CHAPTER 10

15.3K 461 180
                                    

Friday ngayon at si Prof Lazano ang last subject namin. Ewan ko pero excited ako na makita siya lalo na hindi siya nag turo kahapon sa'min, dahil sa meeting nila.

Dala ko din pala yung cellphone na binigay ni Prof Lazano sakin pero hindi ko masyadong ilalabas 'to, lalo na mamahalin at baka mabasag.

Nakita ko naman mga kaibigan ko sa tapat ng gate kaya tumakbo ako at umakbay sa kanila, nakita ko naman nagulat sila parehas kaya natawa ako sa reaction nila.

"HAHAHAHA panget niyo pala magulat." Natatawang sabi ko sa kanila pero parehas nila akong inirapan.

Aba itong mga 'to marunong na umirap tanggalan ko kaya ng kilay mga 'to.

"Ang aga ko 'no." Pag yayabang ko sa kanila.

"Sml?" Aba sira ulo 'tong gill na 'to ha ngayon lang nangbara sakin 'to.

"Oo skl." Sagot ko sa kaniya.

Papasok na kami ng biglang may tumabi sa'kin kaya tinignan ko ito. Nagulat ako si Prof Lazano pala ito.

"Good morning po prof lazano." Bati ko sa kaniya, bumati din sila Ash kay prof.

"Walang good sa morning ko kung ikaw ang una kong nakikita." Napa simangot naman ako sa sinabi niya habang si Ash tinawanan ako.

"Tumawa ka pa susuntukin ko 'yang bunganga mo." Banta ko sa kaniya kaya tumahimik naman siya.

"Prof ang aga naman po pero galit ka nanaman niyan hindi ka ba nag sasawa." Sabi ko sa kaniya pero inirapan lang ako nito staka tuloy-tuloy pumasok sa loob.

"Buti nga sayo." Asar na sabi ni ash sakin.

"Si Prof Monroe may kasamang lalaki oh." Nakita ko naman lumingon agad siya at sumimangot naman bigla ang mukha niya.

Kaya napa ngisi ako it's time.

"Kawawa may kasama siya HAHAHAHA." Tinawanan ko siya pero inirapan lang ako. Tumingin naman siya sa gawi nila Prof Monroe.

Nakita kong tumingin si prof kay Ash staka umalis si Ash at iniwan kami.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko kay gill.

"Ewan ko tanong mo sa kaniya." Kahit kailan wala talagang kwenta kausap 'to. Ang boring ng buhay nito.

"Tara na nga sundan nalang natin yun." Kaya lumakad na kami at sinundan na si Ash.

Hindi kami mag kaklase ngayon dahil iba ang subject namin.

"Una na ako text ko nalang kayo kapag break time namin." Paalam sa'kin ni gill.

"Sige ingat ka mare sana sa susunod maging talkative kanaman para may kausap ako, kapag wala si ash." Pinakyuhan niya lang ako at laglagpanga ako na tumingin sa kaniya.

Aba sira ulo yun ha.

Lumakad na ako sa unang subject ko. Habang nag lalakad ako may naka bungguan ako mabuti nahawakan ko siya at napa kapit siya sa balikat ko.

Pag tingin ko nagulat ako dahil si Prof Lazano pala. Jusko lagi nalang kami nag kaka bungguan.

"S-sorry po prof please wag niyo po ako i detention." Kinakabahang pag mamakaawa ko dahil nakita ko dumilim ang paningin niya.

"You again, sinadya mo bang bungguin ako?" Tanong niya kaya napa iling ako agad.

"Hindi po prof promise hindi talaga." Sabi ko sa kaniya bigla naman niya ako tinulak.

Naka kapit pa pala siya sa'kin, tapos naka hawak pa pala ako sa bewang niya.

"Last warning miss ashford kapag ito na ulit pa, ikaw mag lilinis ng cr ng buong linggo." Napa tango naman ako bigla.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon