CHAPTER 7

14.6K 429 33
                                    

Tapos na ang duty ko ngayon pero sabi ng manager ko kakausapin niya daw ako.

Ano kaya yun parang hindi maganda pakiramdam ko.

"Ma'am tapos na po ako. Ano po yung sasabihin niyo?" Tanong ko sa kaniya.

"Halika sa office ko." Sumunod naman ako agad sa kaniya.

"Maupo ka muna may kukunin lang ako, babalik din ako agad." Umupo muna ako.

Bumalik na si Ma'am Castro may dalang puting sobre.

"Gusto ko lang humingi ng paumanhin Maia, pero mag sasara na ang restaurant hindi ko alam sa may ari kung bakit pero ang sabi niya sa'kin ay hanapan ka ng bagong trabaho at may i ooffer ako sayo." Sagot niya nalungkot naman ako pero masaya din dahil may i ooffer pala siyang trabaho.

"Sige po ma'am kahit ano yan basta wag lang pusher ha." Natatawang sabi ko kaya natawa na din siya.

"Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan. Btw may bagong open na bar ang kaibigan ko at isasama kita dun ako din ang manager. Napa isip kase ako na isama kana rin total mag sasarado na din itong restaurant. Alam mo naman parang anak na rin ang turing ko sa'yo eh." Ang bait talaga nitong manager ko.

"Salamat po ma'am malaki na naitulong niyo sa'kin, kayo na din ang nag pasok sa'kin dito tapos sasama niyo pa ako sa bar salamat po talaga handa po ako mag pa gabi basta makapag trabaho lang po ako." Ngumiti naman siya sakin.

"So payag ka rin maging chef sa bar?" Tanong niya sa'kin.

"Aba ma'am opo naman alam niyo naman pong hilig ko ang pag luluto, kaya papayag po ako syempre." Masayang sagot ko sa kaniya.

"Oh papano ba yan next week na ang umpisa mo sa ngayon inaayos pa ng kaibigan ko ang dapat ayusin, bago mag open ang bar sige na uwi kana mag ingat ka ok at staka ito pagkain para may pag kain ka pag uwi, at kakain ka alam kong pagod ka din." Tinanggap ko naman agad ito at niyakap siya.

Parang nanay na rin tingin ko sa kaniya kase lagi siyang nanjan para sa'min ni lola.

"Alis na po ako ma'am ingat po kayo." Paalam ko sa kaniya may sinabi pa siya bago ako umalis.

"Oo nga pala nak sa sabado may pa party si sir pang farewell saating lahat pumunta ka ha."

"Opo ma'am sige po alis na ako ingat po kayo sa pag uwi." Paalam ko ulit sa kaniya.

Tuluyan na akong umalis at nag hihintay na ako ng jeep.

Habang nag hihintay ako ay may tumigil naman sa harapan ko isang magarang sasakyan.

Bumaba naman yung may ari ng sasakyan.

"Hey Maia, sabay kana sa'min anong oras na at bakit nandito ka pa sa labas." Bungad ni cheska sa'kin.

"Naku wag na cheska mag aantay nalang ako ng jeep at staka galing akong trabaho eh ngayon lang natapos duty ko." Lumapit naman siya sa'kin.

"Tara na sumabay kana matatagalan ka pa kaka antay mo ng jeep at staka baka mapano ka pa. Kaya tara na libre lang." Sumuko na rin ako total libre lang naman daw edi sasakay na ako.

"Sige na nga sure ka sa squatter area ako naka tira baka hindi mag kasya sasakyan mo, samay kanto mo nalang ako i baba ituturo ko nalang sayo." Sabi ko sa kaniya baka kase hindi mag kasya sasakyan niya eh lalo na marami din tambay baka pag ka guluhan sila.

Wag kayong judgemental mababait tambay sa'min may silbi kaya ang mga 'yon lalo na kapag may nakawan nangyayari to the rescue sila palagi.

Sumakay na ako at tinuro ko na rin yung daan.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon