EPILOGUE

15.6K 358 154
                                    

Phoebe Eloise Pov

Three years na ang naka lipas mula nung naka takas ulit si Jerry, sa tulong ng kapatid niya.

Hindi ko aakalain na magagawang tulungan ni Cheska, ang kuya niya. Iniisip niya na mag babago ang kuya niya.

Sa loob ng three years nag dusa ako, dahil ako lang ang nag aalaga sa anak namin.

Nandito ako ngayon sa sementeryo, dahil gusto ko din siya makita.

"Hi, lola. I'm here again. I'm sorry po kung nandito ako ulit. Ang sakit pa din po kahit tatlong taon na ang nakalipas, parang sariwa pa din para sa akin mga nangyari." Umiiyak na sabi ko sa puntod ng lola ni Rae.

Gusto kong mag labas ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na ok na ang lahat pero hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga nangyari tatlong taon na ang nakakaraan.

Kahit na maayos na ang takbo ng buhay namin ngayon ay hindi ko pa din maiwasan na hindi umiyak.

Para sa akin masakit pa din, dahil may mga nawala sa amin.

"Sinusubukan kong maging matapang lola, para sa mga anak ko. Ayaw ko din makita ng pamilya ko na umiiyak ako, paniguradong masasaktan din sila. Lola alam mo bang ang ganda at ang gwapo ng apo mo sa tuhod?" Pinag patuloy ko lang ang pakikipag usap sa puntod ni lola.

"Ang cute po nila ang ang babait nila, tapos ang galang po nila. Two years old na sila ngayon at ang talino nila. Manang-mana sila sa Mama Rae nila. Alam niyo po ba si Sean Matthew at Amara Jade kahawig na kahawig po ni Rae. Ang daya lang po, kase ako ang nag dala ng nine months, tapos si Rae lang ang magiging kamukha." Nag tatampong sumbong ko.

Hindi ko alam kung bakit si Rae ang kahawig ng kambal.

Tama kayo ng pag kakabasa kambal ang anak namin ni Rae. Naging mahirap din ang pag bubuntis ko, lalo na wala si Rae sa tabi ko.

Pero mabuti nalang inalalayan ako nila mom sa pag bubuntis ko. Kaya hindi din ako nahirapan dahil nandiyan sila para sa akin, pero iba pa din kapag may katulong ka sa pag bubuntis at pag aalaga ng mga bata.

"Lola, I need to go na po. Baka hinahanap na din po kami ng mga bata." Paalam ko sa lola ni Rae.

"Let's go, love. Baka umiiyak nanaman sila dahil wala tayo sa bahay." Tinignan ko naman 'yung taong nag salita sa likod ko.

Hindi ko maiwasan na hindi mapa ngiti, dahil sa sinabi niya.

Yumakap ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa noo.

"Lola babye na po, aalis na kami ng asawa ko. Baka gabihin din po kami eh." Paalam ng asawa ko.

Ang sarap pakinggan 'yung salitang asawa ko.

Tama kayo nag pagkakabasa, buhay si Rae. Akala ko mawawala na siya sa akin dahil critikal ang lagay niya.

Nabaril siya ni Jerry sa dibdib mabuti nga naisugod siya nila tito sa hospital.

Kung hindi baka wala na siya sa amin. Mahigit isang taon din siyang na comatose, akala ko hindi aabot ng isang taon pagka-comatose niya.

"Hey tulala ka nanaman. Sabi ko naman sa 'yo wag mo na isipin 'yung nangyari three years ago, hindi maganda iyan sa buntis kagaya mo." Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ng magaan ang labi ko.

"I'm sorry, hindi ko lang maiwasan na isipin mga nangyari last three years ago." Hinging paumanhin ko sa kaniya.

"It's ok, basta iwasan mo na mag isip ok. Nakaka sama sa baby natin iyan." Hinawakan niya ang tyan ko at hinaplos iyon.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon