PROLOGUE

40.5K 645 238
                                    

"Mr and mrs lazano please nag mamakaawa po ako sabihin niyo kung nasaan ang anak niyo." Pag mamakaawa ko sa magulang ni phoebe.

"Hayaan mo na ang anak ko Miss Ashford wag mo na habulin ang anak ko, masaya na ang anak ko kay jerry at mag kakaanak na rin sila." Hindi maaari to hindi anak ng jerry pugo na yun ang batang dinadala ni phoebe sa sinapupunan niya.

Ako ang nag pagod dun ako ang ina ng bata na dinadala ni phoebe at hindi ang pugo na yun.

"Jan po kayo nag kakamali dahil ako po ang ina ng dinadala ni phoebe." Sabi ko sa kanila.

Tumawa naman ang ginang. "Iha wag mo nga kaming pinag loloko papano nangyari na ikaw ang ina ng dinadala ng anak ko, eh babae ka at wala ka naman ari ng lalaki." Tinawanan pa ako ng kasambahay nila pati si Mr. Lazano.

"Hindi po ako nag bibiro totoo ang sinasabi ko." Sabi ko sa kanila.

"Bata umuwi ka nalang at mag paka babae ka dahil walang ginawa ang dyos na lesbian at gay." Sira ulo tong tatay ni phoebe.

"Sir wag kayo maging homophobic at isa pa totoo pong ako ang ina ng dinadala ni phoebe, kaya sabihin na ninyo kung nasaan ang anak niyo." Pag mamakaawa ko ulit sa kanila. Konti nalang sasabog na ako.

Gusto kong mag salita ng masasamang words.

"Iha ang kulit mo papano nga nangyari yun eh babae ka at wag mo nga kami pinag loloko." Sumeryoso na ang mukha ni Mr. Lazano.

"Totoo po ang sinasabi ko isa po akong intersex kung hindi kayo naniniwala, pwede ko pong ipakita sa inyo yung baba ko para maniwala kayo." Nakita ko naman nagulat ang mag asawa.

"Ano sir, ma'am papakita ko po ba sa inyo?" Tanong ko sa kanila.

"Ok naniniwala na kami kung ikaw nga ang ina nang dinadala ni phoebe papano mo nasabi yan?" Tanong sakin ni Mr. Lazano.

"Ano po ba ginagawa kapag gagawa ng bata edi nag s-s*x or love making po. Yes po may nangyari samin ng anak niyo at marami ng beses. Ginawa niya po akong fvck body niya." Nakita ko lalong nagulat ang mag asawa sa sinabi ko.

"Kung totoo yan ako hahanap sa anak ko at kapag nahanap ko ang anak ko mag papakasal kayo sa ayaw at sa gusto niyong dalawa, kailangan makasal kayo dahil kahihiyan yan sa pamilya namin. Kaya be ready Miss Ashford dahil simula ngayon kakampi mo na kami at tutulungan kita hanapin ang anak ko." Nabunutan naman ng tinik ang dibdib ko sa sinabi ni Mr. Lazano.

Pero iniisip ko pa din bakita itinago ni phoebe ang pinag bubuntis niya sakin, tanggap ko na nga na mas pinili niya ang pugo na jerry na yun eh.

"Salamat po sir, ma'am." Pag papasalamat ko sa kanila.

"Sige na iha umuwi kana at mag pahinga kami na bahala mag hanap sa anak namin, pero bago ka umuwi kapag nahanap namin ang anak namin pag lumabas na ang bata kailangan niyong mag DNA test. Kapag yan nag negative ipapa kulong kita at hahayaan kong mag pakasal si phoebe at jerry." Aba ako pa gagawing sinungaling kahit i pa dna test pa niya positive yan.

"Sige po sir aalis na po ako." Paalam ko sa kanila.

Tumango naman sila parehas kaya tuluyan na ako lumabas sa subdivision nila.

Nakarating ako sa bahay ko.

Sayang wala na si lola kung nandito pa siya siguro masaya siya kase mag kakaroon na siya ng apo sa tuhod.

Pinag tataka ko bakit itinago ni phoebe ang bata lalo na buntis siya ngayon, baka mapano sila lalo na may pugo silang kasama.

Kakabalik ko nga lang dito sa philippines eh tapos siya pa may ganang magalit at taguan ako ng anak.

Sisiguraduhin kong hindi kana makakatakas sakin phoebe, alam ko sakin din bagsak mo at alam ko mahal mo pa ako ayaw mo lang aminin.

Napa buntong hininga nalang ako.

Napapaisip ako ano ba mali bakit ayaw pa rin niya aminin na mahal niya ako. Pag tapos niya akong gawing parausan niya at mag pa buntis tataguan niya lang ako ng anak.

Bigla naman nag ring ang telepono ko kaya sinagot ko agad ito.

"Hello dad bakit ka napa tawag?" Tanong ko sa kaniya.

"Anak nasaan ka?" Hindi pa kase ako nag papakita sa kanila.

"Nandito sa bahay ko dad at nandito na rin ako sa philippines isang buwan na." Narinig ko naman boses ni mom.

"Maia! Bakit hindi ka dumeretso dito isang buwan kana pala nandito bakit hindi ka dumaan dito." Patay lagot ako nito panigurado aawayin ako ni mom pag nakita niya ako.

"Sorry na po mom, dad uuwi din ako bukas may sasabihin at mag papatulong din po ako."

Kailangan ko ng mag patulong sa kanila makapang yarihan pa naman ang magulang ko, panigurado magagalit sila kapag nalaman nila sitwasyon ko lalo na sa magiging apo nila.

Nasaan ka ba kase phoebe bakit ayaw mo mag paka rupok, alam ko naman mahal mo ako noon pa man.

Mabuti nalang binuntis ko talaga siya para may habol ako sa kaniya at mapasakin siya.

Humanda ka jerry pugo kukunin ko ang mag ina ko sayo, sisiguraduhin kong hinding-hindi mo mahahawakan pa muli si phoebe at ang magiging anak namin.






-----------------------------------------------------------

A/N: Yan muna sa 19 ako mag sisimula ng chapter 1.

Oo nga pala magiging alternate po ang update ko. Kaya sana wag niyo ko kulitin para nag update, dahil nag susulat pa ako ng ibang chapter nito.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon