CHAPTER 6

15.9K 449 140
                                    

Second day na namin ngayon at ngayon na din mag sisimula ang lesson namin.

Papasok na ako ngayon sa university at excited na ako dahil makakasama ko ulit mga kaibigan ko.

"Manong dito nalang po, ito po bayad." Bumaba na ako agad at inihanda na ang id ko,  baka harangan nanaman ako ng guard eh.

"Oh kuya guard ito id ko baka harangan mo ako ulit ha." Ipinakita ko sa kaniya ang id ko at agad niya akong pinapasok.

"Pasensya na po ulit kahapon ma'am." Hinging paumanhin ni manong guard.

"Ok lang kuya sige po pasok na po ako ingat po kayo." Paalam ko sa kanila kaya tumakbo na ako papasok sa loob at deretso na sa room namin.

Habang tumatakbo ako nakita ko naman si cheska kaya binilisan ko ang pag takbo ko, dahil na alala ko nanaman yung payo ni Ash sa'kin.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa may nabangga ako kaya ang ending, siya yung napa upo.

"Naku miss sorry hindi kita na pansin." Tinulungan ko siya pulutin mga gamit niya pag angat ko ng mukha.

Ganon nalang ang gulat ko dahil si Professor Lazano pala na bangga ko.

Patay panigurado sisigawan ako nito.

"What the fvck Miss Ashton, hindi ka ba nag iingat sa tingin mo ba playground itong hallway para tumakbo ka ng mabilis!" Sabi sa inyo eh sisigawan niya ako kaya napa takip ako ng tenga ko.

Umayos muna ako at pinulot mga gamit niya staka siya tinulungan para maka tayo, pero tinabig niya lang kamay ko at kinuha mga gamit niya na hawak ko.

"Pasensya na po talaga Ma'am, nag mamadali kase ako eh baka po ma late ako sa klase niyo." Naka yukong paumanhin ko ayaw kong salubungin mga titig niya.

"Sa susunod makita pa kitang tumatakbo dadalhin na kita sa guidance office." Sabi niya sabay walk out, kaya sumunod nalang ako dahil siya naman first subject namin.

Nang makarating kami ay umupo ako agad nakita ko naman sila Ash.

"Oh mare anong mukha yan bakit ang panget." Unang bungad niya. Sasampalin ko 'to ang aga-aga nang b-bwesit.

"Sampalin kaya kita ng makita mo yung panget." Inis na sabi ko sa kaniya.

Tinawanan lang ako ng gaga kaya sinamaan ko siya ng tingin nag peace naman agad siya.

"Bakit kase ganyan mukha mo parang na lukot ang aga-aga eh." Huminga muna ako malalim.

"Nabangga ko kase si Prof Lazano, hindi ko naman sinasadya eh kase nakita ko si cheska kaya tumakbo na ako ng mabilis atstaka baka ma late ako." Inakbay naman niya ako.

"Mag ingat ka sa susunod kapag nakita mo si ches-" Hindi na niya na tuloy ang sasabihin niya ng biglang pumasok si cheska at tinignan siya ng masama.

"What are you saying? I heard my name, what is your problem with me?" Patay ka Ash.

Tumahimik lang ako at tumingin sa harapan, nakita ko si prof nag aayos ng mga gamit niya siguro gagamit siya ng projector.

"Wala sabi ko ang ganda mo." Sira ulo 'tong Ash na 'to.

"I know that and I know you still have feelings for me." Natawa ako ng palihim sa sinabi ni cheska.

"Luh feelingera ka hindi 'no bakit ako mag kaka roon pa ng feelings sayo, eh meron na akong babae nag papatibok ng puso ko at mas maganda siya sayo." Wow ang tapang naman.

Mag sasalita pa sana si Cheska ng biglang sumabat si Prof Lazano.

"Miss McKenna and Miss David If you fight during my class time, you two just leave because you are disturbing my class." Humingi naman ng paumanhin yung dalawa.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon