CHAPTER 46

14.6K 354 68
                                    

Nandidito kami ngayon sa boracay nag babakasyon, kami ngayon ni Eloise. Gusto kase namin na nag bakasyon muna nang kaming dalawa lang.

Kasama ko si Eloise ngayon sa kwarto, kakatapos lang namin maligo.
Ligo lang wala kaming ginawa na iba.

Habang naka harap siya sa salamin ay tumayo ako at yumakap sa likod niya, habang inaamoy ang leeg niya.

"Stop, Rae." Pinipigilan niya ako pero hindi ako tumitigil hanggang sa tinulak niya ako.

"I said stop, hindi mo ba narinig sinabi ko?" Napaka sungit, napapansin ko ang sungit niya palagi tapos nagiging na cold siya.

Hindi ko alam kung anong problema niya kapag tinatanong ko siya kung anong problema, wala daw tapos mamaya mag susungit nanaman.

Tapos pag nag tatampo ako staka lang siya mag sosorry, sasabihin pagod lang daw siya.

"Inaamoy ka lang ano bang masama?" Tanong ko sa kaniya.

"May ginagawa ako, hindi mo ba nakikita." Napa ikot ang mata ko sa sinabi niya.

"What ever, sumunod ka nalang sa baba kung baba ka. Kung hindi edi wag." Lumabas na ako at sinarado ko nang malakas ang pinto.

Pag baba ko ay dumeretso akon agad ng kubo, meron kase silang kubo at napili din namin na dito kami kakain. Dahil mahangin at hindi mainit dito.

Bumili na din ako ng pagkain namin para pag dating niya, kakain nalang kami.

Habang nag aantay sa kaniya ay kinuha ko naman ang earpods ko at sinaksak sa tenga ko. Makikinig nalang muna ako ng kanta, habang inaantay siya.

Maya-maya naramdaman kong may tumabi na sa akin pero hindi ko siya nilingon, kilala ko naman kung sinong tumabi sa akin.

Hinanda ko na ang pagkain at kumain nalang ako. Hindi ko na siya pinansin baka mainit pa ang ulo niya. Ayaw ko din makipag sabayan sa kaniya, baka mag away lang kaming dalawa.

"Hey love, pansinin mo ako. I'm sorry kung nasungitan kita kanina, wala lang ako sa mood." Hindi ko siya pinansin at kumain nalang ako habang nag c-cellphone.

Kinuha naman agad niya ang cellphone ko at earpods ko, kaya tinignan ko siya.

"Amina ang cellphone at earpods ko." Walang emotion na sabi ko sa kaniya.

Nakita ko naman na nalungkot siya.
"Are you mad at me?" Umiling ako at bumuntong hininga.

"I'm not mad, kung iniisip mo na galit ako wag mo na isipin." Niyakap ko siya at yumakap naman siya saakin.

"I'm sorry love, If I raised my voice." Kiniss ko ang noo niya.

"It's ok, may kasalanan din ako sa 'yo dahil hindi ako agad tumigil." Hinging pasensya ko din sa kaniya.

Alam ko may mali din ako at parang immature ako sa part na 'yun.

Yumakap lang siya sa akin. Kung nandito lang sila, Ash baka inaasar na ako non. Kilala ko pa naman ang babaeng 'yun.

Namimiss ko na ang bruha na 'yun.

"Kain nalang tayo, alam kong nagugutom kana din." Aya ko sa kaniya at kiniss niya ako sa labi nang smack.

Kumain lang kami habang nag kukwentuhan, dahil next week magiging busy kami parehas lalo na siya. May mga meeting din siya pina cancel niya lang, dahil inaya niya ako mag boracay kaming dalawa.

"Next week, baka hindi muna ako maka dalaw sa 'yo may business trip din ako. Pero tatawagan kita kapag may time ako." Tumango naman ako bilang sagot.

Pag tapos namin kumain nag pahinga lang kami at napansin ko ang pagiging tahimik niya. Nung nakaraang linggo ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya. Mula nung may sulat na nag padala sa akin.

𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚝 𝙵𝚒𝚛𝚜𝚝 𝙱𝚎𝚍 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon