Binuhay ni Ally ang stereo components sa living room pumailanlang sa buong bahay ang maharot na kanta. Sitting pretty naman na nakaupo si Nico sa malambot na sofa.
"Anong oras darating ang best friend mo wife?" Naiinip na tanong ni Nico kay Ally.
"Babe maya-maya lang darating na si Ate Ella." Binuhay niya ang Christmas lights sa garden, Ini-on niya ang chandelier sa sala at kusina lumiwanag ang buong bahay-
"Ding dong!" The doorbell rang.
"Tara na sa labas babe andiyan na si ate Ella." Magkadaop palad na pumunta sila sa gate.
Napatigil si Nico sa paghakbang na nigas ang buo nitong katawan nang masilayan nito ang mukha ng matalik na kaibigan ni Ally. Hindi ito makapaniwala na si baby, bear na kabit niya ay best friend nang pinakamamahal niyang asawa.Hindi ni Nico alam kung ano ang gagawin. Hindi ito makapagdesisyon kung lalapitan ba nito si Ella oh, tatakbo ito pabalik sa loob ng bahay.
"Babe what's wrong? Bakit tumigil ka sa paghakbang? Ayaw mo bang papasukin sa bahay si ate Ella?" Bulong niya sa tenga ni Nico.Hindi niya alam kung ano ang problema ni Nico. Namumutla ang mukha nito at pinagpapawisan ito ng malamig. Damang-dama rin niya na ito'y kinakabahan dahil nanginginig ang tuhod nito at pinagpapawisan ng malapot ang dalawa nitong palad.
Hindi kaya kilala ni Nico si Ate Ella? Tanong na nabuo sa kaniyang isipan. "Babe kilala mo ba ang best friend ko? Oh, magkakilala kayo?"
"Huh? No I don't know her ngayon ko lang siya nakita. Why did you asked wife?" Pabiglang tanong nito.
"Based kasi sa reaction mo parang kilala mo sya."
"No I'm one thousand percent sure wife, I don't know her." Hinila siya ni Nico palapit sa gate.
"Hi! Ate, Ella, Good evening! I want you to meet my husband, Nico Savedra."
Hindi si Ella makapagsalita bumara ang laway nito sa lalamunan. Na-iiyak itong nakatingin sa magka-holding hands na kamay ni Nico at Ally. Nagugulohan ito sa mga nangyayari. Hindi nito alam kung paano naging asawa ni Ally si Nico kasi ang buong akala nito si Nico ay single at kahit kailan hindi ito nagkipagrelasyon sa ibang babae.Hinamig ni Ella ang kaniyang sarili at ngumiti ito ng mapait. "Hi Nico! nice to meet you!" Pinisil nito ng mariin ang palad ni Nico.
Hindi ni Nico kayang salubungin ang matalim na titig ni Ella, nagliliyab sa galit ang maganda nitong mga mata at ang mahaba, matalas nitong kuku ay nakabaon sa kaniyang palad.
" Bunso meet my beautiful daughter. Alexa say hi to tita Ally."
"Hi po tita Ally and tito Nico, I'm Alexa Rodriguez." Nakangiting wika ng bata.
Namilog ang singkit na mga mata ni Nico nang mapagmasdan nito ang anyo nang batang nagsasalita.Kamukhang-kamukha ni Nico ang anak ni Ella.
Ella's daughter has a pointed nose, white skin tone, long eye lashes, singkit ang brown nitong mga mata, kaparehong-kapareho ng mga mata ni Nico. Meron rin itong malalim na dimple sa kanan at kaliwang pisngi."Bakit Nico? Ikaw lang ba ang may dimple at may singkit na mga mata? Huwag kang assuming Nico na ikaw ang ama ng anak ni Ella dahil maraming napapahamak sa maling akala." Iritadong bulong nang isipan nito.
Tinapik niya si Nico sa balikat kanina pa kasi niya ito kinakausap hindi ito sumasagot. "Babe masama ba ang pakiramdam mo? Kung masama ang panlasa mo magpahinga ka muna."
"No, wife, I'm fine." Ayaw ni Nico na iwan si Ally sa tabi ni Ella kasi nanga-ngamba ito na baka sabihin ni Ella kay Ally na kabit niya ito.
Gusto ni Ella na tumakbo palabas ng bakuran ni Ally dahil hindi na nito kayang pakinggan ang paulit-ulit na pagtawag ni Nico ng wife sa kaniyang matalik na kaibigan. Gusto nitong sakalin si Nico at pagsasampalin ng pa-ulit-ulit para kahit papaano mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.Nasasaktan si Ella ng sobra kaya gusto na nitong sumigaw at magwala pero hindi nito magawa dahil ayaw nitong masaktan si Ally.
"Dalahin mo babe sa guestroom ang mga gamit ni Ate Ella." Malambing na utos niya kay Nico.
Atubiling kinuha ni Nico ang bag sa kamay ni Ella. Nang dumikit ang daliri nito sa palad ni Ella may gumapang na kuryente sa katawan nito.
Iniwasan ni Ella na tumingin sa gwapong mukha ni Nico dahil baka makahalata si Ally na kilala niya ang asawa nito.
"Pasok na tayo sa loob Ate, malamig na dito sa labas." Inakay niya si Ella papasok sa loob ng bahay.
Tuliro si Nico na sumunod sa dalawang babae. Hindi nito alam kung paano kikilos ng normal. Hindi rin nito alam kung sino ang unang lalapitan at kakausapin. Natatakot itong lapitan si Ally dahil siguradong magagalit si Ella. Natatakot rin naman itong lumapit kay Ella dahil siguradong hihiwalayan ito ni Ally.
Pagkapasok ni Ella sa loob ng bahay ni Ally, bumungad sa mata nito ang malawak na sala. May mamahaling sofa set sa gitna ng living room, may 42 inches flat screen TV, may stereo components na kompleto ang speaker sets, mayroon maliit na speaker, katamtaman ang laki, at malaki. Ang daming naka-display na mamahaling painting sa wall, napakalinis ng buong bahay, halatang may feminin touch ang pagkaka-ayos ng mga gamit.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RandomNico Savedra is a 30 years old handsome successful business man. Pinakasalan niya si Ally kahit siya'y nakatali pa sa una niyang asawa na si Ella Rodriguez. Hindi alam ni Ally na si Nico ay may dating asawa. At hindi rin Alam ni Ella na si Nico ay m...