Lies and Friendship

450 16 32
                                    

13: Lies & Friendship

Ano nga ba ang pakiramdam ng nabubuhay sa mundo ng kasinungalingan? Naks, ang lalim nun ah!

Tulad ng nasabi ni Hunnydew nung minsang nagkukwentuhan kami: "ginagawa na nilang social networking site ang wattpad."

Oh, bakit ko naisingit iyon? Napapansin ko narin kasing unti unti nang dumadami ang members ng wattpad, parang unti unti nang nilalamon ang comfort zone ko. Hindi lang dahil doon syempre. May mga bagay ka ring mapapansin sa mga nagiging members ng wattpad, baguhan man o hindi.

Gumawa ka ng account dito sa wattpad dahil sa dalawang bagay.

Una, para magbasa.

Pangalawa, para ibahagi sa iba ang kwentong isinulat mo.

Sa ngayon, eto na ang mga napapansin ko sa mga members ng wattpad.

Fame Whores

Pasensya na sa description pero yan kasi ang nababagay na tawag sa kanila. Sila yung mga nagsusulat dahil sa gusto nilang sumikat. Hindi ba pwedeng magsulat ka nalang dahil gusto mo? Lahat naman tayo gustong sumikat, sino pa bang paplastikin ko? Pero pag ang pagsusulat, pinilit mo..para kang uminom ng biogesic ng walang tubig. Gets niyo?

Sabi nga ni cursingfaeri, kung gusto mo palang sumikat, sana nag-artista ka nalang.

Alter Ego

Aminado ako sa bagay na ito, gumawa ako ng account dito sa wattpad dahil sa hilig ko sa pagbasa at pagsulat.  Kung bakit alternate ego, iyon ay dahil taglay ko po ang katangian ng pagiging introvert. Hindi sa ikanakahiya ko ang pagsusulat pero sa mundo natin na halos lahat ng tao ay ini-stereotype at may sari-sariling status quo sino ba ang gugustuhing kumawala sa ganung paniniwala ngayon?

Di mo parin makuha? Ganito nalang, halimbawa, si Einstein ay kilala bilang isang Theoretical Physicist, paano kung isang araw ay ideclare niya sa madla na hilig pala niya ang ballet? Ano unang reaksyon mo? Tatawa 'di ba? Wag kang plastik, sapakin kita pag di ka natawa.

Oh kung di mo pa talaga makuha, pikit mata ko nang irerekomendang manood ka ng HIGH SCHOOL MUSICAL, doon kitang kita mo kung paano mang-stereotype ang tao. Pero kung gusto mo ng mas may sense na pelikula manood ka ng THE BREAKFAST CLUB, isa sa mga lumang pelikulang naging paborito ko.

Sa paggawa mo nang alternate ego, gumagawa ka ng alternate universe mo (taas ang kamay ng madalas sa 9gag..chos) ibig sabihin ay pinapakita mo sa iba ang bagay na hindi nila kayang akalain na kaya mo palang gawin. Hindi ka gumawa ng alter ego mo para paniwalain ang iba na ito ang totoo mong pagkatao.

Iba rin ang may alter ego sa may split personality.

Sa akin kasing pagkakaintindi, pag sinabing alter ego, aware ka sa sarili mong ibang pagkatao ang ipinapakita mo. Pag naman kasi split personality, hindi aware ang isang tao sa biglaan niyang pagpapalit ng katangian. Usually ay dulot ito ng trauma, kaya naman ganyan ang nagiging defense mechanism nila.

Kids

I have nothing against with the kids, natutuwa pa nga ako na mas marami na ang gustong magbasa at magsulat eh. Kaso karamihan pala ay di iyon ang habol sa wattpad. Nakakalungkot lang isipin.

The Autobot

Pasensya na ha, hindi kasi ako naga-auto follow back, fina-follow ko po yung mga taong nagustuhan at sinusubaybayan ko po ang mga sinusulat nila. Kaya sana kayo ay ganun din, ifollow ang mga authors na nagustuhan niyo ang gawa, at hindi dahil ineexpect niyong ifa-follow din nila kayo. May mga tao kasing pagkatapos mong ifollow dahil sa pakiusap ay iu-unfollow ka.

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon