Hunnydew
Alam mo yung mainit na sa labas, nakukuha ko pang magkape? Haha, oh ayan..bilang wala akong magawa, dahil tapos ko na ang dapat gawin. Magkukwento nalang ulit ako.
I assume marami na sa inyo ang nakakakilala kay Hunnydew..
So sino sya para sakin?
- Grammar Nazi
- Proofreader
- Ate ng bayan
- Living proof ng kasabihang "looks can be deceiving"
Pero mahal naman kita mare kahit ganyan pagkakadescribe ko sa'yo. Hahaha!
2012 kami unang nagkakilala ni Honey, though milya ang age gap namin (milya talaga? chos lang) di ko na sya matawag na ate ngayon.
Miyembro pa ako ng "vampire club" noon--mga taong tulog sa umaga, gising sa gabi. (bum life..)
Sa forum pa kami unang nagkakilala, syempre karamihan naman ng mga nagiging friends natin sa wattpad ay dun natin natatagpuan. Naaalala ko, flower na violet pa yung DP niya nun, tapos nung tinanong ko yung age niya, natakot agad ako sa kanya. Talagang every sentence ko ata noon may 'ate' saka 'po'. XD
Tapos bago pa ako matulog noon, almost 2 to 3 am na ata yun eh, bigla syang nagpost na pwede syang magcritique ng gawa. Eh mayabang ako, punyeta..chos lang, sinubukan kong ipabasa sa kanya yung on-going ko noon na kwento (The Proxy Wife) which is 11 chapters palang ata that time. Saka ako natulog.
Paggising ko kinabukasan, syempre hinarap ko kaagad ang pagiinternet, tapos nagvote sya at may comments..pero mas nakatawag pansin yung private message. Pikit-mata ko pang binuksan yun. Pagkakita ko..dyaraaaan!! Milya milyang grammar corrections mula sa kanya.
Minumura ko talaga yung sarili ko noon, sabi ko pa "Ayan Maui, yabang mo ah..dami namang corrections..sige lang..laslas ka na!" Hahaha, tapos dun sa last chapter may comment sya na buti nalang daw at huli niyang binasa yung gawa ko kasi wala daw kwenta yung mga nauna..alam niyo pumasok sa utak ko non? LEAST PRIORITY ako, huling binasa yung akin eh? HAHAHAHA, naginarte pa?
Tapos di ko na alam kung paano nag evolve yung tawagan namin sa "Mare" kasi parang one day, yun na yung tawagan namin. Magulo diba? Hahaha!
Nagpalitan kami ng number, hanggang sa sabay kaming natanggap sa in-apply-an naming companies noon.. :D Sabay talaga, as in. Ayun isang araw sa trabaho, bigla 'tong nagtext..kelan daw kami magkakape. Hindi ako taong uma-attend ng meetup. Ilang beses ko na yang sinabi..so sinagot ko sya, akala ko kasi parang swag talk lang eh--drowing kumbaga, sabi ko Sunday lang ako free dahil nga sa work ko. Aba, biglang naset ang date.
NAGKASUBUAN, in short. De sige nalang, pero ang totoo niyan kinakabahan ako that time, andami kong naiisip na what ifs..
What if mataray sa personal tong si Honey?
What if di kami mag-click?
What if di ko kaya lebel ng utak niya?
Yung mga ganung bagay..
Natatawa pa ko nun kasi maaga ako ng one hour sa gateway kasi tumambay muna talaga ako sa fully booked. Kunwaring naghahanap ng libro, pero ang totoo eh nagpapahupa ng kaba.
Tapos nagtext sya, sabi niya nasa Krispy Kreme daw sya. De ako punta naman doon.
Pagtapat ko sa Krispy Kreme, nagdalawang isip pa talaga ako kung papasok ba ako, may oras pa para magback out at sabihing may emergency ako, hanggang sa may batang maliit na biglang tumayo sa pagkakaupo tapos sigaw habang kumakaway pa..