CHAPTER 30

106 5 0
                                    

Muntikan nang madulas si Alex at Anton dahil sa pagmamadali ng mga ito na maipasok sa loob ng emergency room si Nico na nag-aagaw buhay.
Humihingal na ibinaba nila si Nico sa hospital bed.

"Na saan si Doctor Ramirez?" Tanong ni Alex sa Nurse na nanglalaki ang mga mata.

"N-nasa loob po ng opisina niya Sir, Alex," nauutal  na sagot ng nurse.

"Okay, sabihin mo sa buong medical team nitong hospital asikasuhin agad ang pasyente ko. Pupuntahan ko lang si Doctor Ramirez." Tinalikuran niya ang Nurse at nagmamadali siyang naglakad papunta sa opisina ng kaibigan niyang Doctor.

Nagtatakang pinagmasdan ni Harold ang pawisa niyang mukha.
"Alex what's wrong? Bakit mukhang problemado ka?"

"I don't have time for chit-chat Harold. I came here because I need your professional help. Kailangan mong operahan si Nico ngayon din upang maampat ang pagdurogo ng hotdog niya at itlog.

"What?! What the hell are you talking about na nag-aagaw buhay si Nico Savedra?! Don't tell me na tinotoo mo ang plano mo na patayin si Nico?kinikilabutan na tanong nito sa kan'ya.

"Harold wala akong panahon na magpaliwanag ngayon!" Gigil na saad niya at hinala niya ito papunta sa emergency room.

Napangiwi si Harold nang makita nito ang nakakasukang anyo ni Nico. "Alex sinong gumawa nito kay Nico?"

"Pwede ba Harold! Tigilan mo na ang katatanong nang kung ano-ano. Ang kailangan mong gawin ngayon ay lagyan ng benda ang dalawang binti ni Nico at tanggalin ang hotdog n'ya at bayag," iritadong wika n'ya.

"Fine! Ooperahan ko si Nico, Alex but in one condition. Tell me who's the mad person responsible for this horrible crime?" Pabulong na tanong nito sa kan'ya.

"Nalaman na ni Ella ang masakit na katotohanan kaya binugbog niya si Nico," pabulong rin na sagot n'ya sa tanong nito.

"Oh, I see mabuti naman hindi tinuloyang patayin ni Ella si Nico." Mahinang wika ni Harold habang naglalakad ito papunta sa operating room. Kasabay ang mga nurse na nagtutulak nang stretcher na kinahihigaan ni Nico.

"Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito Harold dahil kailangan ko ng umuwi. Hahanapin ko pa kasi si Ella."

"Aalis ka na agad? Hindi mo ba panunuorin kung paano ko operahan si Nico?"

"Hindi na Harold. Ikaw na ang bahala kay Nico tawagan mo na lang ako. Kapag nagkaroon nang problema." Tinapik niya ang balikat nito bago s'ya naglakad palabas ng hospital.

Ang Daddy ni Harold ay nagtrabaho bilang Head surgeon sa St. Claire Hospital at family Doctor din ito ng buong pamilya ni Alex pero namatay ito sa hindi malamang dahilan, kaya si Harold na ang pumalit sa position nito.
      
      Napatigil si Lucian sa paglalaro ng mobile legend nang marinig nito ang sunod-sunod na katok sa pinto. Naka-simangot na binuksan nito ang pinto.

"Lucian!" Kabadong pumasok si Ally sa loob ng bahay nito.

"What happened to you cupcake? Bakit parang nag-dive ka sa tubogan ng kalabaw?" Nakangiwing tanong nito sa kan'ya.

"Lucian chocolate cake itong dumi na nakadikit sa mukha ko at damit hindi ito putik. Nagpambuno kami ni ate Ella kanina kaya nagmukha akong basahan."

"Mabuti naman Ally at na-confirm mo nang kabit talaga ni Nico si Ella. May ibedensya ka nang gagamitin laban sa kanilang dalawa." Kalmadong wika ni Lucian habang umuupo ito sa tabi niya.

"Lucian hindi ko idedemanda si ate Ella, dahil si Nico ang may kasalanan ng lahat," na-iiyak na wika n'ya.

"Anong ibig mong sabihin cupcake?" Nagugulohan na tanong nito.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon