Chapter One The Honeymoon

332 4 0
                                    


Inihatid ni Ally sa gate ang ibang mga bisita na dumalo sa kasal nilang mag-asawa. Pag-kaalis ng mga ito nakangiti na bumalik s'ya sa loob ng bahay.

"Cheerrss! Congratulation! Again Ally and Nico!" Magkasabay na sigaw ni Shane at Rex.

"Thank you! Shane dahil umuwi talaga kayo ni Rex dito sa Pilipinas upang masaksihan ang kasal namin ni Nico," masayang wika niya at umupo s'ya sa tabi ng mga nito.



"Oo naman besty! Umuwi talaga ako dito sa Pilipinas para masaksihan itong kasal mo at alam mo besty dapat gumawa na kayo agad ni Nico ng baby. Nang sa sunod na pag-uwi namin dito sa Pilipinas meron nang makakalaro si Rexxen," nanunudyong saad ni Shane.



"Don't worry pinsan gagawa kami agad ni ng kambal para naman dalawa agad ang kalaro ni Rexxen. At alam mo ba pinsan limang anak ang gusto ni Ally." Nakangisi na wika ni Nico.

"What!? Anong limang anak ang pinagsasabi mo babe? Okay, na sa akin ang dalawang anak," nahihiya na wika niya.



"Ha ha ha! Good luck besty! I'm sure naman na kayang-kaya mong mag-alaga nang limang bata at sabagay maganda ang maraming anak dahil pagtanda ninyong dalawa ni Nico maraming mag-aalaga sa inyo. Basta siguraduhin mo Nico na hinding-hindi mo lolokohin at sasaktan si Ally ha, dahil kapag ginawa mo 'yon malilintikan ka talaga sa akin." Mariing saad ni Shane habang seryuso itong nakatitig sa mukha ni Nico.



"Alam mo pinsan hindi mangyayari iyang iniisip dahil kahit kailan hindi ko lolokohin si Ally, at isa pa hindi ako babaero. At alam mo pinsan takot na takot ako kay Ally kapag nagagalit siya kasi baka gawin niyang toppings ng pizza itong hotdog ko."



"Ha ha ha! Talaga? Mabuti kung ganun dahil magkakaroon nang bagong flavor ng tinapay na ibebenta si Ally. Anong ipapangalan mo Ally sa tinapay ni Nico?" Tumatawa na tanong sa kan'ya ni Shane.



"The naughty bread! Ha ha ha! But seriously, I'm two thousand percent sure na hindi ako lolokohin ni Nico di ba babe?" Tiningnan n'ya si Nico sa mukha at malambing na pinisil n'ya ang pisngi nito.



"Yes! Babe your my one and only love! Promise loyal na loyal talaga ako sayo." Malambing na sagot ni Nico.



"Fine! Ikaw na Nico ang loyal! By the way Ally uuwi na kami inaantok na kasi si Rexxen."



"Shane hating gabi na dito na kayo sa bahay matulog at bukas na lang kayo umuwi."



"No! Ally kailangan na namig umuwi ngayon dahil kapag dito kami na tulog maiistorbo namin ang honeymoon ninyong mag-asawa. At baka dahil sa amin mapurnada pa ang pagawa ninyo nang limang anak." Tumatawang sambit ni Shane. "Byee best! Enjoy your honeymoon!" Nag-flying kiss ito bago ito sumakay sa kotse.



Nang makaalis na lahat ng mga bisita silang mag-asawa na lang ang na iwan sa loob ng bahay.



"Ummm.." Nakaramdam siya nang kiliti nang sumayad ang labi ni Nico sa tenga niya.



"Are you nervous wife?" Nakaka-akit na tanong nito habang pinagmamasdan nito ang maganda niyang mukha.

"Wife you're so beautiful," buong pagmamahal na bulong nito.

Kulay silver eyes ang mga mata niya matangos ang maliit n'yang ilong, makinis at napakaputi ng balat niya na parang snow. At mahaba ang itim na itim niyang buhok, mahaba rin ang pilik ng kan'yang mga mata. Mukha s'yang foreigner dahil kamukha niya ang Russian niyang Ama.

Nagustuhan s'ya ni Nico dahil sa angkin n'yang kagandahan at katalinohan.

Muling hinalikan ni Nico ang manipis at medyong mapula niyang labi.



"Hmm..." Bumara sa lalamunan niya ang ungol na gusto niyang pakawalan. Dahil naglilikot ang dila ni Nico sa loob ng bibig niya. Halos kapusin siya nang hininga dahil ayaw nitong pakawalan ang labi n'ya.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon