CHAPTER 48

11.6K 316 16
                                    

Nandito ako ngayon sa mansion dahil kailangan kong humingi ng tulong kila dad at mom.

"Mom, dad i need your help po. Do you know Phoebe Eloise Lazano?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila.

"Anong meron sa kaniya anak?" Tanong ni dad saakin.

"Buntis po siya at ako ang ina ng dinadala niya, pero tinakasan niya ako dad, mom. Iniwan niya ako sumama siya sa Jerry pugo na 'yun. Nandito po ako para humingi ng tulong sa inyo." Nakita ko naman nagka-tinginan sila.

Napa buntong hininga si dad. "Anak may sasabihin kami sa'yo sana mapatawad mo kami ng mga kaibigan mo kung bakit inilihim sa 'yo ito."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni dad. "Anong ibig niyong sabihin dad? Anong lihim po ba 'yun?" Naguguluhan tanong ko sa kaniya.

"Si Phoebe anak kinidnap siya ni Jerry, hindi pa alam ng magulang niya ito. Kumikilos kami para maligtas ang girlfriend mo sa tulong na din ni Gill. Staka anak sa sasabihin kong ito, tatagan mo sarili mo" kahit naguguluhan ay tumango naman ako sa sinabi ni dad.

"Naalala mo nung naka uwi kayo galing camp?" Tanong niya at tumango ako ulit.

"Nabalitaan mong isinugod sa hospital ang lola mo, ang totoo niyan pinapatay nang mag ama ang lola mo. Dahil isa ang lola mo sa witness sa pag bebenta ng mga droga. Mag susumbong na sana ang lola mo sa pulis, pero may naka kita sa kaniya na tauhan ng mga David. Kinidnap ang lola mo staka nila pinatay, hindi sinabi nila Aling Aida ito. Dahil gusto kang isunod ni Jerry, pero hindi natuloy iyon dahil nag makaawa si Phoebe na wag kang gagalawin. Susundin niya lahat ng gusto ni Jerry, kapalit ng buhay mo. Pasensya na anak kung inilihim namin ito, dahil gusto ka lang din protektahan ni Phoebe." Napayukom ang kamao ko sa sinabi ni dad at bigla nalang nag landas ang mga luha ko sa nalaman ko.

Hinawakan naman ako ni mom sa kamay.

"Yung nangyaring hiwalayan sa inyo ni Phoebe, si Jerry ang may gawa non. Plinano lahat ni Jerry para bumalik sa kaniya si Phoebe, walang alam ang mga magulang niya dito dahil pinag bantaan siya na papatayin ni Jerry ang magulang ni phoebe.

Gumawa ng isang mission ang girlfriend mo para mahuli ng mga pulis si Jerry at ang tatay niya, dahil sa na diskobre niya na isa palang drug addict ang mag ama.

Alam din ito ni Cheska mag susumbong na sana si Cheska sa mga pulis kaso pinag bantaan siya, na papatayin ng tatay siya ng kaniyang ama.

Natakot si Cheska kaya nanahimik siya at nakipag tulungan siya kay Phoebe, kasama din ang mga kaibigan mo pero hindi na pinayagan ni Phoebe. Dahil ayaw niyang madamay ang mga kaibigan mo.

Nung time na sinama ka ni Ashanti, papuntang state plano ni Phoebe 'yun anak. Para mailigtas ka niya. Dahil nasa panganib ang buhay mo. Alam din ni Ash ito, pero nanahimik lang siya kase gusto niya na kami ang mag sabi sa 'yo.

Pasensya na anak bakit nag lihim si Phoebe sa 'yo. Tungkol saamin hinanap kami ni Phoebe mga tunay mong magulang. Alam mo ba believe ako sa girlfriend mo, dahil pinag hirapan niya lahat para mahanap kami.

Hindi ba naikwento ko sa'yo papaano ka napunta sa baranggay ng lola mo?" Tumango naman ako sa sinabi ni dad.

"Ang totoo ang lola mo ay dati naming katulong, para maligtas ka sa kamay ng mga david. Kay belinda ka namin pinag katiwala, pumayag naman siya dahil natatakot siya sa kung anong mangyari sa'yo.

Nag tataka ka din bakit lahat ng bayarin niyo, mula sa hospital ay bayad na at ang alam mo ay dahil sa tulong ng kapit bahay niyo. Kami ang nag bayad anak, dahil nalaman namin na may sakit sa puso ang lola mo.

Natatandaan mo ba kapag mag papaalam siya sa 'yo na may trabaho siya, ang totoo may check up siya sa doctor at sinasamahan siya ni Aling Aida.

Kaya anak patawad kung inilihim namin lahat sa 'yo at sana patawarin mo din ang girlfriend mo at wag ka din magalit sa mga kaibigan mo."

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon