CHAPTER 4

20.1K 580 129
                                    

Nakarating ako sa CU kaya excited akong nag lakad papasok sa loob ng university.

Papasok na sana ako sa loob ng hinarangan ako ng guard.

"Miss bawal po dito ang mga hindi studyante." Mukha ba akong hindi studyante?

"Kuya studyante po ako at dito po ako nag aaral may id din po ako, baka gusto niyong tignan para maniwala kayo or puntahan niyo yung dean." Sagot ko sa kaniya.

Nakita ko naman yumuko siya "Pasensya na po ma'am nag iingat lang po kami. Sige po pasok na po kayo pasensya na po ulit."

"It's ok kuya ginagawa niyo lang ang trabaho niyo pero sasusunod hingian niyo ng id." Yumuko ulit yung dalawang guard.

"Opo ma'am pasensya na po ulit." Tumango lang ako staka pumasok na sa loob.

Pag pasok ko nilibot ko ang paligid. Grabe ang ganda dito, ito talaga ang dream school ko.

Ang swerte ko naka pasok ako dito.

Nag lakad na ako papuntang dean office sabi kase nila mga scholarship daw, dumeretso sa dean office para maibigay yung mapa para hindi daw kami ma ligaw.

Pag pasok ko may nakita akong dalawang studyante mukhang scholarship din mga 'to, pero yung isa mukhang mayaman 'to.

Umupo na ako sa tabi nila staka ako bumati sa kanila.

"Hello mga dilag na maganda kagaya ko." Masayang bati ko sa kanila.

Hindi ako pinansin ng isa pero yung isa nag hi sa'kin.

"Hi ikaw din magandang dilag." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw crush mo ako 'no?" Nakita ko siyang natawa kaya natawa din ako.

"Oo nga pala ano pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Ako nga pala si Aeris Luise Pineda ikaw ano pangalan mo?" Wow ang ganda ng pangalan mukhang mayaman talaga ang isang to.

"Ako nga pala si Maia Rae Ashford ganda ng pangalan ko 'no. Ikaw ate ano pangalan mo?" Tanong ko naman sa isa pero tinignan niya lang ako.

"Ivo." Tipid na sagot niya grabe naman 'to ang tipid tapos ang lamig.

"Ang tahimik niya 'no aeris." Sabi ko sa kaniya.

Tumango lang siya staka dumating yung dean kaya sabay-sabay kaming bumati sa kaniya.

Binati niya rin kami pabalik sabay bigay ng mapa inexplain din niya na libre ang pagkain namin, sa university na 'to.

Wow swerte naman namin libre hindi ko na pala kailangan bumili, mukhang mamahalin din ang mga paninda dito eh.

Sabay-sabay na kami lumabas nag paalam na si aeris may kasama pala siya dalawa, mukhang mayayaman mga yun habang si ivo umalis nalang ng walang paalam.

Sungit naman non pasalamat siya maganda siya.

Nag lakad na ako nilibot ko ang paningin ko may nakita akong fountain.

Wow ang ganda swerte ko talaga dito ako nag aaral, iinggitin ko nga mga kapit bahay ko pag uwi ko tiyak maiinggit mga yun.

Nag lakad na ako hanggang may bumangga sakin.

"The heck hindi ka ba tumitingin sa daan mo!" Sigaw nung babae naka bangga sakin.

Bigla naman siya humarap sa'kin sabay ngiti.

"Oh sorry i think bago ka dito ngayon lang kita nakita?" Tanong niya sa'kin.

Sabay ganon kung maka sigaw siya kanina akala mo galit sa mundo eh, tapos ngayon para siyang mabait na tupa.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon