CHAPTER 25

12.2K 361 106
                                    

"Mga mare balita ko may bago daw tayong professor na lalaki." Sabi saamin ni Ash.

"Papano mo nalaman aber?" Tanong ko sa kaniya.

"Narinig ko lang alam mo naman itong tenga ko, mabilis maka sagap ng balita." Napaka marites talaga kahit kailan.

"Napaka chismosa mo kahit kailan btw gwapo ba yan? yummy, may abs?" Tanong ko sa kaniya pero nakita kong napa tahimik siya at naka nguso pa.

Aba siraulo 'to ah gusto ata ng halik ko yuck ayaw ko nga.

"Ano ba 'yan mare hindi kita type, kay Eloise lang ako mag papahalik." Sabi ko sa kaniya.

Pero nakita kong namunutla na siya.

Ngumuso naman ulit siya.

"Mare hindi mo sinabi na may lihim kang pag nanasa sa akin, dahil kaibigan kita sige papayag na ako i kiss mo pero smack lang ha." Sabi ko sa kaniya.

Nakita ko siyang mas lalong namutla habang si Gill napailing nalang sa amin, gaya ni Ivo.

"Ah so, abs pala and yummy ang type mo. Nag hahanap ka pa nandito naman ako Miss Ashford." Napa laki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Eloise.

Tinignan ko ulit si Ash at ngumuso kaya dahan-dahan akong lumingon, at nagulat ako dahil ang sama ng tingin ni Eloise sa akin sabay walk out.

Kaya dali-dali akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko palabas ng canteen at sinundan siya, hanggang sa nakarating ako ng faculty niya.

Sakto isasarado na sana niya ang pinto ng humarang ako.

"L-love saglit." Hingal na hingal na sabi ko sa kaniya.

Hinayaan niya lang naka open ang pinto kaya agad akong pumasok sa loob at inilock ang pinto.

Nakita ko siyang naka talikod kaya dahan-dahan akong yumakap sa likod niya.

"Love sorry na yung narinig mo wala lang 'yon, joke lang 'yon." Tinabig naman niya kamay ko na naka yakap sa bewang niya at humarap sa akin.

Napa lunok naman ako dahil ang sama talaga ng tingin niya.

"So lalaki na ang bet mo ngayon?" Tanong niya pero alam kong galit yan.

"Hindi love, joke lang 'yong narinig mo at staka ayaw ko sa lalaki mag e-espadahan lang kami no'n." Nakakatakot siya.

"Sorry na love, please joke lang naman 'yon." Kailangan ko siyang suyuin baka lapain ako nito pero ok lang basta siya lalapa sa akin.

"What about kiss. May balak ka talagang halikan si Miss McKenna if ever nanghingi siya ng kiss sa 'yo?" Tanong niya sa akin.

"Hindi of course. Akala ko kase nanghihingi siya kaya biniro ko lang siya." Nakita kong napa irap naman siya sa akin.

Kaya yumakap ako at hinalikan siya sa pisnge.

"Bati na tayo love, ikaw lang naman gusto ko i kiss eh, staka ikaw lang hot at yummy sa paningin ko. Kadiri mga lalaki mga lason." Natatawang sabi ko sa kaniya.

"Let's eat i'm hungry." Aya niya kaya napa tango naman ako sa kaniya.

Inihanda niya ang pagkain namin at nag dasal kami bago mag umpisa kumain.

"Love, ang sarap nito ikaw ba nag luto nito?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes and i'm happy you like it." Masayang sabi niya sa akin.

"Of course love, luto mo ito at staka ikaw kaya ang teacher chef ko lalo na mas masarap ka mag luto kesa sa akin. Wag ka mag alala sa susunod ikaw naman papatikimin ko ng luto ko." Naka ngiting sabi ko sa kaniya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon