BONUS CHAPTER - 1

9.3K 195 23
                                    

"Bananaque, turon, maruya, karyoka. Mainit-init pa bili na kayo!" Rinig kong nag lalako na bata.

Maya-maya may sumigaw para bumili.

"Neng turon nga dalawa." Agad naman binaba ng bata ang benta niya.

"Ito po." Agad naman niya inabot ito.

"Ito bayad bata keep the change." Binigyan niya ng 25 pesos ang bata.

"Hoy anong keep the change kulang bayad mo. 15 pesos isa." Reklamo ng bata.

"Ang mahal naman nitong turon mo ang liit naman." Reklamo din ng lalaki sabay abot ng limang piso.

"Maka reklamo ka naman mataba nga iyan tapos madaming laman sa loob.  Edi sana ikaw nalang nag luto ng turon namin, kung nag rereklamo ka." Rebat naman ng bata.

"Napaka attitude mo namang bata ka amoy araw naman." Nakita ko papaano umasim ang mukha ng bata.

"Kapal naman ng mukha mo. Ako nga hindi nag reklamo na amoy putok ka eh, tapos ikaw nag rereklamo ka dahil amoy araw ako. Edi sponsoran mo ako ng bike na may payong, para hindi ka nag rereklamo." Pag tapos sabihin ng bata iyon ay umalis na agad siya pero bago siya umalis dinilaan niya ang lalaki at ang lalaki naman tinaas ang middle finger.

"Bananaque, turon, maruya, karyoka. Mainit-init pa bumili na kayo at saktong pang meryenda. Bawal utang!" Hindi ko maiwasan hindi matawa sa bata.

"Bata pabili ako!" Sigaw ko at agad naman siyang lumapit sa akin.

"Mag kano bananaque?" Tanong ko sa bata.

"Bananaque at turon 15 pesos po tapos iyong karyoka at maruya 10 pesos po." Dumukot naman ako ng dalawang libo.

"Bilhin ko na iyan lahat ito, dalawang libo." Nakita ko naman ang tuwa ng bata ng sabihin ko sa kaniya na bibilhin ko lahat ang paninda niya.

"Hala salamat po ma'am pero wala po akong barya sa dalawang libo." Agad naman akong napa ngit dahil kinamot pa niya ang kilay niya.

"Keep the change, sa'yo na lahat iyan para makauwi kana agad." Nakita ko naman nag tatalon-talon sa tuwa ang bata.

"Salamat po ng marami hulog ka po ng langit, panigurado matutuwa si nanay dahil simut ang paninda ko." Ibinigay niya naman ang lahat ng paninda niya.

"Walang ano man. Napaka sipag mong bata at panigurado malayo ang mararating mo. Ito payong para hindi ka din maarawan pag uwi." Lalong natuwa ang bata.

"Salamat po ulit ma'am, ingat po kayo sa pag uwi." Paalam niya kaya nag paalam na din ako at kumaway sa kaniya.

Pag alis ng bata kumuha ako ng isang Bananaque at kinain ito. Napag desisyonanan ko na umuwi, dahil nag aantay na ang mga anak at asawa ko.

Pag dating ko sa bahay naririnig ko na agad ang tawanan at asaran ng mga anak ko.

Ang sarap pakinggan halakhak ng mga anak ko. Para nung kailan lang ako 'yung humahalakhak kasama ng mga kalaro ko, ngayon mga anak na namin.

"Dadaaaaaa!" Sigaw ng mga anak ko at sabay-sabay lumapit sa akin at pinag hahalikan ang mukha ko.

Hindi ko maiwasan matawa dahil ganito sila palagi kapag dadating ako galing trabaho.

"Easy mga anak, mahina kalaban isa-isa lang." Natatawang sabi ko sa kanila.

'yung bunso ko naka tingin na agad sa hawak kong plastik. Alam na alam niya kung ano hawak ko.

"Wow dada is that bananaque and turon and karyoka and maruya?" Agad naman akong tumango kaya kinuha nila ang hawak-hawak ko.

"Mommy! May meryendang dala si dada come here po let's eat!" Sigaw ng bunso ko sa nanay nila.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon