CHAPTER 30

17.3K 339 28
                                    

Tuesday na ngayon at ngayon din kami papasok, dahil nag pahinga lang kami kahapon pag uwi namin galing boracay.

Nakaka lungkot akala ko nga makakasama ko si Eloise, pero sabi niya busy daw siya tapos hindi manlang nag text or tumawag mula kahapon.

Nakaka tampo siguro sobrang busy niya lang talaga kaya, hindi siya agad naka tawag.

Pag dating ko sa university agad na bumungad si Cheska sa akin.

"Hi, pwede kana ba sumama sa akin sa breaktime mamaya or busy ka pa din?" Napakamot ako sa tenga ko.

Busy naman si Eloise, kaya papayag nalang ako at staka wala naman malisya eh kung sasama ako sa kaniya.

"Sige." Sagot ko sa kaniya nakita ko naman 'yung saya niya sa mata niya.

"Akala ko tatanggihan mo nanaman ako eh siguro pinag babawalan ka ni Prof Lazano, na sumama sa akin?" Napakunot naman noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano pa ba minimean ko hindi ba may relasyon kayo kaya ayaw niyang sumama ka sa akin, dahil nag seselos siya sa akin." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Papaano mo na sabing may relasyon kami?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Mari sinabi niya sa akin, actually Mari is my friend." Mas nagulat ako sa sinabi niya.

Napaka marites naman ng mari na yun. Una pa lang masama na kutob ko sa babaeng 'yun eh.

"Ahh ganon ba, oo may relasyon kami pero hindi naman namin pina public." Sagot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun, pero nakita kong umirap siya.

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya. Maaari lang ayaw kong makasama siya ng matagal baka makita kami ni Eloise, at magalit siya sa amin. Lalo na sa akin, dahil hindi ko sinunod ang utos niya na layuan si Cheska.

"Wala na basta mamaya sabay tayo." Sagot niya at kikiss sana niya ako sa cheek pero agad akong umiwas.

Nakita ko naman ang pag irap niya sa pag iwas ko at nag paalam na.

Pumasok na ako sa unang klase ko at pag dating ko sakto tinawag ako ni Ash. Kumakaway pa ang gaga.

"Mare bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Si Cheska, kase humarang pa kanina eh tapos nag tanong kung pwede ba daw kami sabay mag lunch mamaya. Hindi naman ako maka tanggi at staka wala din naman si Eloise, busy hindi kami sabay. Oo nga pala marites ba 'yang si Mari?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam bakit?"

"Paano kase sinabi niya kay Cheska, na may relasyon kami ni Eloise." Nakita ko naman tumaas kilay niya.

"Friend ba sila? " Tanong niya sa akin.

"Oo daw sabi ni Cheska."

"Hayaan mo na si Mari, mabait naman iyon." Sabi ni Ash.

"Papaano mo na sabi eh kung maka kapit sa iyo, parang tuko." Sabi ko sa kaniya. Para kaseng chanak kung makakapit.

"She like you Ash." Sagot naman ni gill.

Bigla naman tumawa si Ash.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sa kaniya.  

"Hindi niya ako crush. Friend kami ni Mari, kaya lang naka kapit iyon dahil sanay lang siya. Staka may ibang gusto si Mari. Kayo talaga napaka judgemental niyo, hindi pa nga ninyo nakakausap iyong tao eh." Sagot niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon