Life and Death

277 10 4
                                    

18: Life and Death

Last Monday, I just received the biggest and most shocking news in my 21 years of existence. (Kung ikaw kasi nakalagayan ko ganun din maiisip mo.) Medyo wala pa ako sa tamang hulog that time, hindi ko pa maabsorb kumbaga. Umalis ako sa Makati nang maayos.

After 2 days, last Wednesday, Ms.________ called me (I'll just leave it blank) and said that there were findings sa naging medical ko. I was flustered for a second, unti unti kasing nagsisink-in sa'kin lahat nung sinabi nung doktor last Monday. After the line went off, nanghihina akong napaupo sa sahig (yesss, madrama si otter..) while thinking..why?

Why does it have to be me?

Bakit ito pa?

I'm only 21, I want to live until 70 or 80..

Will I die?

When?

I immediately changed my clothes, it was like 5 or 6 in the evening na ata. Uuwi ako ng Bulacan. Then I realized, how will I tell mom and dad? Di ko nalang namamalayan na tumatawag na pala ako kay mommy, I told her bit by bit tungkol sa findings. I may not see her pero I know that she's really worried for me, and that was the first time I cried while talking with her on the phone.

She keeps on telling me, "don't think about it, okay?"

I just had to end the call because I can't pull myelf together anymore. Mom understands that's why she just texted me with encouraging words.

Then I remembered Honey..

I texted her right away after that. She may not feel it, but she's always the 'ate' figure in the gang. I've always been an optimist, but this one's pulling me down.

I also asked Diwata what will she do if I die. I even requested na magsuot siya ng red, dapat nga sasabihin ko rin sa kanya na kumanta ng something rock kasama si evil maknae eh..hahaha! Shet! Alam niyo ni-reply sa'kin? SYA DAW MISMO ANG PAPATAY SA'KIN, WITH MURA COMBO! (Oh ayan dear readers may threat yan sa'kin ah..haha!)

Then dapat ime-message ko na noon si Erin na gusto ko na syang mag-boypren bago ako mamatay..haha!

Si lolo Kozart? ITULOY NA SI CHANG!! Shet, di naman ako ganung kasama, dapat talaga may hiling din ako dyan eh, magcover ng sayaw ng isang local girl group, i-video, saka i-play sa burol ko. SHET LAUGHTRIP!

I slept early that day, pero eto na yung time na mahihiling mo na sana ay sa pagtulog ka nalang mamatay, yung di mo na kailangang dumaan sa kung anu-ano pang sakit. (Literal na sakit ah..)

When I went home the next day, mom and dad had decided na dalhin na ako sa St. Lukes the next day, (at least ay nasa international level na raw.) Sabi nga ni daddy, blessing in disguise na raw dahil at least nalaman na namin ng mas maaga.

Ayun, came Friday, aga kong nasa hospital, I just had my usual cheerful disposition kahit sobrang natatakot na ako. Ayoko din naman kasing mag-worry si mommy. Afternoon pa ako nang ma-schedule ako sa mga tests, sobrang na-prolong yung agony ko di'ba.

Pakunswelo ko nalang yung time na naglalakad ako sa Cardio unit ng ospital tapos biglang may dalawang nurse na nagsalita sa likod ko..

Nurse 1: Nandyan na ba si Doc. Marcus, may pinapabigay si Doc. blah blah.."

Nurse 2: Wala ba dun sa office niya kanina? Baka nasa MAB.

Isa po kasi sa mga pinakamamahal kong karakter/alaga dito sa wattpad ay nagngangalang Marcus, at isa po siyang doktor sa St. Lukes, plus kasalukuyan po siyang nagte-take ng residency para maging isang ganap na Cardio. (Pasimpleng plug, hanapin niyo. Hahaha!) Una tuloy pumasok sa isip ko ay yung nilikha kong karakter, wahahaha! Napatingin tuloy ako kina kuyang nurse.

Habang naghihintay kami ni mommy, tahimik lang kami parehas, wala kasi sa amin ang may lakas na magsalita. Naniniwala ako sa reincarnation, syempre pasimple na akong humihiling na sana makilala ko na ng personal si Kris kapag na-reincarnate ako, o kaya naman ay ma-reincarnate ako bilang apo ni Mark Zuckerberg o kaya ay mapabilang ako sa political family ng bansa pag na-reborn ako..ahahaha! May political ambitions pala, di agad sinabi? Syempre di naman nawala yung maisip kong isa nang first-world country ang Pilipinas kapag pinanganak ako ulit..pero siyempre imposible yun, sa bulok ba naman sistema ng bansa..daaaaah!

Nung bumalik ako  para sa test that afternoon, agad akong pinapasok nung nurse sa loob, bawal daw magsama sa loob so lahat ng results or yung makikita kaagad, direktang sa akin na sasabihin. Pinagpalit ako ng gown (hindi pan-sagala o pangkasal..shet. Patient's gown.) Yung nasa loob palang ako ng changing area di ko nanaman mapigilan ang maiyak habang nakatingin sa salamin..yung maisip mo palang na.. shet, bakit ang ganda ko po Lord? Tapos ayaw niyo na akong makita ng ibang lalaki? Medyo ampeyr.. Syempre joke lang na yan yung naisip ko.

Paglabas ko ay pinaupo muna ako sa nagyeyelong waiting area, hindi ko alam kung dahil sa aircon o dala narin siguro ng pakiramdam ko, may kasama akong mga middle-aged women sa loob ng waiting area, and seriously, ako ang pinakabata sa group. May isa pa ngang senior eh. Lima kami sa loob ng waiting lounge.

Tahimik lang akong nakatulala nang bigla akong kausapin nung katabi ko.

/Ilang taon ka na?/

21 po..

/ang bata mo pa pala, 50 plus na ako../ pagkatapos ay nagsabi narin ng age yung mga kasama pa namin doon sa lounge, pinilit ko nalang ngumiti, yung susunod kasi sa edad ko 47 na.

Oo nga po eh.

/may dalawa akong anak, kaedad mo yung pangalawa ko./

Ah ganun po ba.. Buti pa po kayo, gusto ko rin pong tumanda at magkaanak..

/kung maging positibo man ang resulta ay tatanggapin ko na lang, tapos narin naman ang mga anak ko../

Di na ako nakasagot dahil tinawag silang apat, iisang procedures lang pala kasi sila. Gusto ko na ulit umiyak that time, naisip ko kasi na ang swerte nila kasi inabot nila yung ganung edad..I'm always wishing for additional 60 years in my life, pero sa mindset ko, kahit 1 year papatulan ko.

Kaso biglang dumating si ateng nurse, panira ng moment, pinapasok narin ako sa kwarto.

Wag niyo ng ipaelaborate kung anung ginawa ko sa loob. Anong result?

NEGATIVE!

NEGATIVE DAW EH!

Sobrang di rin ako makapaniwala..

Paglabas ko ay nakita ko ulit silang apat  sa waiting lounge, naghihintay daw ng results, pagkapalit ko ng damit ay nagpaalam na ako sa kanila..

Una na po akong lumabas, negative daw po from any signs of cancer. Sana mag-negative din po ang results ng sa inyo, mabubuhay pa po tayo ng matagal.

Yung babaeng kumausap sa akin kanina, biglang tumayo saka ako niyakap.

/Thank God at okay ka, were hoping for the best too. Mag-ingat ka lagi, at salamat!/

Yung pakiramdam na ang layo ng pinto palabas sa lounge sa labas pero parang ang lapit lang kasi feeling mo lumilipad ka. Sobrang thankful ako dahil na-clear na ako. And seriously, nawalan ako ng 3 kilos in just 4 days sa sobrang stress.

And yeah, it was cancer. Sinong di magkakamental breakdown?

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon