CHAPTER 20

14.6K 420 58
                                    

"Wow ang ganda dito ngayon lang ako naka punta sa ganito." Nandito kami ngayon sa enchanted kingdom.

Ang ganda ng lugar na 'to hanggang perya lang kaya kong puntahan eh.

Nag paalam na rin ako kay lola nung una nag taka siya kung sino kasama ko, sasabihin ko sana professor pero inunahan ako at siya na ang nag sabi na friend.

Tinanong ko pa siya kung bakit friend ang sinabi niya dapat professor.

Ang sagot niya ayaw niya daw na malaman ng iba na professor ko siya lalo na sa lola ko.

Gusto ko man tanungin ulit pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Are you happy?" Tanong niya saakin.

"Yes i'm supper happy thank you po sa pag dala sa'kin dito, grabe ang ganda dito ngayon lang ako naka punta." Nakita ko siyang naka ngiti sa'kin.

Napapansin ko naka ngiti na siya saakin lagi.

"Let's go sakay na tayo sa iba't-ibang rides." Aya niya sa'kin kaya tumango ako.

Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin.

Bumili kami ng ticket yung pang lahat na ng rides.

Pagka bili namin ay una namin sinakyan ang anchors away.

Natapos kami sa ibang rides at nakapag decide na kumain muna, kaya bumili kami ng pagkain.

"Grabe ang saya salamat po ulit sa susunod aayain ko sila Ash mag ek." Masayang sabi ko sa kaniya habang nakain kami.

May lumapit naman saamin na isang photographer.

"Hello po mga ate pwede ko po ba kayong kuhanan ng picture, ang ganda niyo po kase eh kanina ko pa po kayo pinag mamasdan at ang sweet niyo po. Siguro mag kasintahan po kayo." Naka ngiting sabi ng lalaki saamin habang kasama ang mga kaibigan niya.

Tinignan ko naman si prof at tumango naman siya kaya nakita ko yung saya ng mukha nung lalaki.

"Oo nga pala ako po pala si Kino po. Ano po pangalan niyo?" Tanong ni kino saamin.

"Ako nga pala si Maia and this is Phoebe." Pakilala ko sa sarili at kay prof.

"Ok po mag simula na tayo Ate Maia at Ate Phoebe."

"Sure anong unang post ba gagawin namin?" Tanong ko sa kaniya.

"Pwede po ba ano naka back hug ka po Ate Maia tapos yung dalawang braso niyo po, naka yakap sa bewang ni Ate Phoebe. Tapos ikaw po Ate Phoebe naka hawak sa dalawang kamay ni ate maia, habang naka yakap siya sa'yo." Tumango naman kami.

Nag simula na kami mag pose hanggang sa natapos kami. Binigyan pa nila kami ng copy kaya natuwa ako.

Gagawin kong wallpaper 'to ang ganda kase eh, para talaga kaming mag kasintahan.

"Salamat po Ate Phoebe and Ate Maia ingat po kayo." Masayang paalam ni kino.

"Thank you too kino." Pag papasalamat naman ni prof at nag pasalamat na din ako.

"Tignan mo oh ang ganda. Ang galing niyang kumuha ng litrato." Masayang sabi ko sa kaniya.

"Yeah it's beautiful. Can i borrow your phone?" Nag dadalawang isip ako kung ibibigay ko ba or hindi, kase nahihiya ako makikita niya yung wallpaper ko.

"I'm waiting Rae. Give me your phone now!" Masama ang tingin niya saakin kaya agad na binigay ko sa kaniya.

Napa yuko nalang ako dahil makikita niya yung wallpaper ko.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon