21
Disclaimer: WALA po akong partikular na kwento na pinatatamaan, opinyon ko lamang ang mga naririto kaya naman maiintindihan ko kung may di sasang-ayon, inuulit ko, opinyon KO.
Madalas naming napag-uusapan (ng mga power ninjas) ang tungkol sa mga kwento, lahat kasi ng kwento ay cliche na. Paano nagiging unique ang story? Simple lang, ang isang magaling na writer ay may kakayahang ipakita sa'yo ang isang mundo sa pamamagitan ng kanyang malikhaing pagsusulat.
Daming arte, ayaw pang i-pin point ni Maui. Ganito kasi yan, bilang isang commuter madalas kong nakakasabay sa train ang mga taong mahilig magbasa sa wattpad, at dahil dakilang tsismosa ang inyong lingkod syempre pasimple kong sinusulyapan ang titulo ng kanilang binabasa. Madalas ay napapailing na lamang ako dahil sa pagkakasulat ng kwento (though aaminin ko, gusto ko ring murahin ang sarili ko ng binasa ko ulit ang pinakauna kong kwentong natapos.)
At bilang hindi makatulog si Maui, magro-role play muna ako bilang inyong DJ!
Yow! Wassup wassup people in da haws!
Andito nanaman tayo sa isang edisyon ng pinakaewan na countdown sa wattpad!! Men..
Top 5 pinakagasgas na plot/topic/events ng isang ROMANCE story. (PAKIBASA MULI ANG DISCLAIMER LABYU.)
No. Five: My Amnesia Girl
Bwisit na bwisit na ako sa paulit ulit na pagrecycle sa plot na may amnesia ang babae (or vice versa) at di na niya maalala ang kanyang true lab, so ang nangyayari etong si true lab gagawin ang lahat maalala lang sya or whatever.
KASUKA. Pwede naman syang maging interesting parin sa pamamagitan ng maayos na pagsulat sa kwento o kaya naman ay kakaibang plot sa story, tulad nalang kunwari ng parehong magkakaamnesia si boy at girl, naturalmente, hindi na nila knowings ang isa't isa kaya naman keberlu nalang pag nagtagpo muli ang kanilang landas. Ano ang magandang twist? Yun yung moment na mainlab ulit sila sa isa't isa kahit na nakalimutan nilang sila pala talaga! HAHAHA!
No. Four: Cancer
Hindi yung zodiac sign mo ang ibig kong sabiihin ha, cancer, yung sakit ang nais kong sabihin. NAPAKARAMI pong sakit ng tao, wag tayong mag-stick sa CANCER lang. Lakas maka rip-off ng ENDLESS LOVE ni ate Jenny at kuya Johnny eh. Pangalawa sa nauusong sakit ng character sa wattpad ay Leukemia 'daw' Para sabihin ko po sa inyo, ang leukemia ay isang uri din ng punyetang CANCER. Pero kung mapilit ka at gusto mo paring cancer, pwedeng ilagay mo ay tumor sa utak (which will lead you to no. five..) o kaya naman ay cancer sa sikmura. (Excuse me..) Tangina lang kasi yung ilalagay lang na sakit eh cancer..di ko malaman kung anong klase ba sya ng cancer, basta ang main point nila ay mamamatay ang bida.
Last na, kung bibigyan niyo ng malubhang karamdaman ang inyong bida, hindi po masamang mag-research o magtanong tanong muna sa mga may kaalaman tungkol dito. Mostly ng mga readers ay may pagka 'gullible' o 'naive' lalo na pag hook na hook sa binabasa. Ang tendency kasi ay pinaniniwalaan nila kahit mali ang impormasyon na nakasulat dahil gusto nila ang istorya. Don't mislead readers.
No. Three: Back With the Vengeance
Eto naman yung tipo ng plot na naloko si girl/guy kaya naman paglaki nila saka nila babalikan yung nang-api sa kanilang makakatuluyan din pala nila..tangina this di'ba? Yung totoo, anong pinaglalaban natin? Nag-aapply din ito sa mga taong nasaktan kaya naman gagamit ng iba pagkatapos ay maiinlab sya dun sa ginamit niya para pagselosin lang talaga si pers lab..
Magulo? Basta applicable sya sa mga nasaktan, naloko, ginamit, nagpagamit, kinawawa, inutangan pero di binayaran..paker yung mga ganun di'ba, sila na may utang sila pa ang galit kapag siningil..teka ano ba sinusulat ko?
No. Two: Only Belo Touches My Skin
I'm a Barbie girl, in a Barbie world..yang ang swak na swak na anthem ng mga may ganitong uri ng bida. Sila yung mga bidang PANGET NOON..(nagpunta kay Belo/Calayan..) MAGLAWAY KA NGAYON. Di ko alam kung nagpa-plastic surgery ba sila o naging drug addict lang yung bidang lalaki dahil gumanda na sya sa paningin niya. Syempre pa applicable din yung no. 3 dito.
Dito rin sa category na ito babagsak yung mga characters na panget pero nainlab sa kanila yung pinakagwapo or something sa school nila or whatever. Hindi naman sa pangda-down o pangi-stereotype (kung matatawag mo ngang ganun iyon) almost 90 percent of male specie prefers female who looks PLEASING to the eyes. Sa tagalog, MAGANDA. Kaya naman madalang kang makakakita ng sobrang gwapo na may kasamang alam-mo-na, (except sa case ng mga amerikano na may ka-holding hands lagi na alam-mo-na-ulit-yon..exotic kasi taste nung mga iyon eh.) kasi mas importante sa kanila ang pisikal na kaanyuan ng isang babae, kaya naman kahit walang utak kebs lang sa kanila, sexy o maganda naman kasi si ate.
HINDI PO AKO NAG-GENERALIZE NG MGA LALAKI, BAKA MAY UMAPELA, DUN KA SA PRESINTO.
At ang nangunguna sa ating countdown ay.......
No. 1: Another Cinderella Story
Yung punyetang plot na mahirap si babae tapos mayaman si lalaki, at kung anu-ano pang related sa ganitong plot. Pwede namang taga squatters parehas yung bida, maiba lang. Pasok din pala dito (ipipilit at ipupush ko talaga ito..) yung characters na hayup sa yaman, kulang nalang ay angkinin na nila ang kalhati ng mundo. Leche. Alam kong kwento lamang ito (madalas na rason ay fiction nga lang.) pero sana ay wag niyong kalimutan na mas okay kung makatotohanan parin ang kwento. Sabi nga, reality is better than your dream. Kaya naman maging realistic sana tayo.
Yow yow, mic check..ano naman sa susunod ang gusto niyong gawan natin ng countdown? Top
[A.] Gangster Shits
[B.] Overused types of characters
Iboto lamang ang inyong sagot, itype ang BOBOto akez<space>Pangalan ng alagang aso ni Louie<space>Brand ng blower ni Honey<space>Ang kulay ng nawalang wallet ni Erin<space>ang letra ng inyong ninanais.<space>Reason mo kung bakit hindi makatarungang sumagot ng essay lalo na pag math ang subject.
Ipadala lamang ito sa nagmamagandang si Chang at pakisabing mag-update na sya. Lablab! <3