TWO Ms (Mario + MIBF)
Let me share my first ever experience with baha and MIBF. (This sounds so conyo..)
MARIO
Oo, sya yung bagyo na dumating kahapon at nagpakitang gilas sa buong sambayanan. I woke up-- 'course early, dahil I always a lot two hours for my travel time (..nililinaw ko po, hindi ako sa probinsya nakatira.) First things first, I checked my phone, dahil 5 a.m palang anlakas na ng kulog na naririnig ko, ang masaya pa niyan, ang lakas narin ng ulan sa labas. I re-adjusted my alarm, thinking na baka mag-suspend ng pasok sa work dahil sa weather condition.
I woke up again at arounf 5:30 a.m., walang message from my boss so I assumed na hindi cancelled. I took a cold bath para magising (..actually tamad lang talaga akong mag-init ng tubig kaya straight shower ako every morning.) Pagkabihis ko ng friday working attire (which is slacks and blouse saka blazer..) sinilip ko yung labas ng bahay, at nakitang di parin tumitila ang malakas na ulan. Inilabas ko na ang aking very reliable payong at saka nagmartsa palabas ng unit. Palabas na ako ng gate ng biglang bumungad sa akin ang--- HELLO BAHA. Umatras ako saka ako umakyat muli sa unit, tinext ko si boss na 1/4 leave ako at pumayag naman sya. Iniisip ko na baka after an hour or two ay huhupa narin ang baha.
8:30 a.m. nagpalit ako ng thursday uniform (dress) dahil pag yung slacks ang sinuot ko, siguradong wala pa sa kalhati ngstreet namin ang nalalakad ko ay basa na ang kalhati niyon. Bumaba ulit ako para subukang pumasok, pero ang masaya, pagbaba ko ay mas mataas na ang tubig. Natawa sa akin si kuya guard at sinabing wag nalang daw ako pumasok. Nagtext ulit ako kay boss na baha parin sa amin kaya naman half day leave na ako, pumayag ulit sya.
10 a.m. bumaba ulit ako at this time ay sinuong ko na talaga ang baha--actually ay di pa ako lumusong dahil nakuha ko pang mang-gilid gilid. Eto ang mas exciting na part, walang sasakyan, yung tipong kahit humiga ka sa kalsada keri lang. Operational naman ang LRT2 na madalas kong nilalakad lang, pero pag ganitong bumabagyo ay sumasakay ako ng jeep para iwas sa maduming lakaran. Ayun, wala akong nagawa kundi lakarin ang LRT2. Anlakas ng hangin, at pasimple ko naring pinapalangin na sana ay nag-hoodie nalang pala ako at hindi blazer.
Nakasakay na ako ng maluwalhati sa LRT, except lang sa mga weird na tingin ng mga taong kasabay ko. Siguro ay nagtataka sila dahil naka-corporate attire ako sa ganitong panahon, nilabas ko ang phone at in-on ang mobile data, saka ko lang nalaman na suspended pala ang pasok sa government. Eto din ang isa pang nakakatuwang part, nakita ko na hanggang tuhod na pala ang baha sa Pureza, normal lang naman daw iyon kaya hindi na ako nagtaka. Pero seryosong nagulat ako nung makitang halos hanggang dibdib na yung baha sa V. Mapa. First time ko makakita ng ganung baha eh (..nasa planet Uranus ako nung nag-Ondoy.) akala ko ay sa isang part lang ng Metro Manila ang affected, pero hindi pala.
Mabuti nalang din at bukas na ng ganitong oras ang Gateway mall, may bridge kasi doon na kadugtong ng Farmer's, kaya naman hindi ka na susuong sa ulan. Nakasakay din ako ng bus papuntang Ayala nang makatanggap ako ng message galing kay inang mother.
Inang Mother
Pumasok ka ba? Kung hindi, dyan ka nalang sa bahay.
Me
Yes..nasa bus na ko papuntang Ayala, half day leave ako dahil baha.
Inang Mother
Baha sa buong Metro Manila, parang Ondoy ulit.
Me
Okay lang, wala din naman akong ginagawa sa bahay eh.
Pagbaba ko ng Ayala, dumiretso muna ako sa McDo para bumili ng kape dahil sobrang ginaw kahit na naka-blazer na ako. Walang tao, pramis..parang lahat takot lumabas ng building, nang makabili ako ng kape ay sinuong ko nanaman ang galit na hangin at ulan palakad sa office, saktong pagtapak ko sa tiles ng maharlika naming opisina ay nakasalubong ko ang papalabas kong ka-team.
"O! Maui, bakit andito ka?" Sabi niya habang inaayos ang bag sa balikat.
Nagtaka naman akong napatingin sa kanya, "ah--kasi, papasok ako? San ka pupunta? Half day ka?"
"Suspended na ang pasok, ngayong 12 lang!"
And me was like-- ajsdh.ksjfn.k:O!#*&868&rIedhl^^@*^#($!!! Ang ending ay naglakad kami parehas pauwi. ANG SAYA SAYA. Nasa Greenbelt na ako nang maalala ko ang tungkol sa MIBF. Friday kasi ang Booklat Lights Off party ng LIB. Matagal ding pinaghandaan nina Hunny at Diwata ang event na ito, kaya naman medyo nagtampo ata sila nung sinabi kong hindi ako makakapag-leave ng Friday. Triny kong tawagan si Hunny at sasabihin ko sanang, "I'm in guys!!" pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, nasa Glortietta na ako nang makatanggap ako ng text mula sa pinsan ko at sinabi niyang kadarating lang ng bagyo--and I was like..so ano yung kanina? Gusto niyang ma-welcome talaga ng bonggang bongga?
Nasa Glorietta na ako nang magreturn call si Hunny at sinabing nasa Makati lang din si Diwata, na-stranded ata sila ni Ka kaya hindi sila makakatuloy. Agad kong tinext si Diwata para itanong ang kanyang exact location, pero natapos na sa pagkakape at lahat ay wala parin siyang reply. Tumuloy ako sa NBS at tumingin tingin lang ng libro dahil naka-sale sila. Nang magsawa ay umalis narin ako, inisip ko kasi na baka mas lumala ang baha kung ipagpapa-mamaya ko pa ang pag-uwi. Naglalakad na ako sa MRT nang makatanggap ako ng message galing kay Diwata at sinabi niyang nasa taxi siya papuntang MOA, kaya naman nginangarag niya akong sumunod..pero hindi ko rin ginawa dahil kailangan ko nang umuwi. SInabi ko nalang kung hindi na baha ay dun ako matutulog sa kanila.
Sumakay na ako ng MRT--at shet! Ang luwag, pramis, ngayon lang ako nakaupo sa Ayala station, I mean kahit kasi weekend ay hindi ka makakaupo kahit nasa Ayala station ka. Daan nanaman ng Araneta, nakasakay na ako sa LRT nang maalala kong ngayong araw din pala ang concert ng CN Blue. Pabalik na ako sa bahay, at yung hanggang dibdib na baha sa V. Mapa ay hanggang leeg na, lagpas tao na nga ata. Nag-tricycle na ako pabalik, at yung tubig dun sa street namin, DAFAK..lubog na talaga paa mo, or nasa binti mo na ang tubig, wala akong choice kundi lumusong. Mabuti nalang at may safeguard sa bahay (instant promote.) Ano napatunayan ko sa post na ito? IMORTAL AKO! I'm a fish! tengene. Sabi nga ni kuya pwede ng mag-jetski sa buong Manila.
[random note: ngayong Saturday ko lang nalaman mula kay Erin, dahil sa nangyaring bagyo ay may free concert tix daw ang CN Blue kahapon--mas lalong nakapagpadagdag sa frustration ko iyon--de sana nanood nalang pala ako noon! T_T]
MIBF: Manila International Book Fair 2014
Another first for me..
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakarating sa MOA SMX Convention Center, 1 pm na ata? Medyo lutang ang pakiramdam dahil ang laman lang ng sikmura ko ay waffle, ham, cheese, at hotdog. Sinundo ako ni Erin sa entrance dahil may ticket pala ang MIBF (aba matinde ito..hindi ko alam iyon..haha!) Pagpasok palang ng event's place ay na-shock na ako sa dami ng tao. Mapapamura ka sa bawat paghakbang mo lalo na kung katulad kita na ayaw sa mga ganitong bagay (..isang main reason kung bakit hindi ako nanonood ng concerts.) Seryosong hindi ako humihinga hanggang may makita kaming medyo maluwag luwag ng space at doon nalang kami dumaan.
Nung sumapit kami sa booth ng LIB ay nakaupo na dun sina Hunny at Diwata at pumipirma na, eh masakit na paa ko, kaya naman tumabi talaga ako ng upo kay Diwata at nagsilbing taga ayos ng kanyang bumabagsak na nameplate (nameplate? O basta..yun na yun.)
Wala pa ata akong isang oras na nakaupo nang sinabing may darating daw na iba, at ibang writers naman daw ang magbu-book signing..wag ka, ubos ang HATBABE at hindi namin alam kung saan kami hahanap ng kopya. Daming nagpapirma sa kanila, medyo natawa lang ako kay Diwata dahil yung kopya niya ng sariling libro ay pinapirmhan niya sa isa niyang reader--acid trip.
Tumayo na kaming lahat at nagpasyang lumabas na ng event's hall, akala ko ay pagbibigyan na namin ang mga alaga ni Erin sa tiyan pero hinanap pala muna nina Hunny ang summit para magpapirma sa isa sa mga mentors niya..na hindi rin niya nagawa sa dami ng tao, kaya lumabas na kami. Dumiretso kami sa Booklat's Lights Off Party. Nagpalit muna kami ng black shirt, yung may glow in the dark na POWER NINJA. Ang ccol nga eh, libre lahat, libre entrance pati yung glow sticks..hahaha! Parang bata. Pwede din palang pumasok ang mga readers at makiparteeeh sa kanilang mga gustong otters.
Ang astig nung event, namiss ko ang pagpunta sa bar, which is noong college pa ako nung last time kong makapag-bar. Okay din yung mga tao, halos lahat nga eh nakaharap sa mesa kung saan nandun ang pagkain--alam na dis. Siyempre papatalo ba kami? HINDI NO?! Pero nung nasa mesa na kami, wala na talagang pagkain medyo nakakainis. Kaya ang ginawa namin ay pinagtyagaan naming kainin yung nachos na walang dip. Hindi ko alam kung nakailang dukot ako ng nachos at nabusog ako dun. May ilang minutes pa ang hinintay namin nang dumating ang pagkain. Seryoso kami ni Erin sa pagbuo ng bread tower para makarami..hahaha! Saka kami dumiretso sa isang vacant area at dun tahimik na kumain.
Medyo okay na kami nang biglang may dumating na artista--yung gaganap ata sa TV adaptation ng LIB books, kaya naman lahat ay nagkagulo. Medyo nakanganga lang kaming PNs dahil hindi kasi namin alam kung ano ang gagawin namin? Nakatanga lang kami sa kanila hanggang makaalis na yung mga artista, pagkatapos nun ay lumabas narin kami para kumain ng mas maayos na pagkain. Nasa labas kami ng hall nang makita namin ni Erin sa may di kalayuan ang mesa na may kapeeeeeeeee! Eh may dumating nanaman na artista..
Me: artista yan..
Erin: paano mo nalaman?
Me: ang kinis ng mukha eh. (walang pores si kuya..)
Erin: ah..okay..
Sina Hunny at Diwata hinubad na ang pride at nagpa-picture na dun kay kuya..samantalang kami ni Erin--
Me: huy..libre ata yung kape.. *turo dun sa mesa..*
Erin: gusto ko nga rin eh..
Me: tara.. (hinatak si Erin papunta sa may coffee station at namangha sa dami ng creamer..hahaha! SORRY PO!)
Erin: YEHESSS! MAINIT PRE! *habang nagsasalin ng black coffee sa isang paper cup..*
Me: *abot ng isang paper cup* lagyan mo din ito dali.. *pasimpleng silip sa mga kaibigang nag-eenjoy parin sa pakikipag-picture picture.*
PATAWAD NA, mas malakas ang tawag ng kape sa amin ni Erin kesa kay kuyang artista. After that ay dumiretso kami sa BK kasama sina (..oops, sorry may nakalimutan akong pangalan..sorry, hindi ako matandain sa pangalan eh. T_T) Pero ayun, sana ay masaya naman sila, hindi naman kasi kami masyado nagsasalita ni Erin, o kung nagsasalita man kami ay yung isa't isa lang din ang kausap namin.
7 pm narin ata ng maghiwa hiwalay kami, maaga pa yan para sa PNs, pero pagod na kami eh. Salamat pala sa mga nakasama namin kanina, at sorry din kung hindi kami masyadong nasabi. CHOS. Sana may next time, at sana yung next time ay mas mahaba na ang oras na para mas matagal tayong tumanga..biro lang. THANK YOU GUYS! :))
p.s. bukas ko nalang ipo-post yung pictures sa instagram at facebook. ;)