Sino si AKO?

527 15 8
                                    

[4: Sino si AKO?]

"You don't choose your family. They are God's gift to you, as you are to them." 

- Desmond Tutu

Kakabasa ko lang ng recent post ni Erin tungkol sa lolo niya (kung di niyo pa nababasa, yun yung nasa "Ang Utak Ni Erin *Pakyeah*" na may title na My Hero.) Bakit ko binanggit ito? Simpleng plug lang, joke lang syempre..kung di ka marunong sumakay sa joke ko, ampangit siguro ng childhood mo. Chos lang ulit. Binanggit ko lang ito kasi kwentong pamilya naman ang maririnig niyo sa akin ngayon.

Malamang nabuo nanaman ito habang ako'y nagkakape dito sa opisina, wag mo kong pagalitan, tapos ko na yung mga report na ipapasa sa Lunes..updated ako eh, bakit ba.

Ayokong magdrama, lalo na pag usapang pamilya. Pagsusulat lang ang naging outlet ng mga nararamdaman ko, kadalasan naman kasi nung mga sinusulat ko 'speaking from experience' ang peg.

May konti akong kaalaman sa gay lingos kaya nabuhay si Joey/Cristine. 

Isa akong batang sheltered kaya nabuo sa imagination ko si Ate Carlene. 

Easy go lucky akong tao kaya naman sumulpot bigla si Drei. 

Inosente ako sa maraming bagay kaya naman andyan si Hariette.

Kung ililista mo lahat ng characters ko, lahat yon may contribution kahit isa sa mga ugali ko. Pero sino nga ba ako? Oh simula pa lang ng librong to sinabi ko nang wala kayong mapapala dito, except kung gusto niyo lang mabasa ang mga kabaliwan ko sa buhay. Pero sa parteng ito, nasa sa'yo narin kung itutuloy mo itong basahin o hindi..

Hindi ganoong kayaman ang pamilya ko, nakakaluwag luwag lang sa buhay.

Manila girl ang mommy ko, habang si daddy naman ay nag-manila lang for trainings, mga ganung bagay. Ayoko nang ikwento labstori nila dahil gasgas na para sa akin eh. Taga Bulacan din si mommy pero dun na sya nagstay sa Manila nung teenager years niya. Nung nagpakasal sila ni daddy ay nag stay narin sya bahay at naging isang housewife po, alam niyo naman siguro yon diba.

Doon kami tumira sa compound ng pamilya ni daddy, syempre ano pa bang ieexpect mo? De puro mga kapamilya ni daddy yung nandun. Si daddy ang pangalawa sa bunso, yung mga sinundan niyang mga kapatid na babae ay puro old maids, seryoso. Kaya naman sa aming super extended family, kami ang pinakabata sa mga magpipinsan, ang nag-aalaga sa amin ni kuya at nung sumunod sa akin (well, except syempre kay yaya) ay yung mga nakakatanda na naming mga pinsan.

Naaalala ko pa noon pag oras na para kumain, tapos ayaw namin ni kuya ng ulam, iisa-isahin namin yung bahay nung mga pinsan namin para magsurvey kung sino may masarap na ulam saka kami dun makikikain. Hahaha!

Kaya naman sobrang close ako sa pamilya ni daddy at sa mga pinsan ko sa father's side. Noong bata ako akala ko sila lang ang pamilya ko. I mean, kasi kuntento na ako sa kanila. Yung mga pinsan ko noon na nag-aaral sa Manila, pag umuuwi andaming pasalubong sa amin nina kuya, tapos isasama kami sa farm..mga ganung bagay. Bata palang si daddy nang mamatay ang parents niya kaya naman di ko narin inabutan ang lolo at lola ko, ni hindi ko nga maalala kung ano bang itsura nila kahit paulit ulit kong tinitignan yung picture nila sa ancestral house eh.

Isang beses, hindi ako makatulog ng tanghali, bilang hindi naman ako masyadong pinapalabas ng bahay dahil may sakit ako lagi lang ako sa loob ng bahay kaya naman naghalungkat nalang ako ng photo album sa bahay. Doon ko nakita yung pictures namin kasama nung mga pinsan ko sa mother's side. Hindi ko pa talaga alam yon noon, tinanong ko si mommy kung sino sila at sinabing mga pinsan ko nga daw sila.

Akala ko random lang na kakilala ni mommy..hindi pala.

Nagreunion kami sa mother's side. Gradeschool ata ako nun, di ko na matandaan. Yun narin pala yung last na makikita ko ang mga pinsan ko sa mother's side.

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon