CHAPTER 29

12.9K 365 81
                                    

Last day na namin ngayon sa boracay kaya susulitin na namin, vacation namin ngayon.

Nandito kami sa kubo at 'yung ibang mga kaibigan ko nag s-swimming ako nandito lang sa tabi ni Eloise, dahil ang init mamaya nalang ako lalangoy.

"Love pag uwi natin papasok na ba agad tayo sa school?" Tanong ko sa kaniya balak ko sana mag pahinga ng isang araw. Baka ma drain ang utak ko, kapag pumasok agad ako.

"Nope we need to rest muna, i know pagod ka at hindi ka makakapag focus sa loob ng klase. Look at yourself may mga pasa ka pa sa mukha." Hinawakan niya ang mukha ko at tinignan yung mga pasa ko.

"Sira ulo kase mga kulugo na 'yun love, kung hindi kami agad nakarating baka may nangyari na talaga sa inyo. Kapag nangyari 'yun naku po patawarin ako ni lord baka mapatay ko mga unggoy na 'yun." Gigil na sabi ko sa kaniya narinig kong tumawa siya.

"You're cute love." Napangiti ako dahil napa saya ko siya kahit mga ganito bagay lang, magandang pag masdan kapag tumatawa or naka ngiti siya.

"Masaya ako love, napapangiti at napapatawa kita." Hinawakan naman niya ang mukha ko.

Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Why are you sad, love?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya.

"Let's swimm." Hinila niya ang kamay ko at pumunta kami sa dagat.

Natawa naman ako dahil para siyang bata na, gustong-gusto maligo sa dagat pero natatakot siya kaya nag pasama sa nanay niya.

Nang makarating kami ay agad siyang pumunta sa likod ko, kaya nakuha ko na agad ang gusto niya yumuko ako ang konti para maka angkas siya sa likod ko.

"Love, ready?" Yumakap siya sa leeg ko at ako naman mahigpit ang hawak sa binti niya at lumusong na sa dagat.

Pag lubog namin ay agad siyang bumitaw at humarap sakin.

Kaya niyakap ko agad ang bewang niya habang siya yumakap din sa akin sabay hawak sa dalwang pisnge ko.

Nakipag titigan pa siya sa akin bago ako halikan sa labi na agad kong tinugon.

Mga halik niya para siyang humingi ng sorry, hindi ko alam pero kinabahan ako na baka pag uwi namin sa manila ay may mag bago sa relasyon namin.

Kung ano man ang problema niya sisiguraduhin kong hindi ko siya pababayaan, handa ako kung ano man ang mangyayari sa amin.

Nang matapos kami sa halikan ay ngumiti ako sa kaniya.

"Wag kanang sad love, kung ano man 'yang problema mo isa lang yan sa pagsubok sa buhay mo."

"Thank you, love." Nag swimming lang kami hanggang sa mapagod kami at umahon na.

Pumunta agad kami sa mga kasama namin na naka upo lang at naka tanaw sa dagat.

"Love, puntahan ko lang sila, Ash ah." Paalam ko sa kaniya tumango naman siya at pumunta sa mga kaibigan niya.

Pinuntahan ko agad sila, Ash at nakita ko na naka sampa itong Mari sa likod ni Ash. Kaya pala ang sama ng tingin ni Prof Monroe.

Ayaw pa kase umamin na gusto niya itong kaibigan ko, masyadong pabebe gusto ata niya itong kaibigan ko ang mag first move.

Naku dapat siya naman ang mag first move, hindi 'yung kaibigan ko lagi.

Kaya kayo kung may gusto kayo sa isang tao or gusto nila kayo tapos ikaw nasa indenial stage pa kayo.

Aba pag isipan niyo mabuti, hindi 'yung ma r-realize ninyo na mahal niyo na ang isang tao staka wala na ito.

In general 'to ah, hindi lang sa isang tao.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon