa dumating ng ng 8pm..pasalamat sya at mabait kami, dahil kung hindi, wala na syang inabutan doon.
- Hindi nauubos ang ramen pag maanghang.
- Hindi kumakain ng hotdog at fries, tapos hindi umiinom ng kape..pero adik sa milktea.
- Nagdala ng KOKOLOGY sa sleepover..ayun halos tapusin ang buong libro dahil walang may gustong matulog.
- Nag stalk ng "dream guy" dahil medyo high ata at gustong makuha ang number..pero nawala rin..SAYANG!
- Nanood ng Iron Man movie kahit dalawa nalang ata sa sinehan..haha!
- Nagcha-chat/gumagawa ng convo or updates kahit nasa office.
- Kakain kung saan mapagtripan..tapos poproblemahin kung ano ang susunod na gagawin. XD
- YUNG MAY CURFEW YUNG ISANG BATA DYAN! X))
- "Magtext kapag nakauwi." Pag nagtaxi ilista/itext ang plate number ng taxi.
- Gumawa ng nakakagagong character saka pagtawanan kung ano magiging itsura.
- Tumambay ng ilang oras sa Mr. Parks hanggang sa magkaayaan nalang ng umuwi.
- Manlalait sa bookstore.
- "OH MY GOD KUYA!" and the poor guy was like-- O_______O" yung itsurang parang kulang nalang sabihin niya ay wala syang ginagawang masama.
- Yung moment na tuwang tuwa ako dahil naibigay ko na yung gift ko (inisip ko kasing wala na akong bitbit pauwi..) tapos bigla akong inabutan ng 10x the size nung binigay ko..medyo in denial pa nung una..tae..pero gusto ko yung laman..haha (MACHONG DANCER!)
- Napagkamalan akong lalaki dahil daw sa sinusulat ko..yung totoo? -_-"
- Break up. Tapos konsensya mode yung isa.
- Yung umabsent yung magboyps para lang sa exam ng maganda dyan..we labyu..haha!
- Yung vikings na hindi matuloy tuloy..meeeen.
Alam kong marami pang kulang, yung iba kasi dyan sa loob ng isang araw ang dami na nating nagagawa pag magkakasama. Kilala niyo na kung sino ang tinutukoy ko, haha.Sa minamahal kong mga kasangga sa krimen, ang Power Ninjas..
Mahal ko po kayo..ayieeeh, matats kayo! Seryoso na nga, salamat dahil nabuo tayo, I mean I have friends..pero sabi ko nga, childhood best friend ko hindi ko mapatulog sa bahay, pero kayo, in just a matter of months? Wow ha. Or its because you've seen everything in me narin kaya naman ganito na tayong ka-close. I'm really thankful at nakakilala ako ng mga tulad niyo.
Kahit isip-bata ka mare, ikaw parin ang ate namin (di nga lang kita natatawag na ate..kaya sorry..pati tuloy si Ka nag-stick na ako sa ganun..haha. Patawad..)
Kahit primadonna effect ang peg mo lolo Chang, hihintayin ka parin namin ebri meeting..sa susunod na ma-late ka, sagutin mo na yung kape.
Kahit tamad ka Louie, natats naman ako nung nagpunta ka kaagad sa Edsa Shrine nang malaman mo ang nangyari..saka tae, tayo madalas magkasama lately eh..tatak SERENITEA! Hahahaha!
At kay Erin, kahit ikaw ang aming evil maknae..wala na tayong magagawa dyan, evil ka talaga..tingin mo palang pamatay na..hindi nga kita mabara eh. Hahahaha!
I love you guys..and let's keep on reaching for our dreams!
Sa amin naman pong mga readers,Ayieeeh..wala lang..haha, andami dami ko na kasing nakakausap na readers lately dahil sa collab nga. Maraming salamat sa pagbasa niyo sa aming gawa ha, sana ay napasaya at patuloy pa namin kayong mapasaya/mapaiyak/mapagalit o kung anuman, sa pamamagitan ng aming mga kwento. Sa mga silent readers..wag po sana kayong mahiyang makipag usap sa amin, may PRO po ang power ninjas, si hunnydew..hahaha!
We labyu ol! Hihi..salamat!
Let us welcome 2014 with a big smile and open hearts. May God continue to bless us all.
HAPPY NEW YEAR ULIT! CHEERS!