CHAPTER 21

13.6K 369 107
                                    

"Next Week individual na kayo sa pag luluto, kaya be ready." Napa tango naman kami habang nag sasalita ang girlfriend ko.

Sarap sa pakiramdam na may girlfriend kana, tapos yung professor mo pa na gustong-gusto mo.

Mahigit isang linggo na kami magkasintahan. Nung una akala ko nanaginip lang ako pero hindi, totoo talaga siya akala ko delulu lang.

"Ok class see you next week i hope may mga dala kayong mga ingredients, dahil kapag wala kayong dala zero na agad kayo sa activity." Nag simula na kami mag ayos.

Habang nag aayos ako may lumapit sa'kin kaya napa tingala ako.

Nagulat ako si cheska pala nilalayuan ko na ito, tulad ng sinabi ni Eloise.

Dahil ayaw ko din mag away kami ni Eloise dahil lang kay Chaska, dahil nung isang linggo kinausap ako ni Chaska.

FLASH BACK

Habang palakad ako papasok may humarang naman sa harap ko, pag tingin ko si Cheska pala.

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko kaya napa tingin ako sa kaniya.

"Can i talk to you?" Tanong niya tumingin muna ako sa paligid baka kase sumulpot si Eloise.

"Ano 'yun tungkol saan?"

"Bakit hindi ka pumunta sa party ko, kayo nila ash?" Tanong niya kaya napa buntong hininga ako.

"Sorry busy lang ako nung araw na 'yun hindi na din kita na chat, dahil marami din akong tinapos na activity sa ibang subject ko." Totoo naman pero na g-guilt ako dahil iniignore ko lang siya.

"Eh bakit parang nilalayuan mo ako?" Kinabahan naman ako.

"Hindi ah sadyang nag mamadali lang ako na timingan lang siguro kapag lalapit ka, pasensya na pero kailangan ko na pumasok." Sabi ko sa kaniya pero hinawakan niya ulit braso ko.

"Pwede ba tayong lumabas mamaya yung tayong dalawa lang, sabay na tayo pag break time." Aya niya sa'kin pero hindi pwede dahil kasabay ko si Eloise.

"Hindi ko alam kung free ako mamaya may tatapusin din kase akong activity eh." Nakukunsensya na talaga ako.

"Ganon ba sige next time nalang kapag hindi kana busy." Malungkot na sabi niya sabay kiss sa pisnge ko at umalis na.

Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya napa tingin ako sa ibang studyante, na naka tingin sa'min.

Iginala ko naman paningin ko at nagulat ako dahil si Eloise ang sama ng tingin sa'kin, kaya napa lunok ako ng wala sa oras.

Lagot ako nito kaya sinundan ko siya at ayun nag away kami dahil sa nakita niya.

END FLASHBACK

Inaantay ko ngayon si Eloise dahil nag tatampo siya.

Hindi kase ako pumayag kagabi na matulog sa penthouse niya, dahil si lola hindi ako pinayagan napapansin na daw kase niya na parang nakikitulog daw ako kay Eloise.

Habang nag aantay kay Eloise nakita ko si cheska lumapit sakin.

"Hi siguro naman free kana mamaya?" Tanong niya sakin.

"Sorry busy pa ako eh may bagong activity ako eh." Hinging paumanhin ko sa kaniya.

Napabuntong hininga siya.

"Ok next time nalang kapag may free kana." Kiniss niya ako sa pisnge sabay alis kaya nagulat ako.

Pangalawang beses na 'to baka makita nanaman ni Eloise.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon