CHAPTER 37

10.6K 351 102
                                    

Nakarating ako ng hospital agad na, nakita ko sila Aling Aida na umiiyak.

"A-ano pong nanyari kay lola, nasaan na po siya?" Umiiyak na tanong ko sa kanila.

Tinignan ko sila pero hindi sila nag sasalita.

"Please po, Aling Aida ano pong nangyari sa lola ko?" Pinaupo muna ako ni Aling Aida.

"Maia, anak tatagan mo ang sarili mo. Wala na ang lola mo inatake siya sa puso, hindi niya sinabi na may roon na pala siyang sakit." Biglang tumigil mundo ko ng banggitin ni Aling Aida, na wala na si lola.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako nila Gill.

Napayakap nalang din ako sa kanila at unti-unting lumabo ang paningin ko, hanggang sa mawalhan na ako ng malay.

----------

Ivo Pov

Naaawa ako ngayon kay Maia, alam kong masakit mawalhan ng minamahal sa buhay.

Lalo na nalaman niyang may sakit pala ang lola niya.

Nandito kami ngayon ni Gill, naka upo at naka tingin kay Maia na naka higa ngayon dahil nawalhan siya ng malay kanina. Siguro sa sobrang pagod na din kaya siya nawalhan ng malay.

Niloko na nga siya ni Miss Lazano, tapos ito nawalhan pa siya ng lola. Ang lupit mo naman lord, bakit niyo pinapahirahan ang kaibigan ko?

Mabuting tao ang kaibigan ko, hindi niya deserve 'to.

Sila Aling Aida, na ang nag asikaso ng bangkay ng lola ni Maia.

Kami naman ni gill ang nag bayad ng bills ng lola niya dito at kami na din, ang nag bayad sa kabaong ng lola niya. Pero ang sabi ni Gill, siya na daw mag babayad.

Alam kong hindi sapat ang pera ni Maia, kaya ito kami tutulungan siya. Kaibigan namin si Maia at handa kami tulungan siya hanggang sa maabot na kaya namin.

Tinawagan na din namin si Ash at uuwi daw si Ash para kay Maia, alam ko naman na sila talaga 'yung magka close.

Nakita namin na gumalaw si Maia at minulat ang kaniyang mata, kaya agad na tumayo si Gill para tawagan 'yung doctor.

"Ang lola ko nasaan?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa siya patay diba, Ivo buhay siya diba?" Umiiyak na siya kaya niyakap at napa luha na din ako.

Ang sakit pala makita na ganito siya.

"Shhhhh tahan na nandito lang kami, tatagan mo ang sarili mo Maia." Pag patahan ko sa kaniya.

Pumasok naman si Gill, kasama ang doctor.

"Miss Ashford, kailangan mong mag pahinga napagod lang ang katawan mo at isip mo kaya nawalhan ka ng malay. Staka kailangan mong kumain para lumakas." Payo ng doctor sa kaniya.

"Ang lola ko po hindi pa siya patay diba doc?" Nakita ko naman na nalungkot ang mukha ng doctor.

"Pasensya na iha, ginawa namin ang lahat para i survive siya pero hindi na talaga niya kinaya. Meron siyang sulat na iniwan sa 'yo, kunin mo daw kay Aling Aida. Mauuna na ako sa inyo, Miss Ashford mag pahinga ka muna."

Umalis na ang doctor. Kaya lumapit naman si gill sa amin.

"Wag kana mag alala sa babayaran mo, bayad na lahat 'yun. Nandito lang kami para sa 'yo Maia, kaya tatagan mo sarili mo. Oo nga pala dadating si Ash." Pinunasan ni Gill ang luha ni Maia.

"Maia kain kana muna wala pang laman 'yang tyan mo, kaya kumain kana." Sabi ko sa kaniya at inihanda ang pagkain niya.

"Wala akong ganang kumain." Malamig na tanggi niya.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon