CHAPTER 37 (Iniwan ni Ella ang anak niya kay Ally)

125 8 2
                                    

Kanina pa nag-va-vibrate ang cellphone ni Alex ngunit hindi niya matingnan kung sino ang tumatawag dahil nasa loob s'ya ng conference room kausap ang mga investor ng Rodriguez Engineering firm.

Nilapitan niya ang Daddy niya nagpaalam s'ya dito na iihi lang s'ya saglit.

Nagmamadali na pumunta siya sa kaniyang opisina. Pinindot n'ya ang power button ng kaniyang cellphone tiningnan n'ya kung sino ang nag-text at tumawag sa kan'ya.

"Putang ina mo Anton! Napakatanga mo talaga! Kahit kailan talaga Anton hindi ka maaasahan!" Galit na galit na sigaw niya nang mabasa niya ang mensahi ni Anton na nawawala si Ella at Alexa.

Nanggigigil na tinawagan n'ya si Anton.

"Hello! Sir----"

"Putang ina mo Anton! Di ba kabilin-bilinan ko sayo na huwag mong palalabasin ng bahay si Ella! Pero bakit sinuway mo ang utos ko?! Gusto mo na ba talagang mamatay Anton?!"

"S-Sir A-Alex pasensya ka na hindi ko po sinasadya na palabasin sa bahay si Ma'am Ella. Nagpumilit po s'yang umalis eh, at saka sinundo po s'ya ni Mang Lito kaya hindi ako nakatanggi." Nanginginig sa takot na sagot ni Anton sa tanong n'ya.

"Damn you! Anton damn you! Napakahina talaga ng utak mo! Natatakot ka kay Ella samantalang sa akin na kayang-kaya kitang patayin anumang oras hindi ka natatakot!" Galit na galit na sigaw n'ya.

"Pero Sir Ale---"

"Shut up! Anton shut up! Ayaw kong marinig ang walang kakwenta-kwenta mong paliwanag! Siguradohin mo Anton na madadatnan ko diyan sa bahay ang mag-ina ko. Dahil kapag hindi ko naabutan diyan sa bahay si Ella at Alexa ihuhulog kita sa compost pit nang buhay. Kumilos ka na Anton isama mo ang mga bataan natin hanapin na ninyo ngayon si Ella siguradohin ninyong ligtas siya at si Baby Lucky huwag na huwag ninyo silang sasaktan dahil ako ang magpapahirap sa kanila." Hindi na n'ya hinintay ang sagot ni Anton pinutol na n'ya agad ang tawag dahil naiinis s'ya dito.

Binuhay niya ang kan'yang laptop. Tiningnan n'ya ang mga CCTV footage na kuha sa bahay n'ya sa Pilipinas. Napatiim bagang s'ya ng makita niyang umiiyak na lumabas si Ella sa loob ng opisina n'ya. Malakas ang kutob n'ya na nabasa nito ang kan'yang diary.

Nagtatagis ang mga ngipin na pinatay n'ya ang laptop. Naiinis sa kaniyang sarili na sinuntok n'ya ang bobog na mesa.

Galit s'ya sa sarili niya dahil nakalimutan n'yang itago sa vault ang kan'yang diary. Isinusulat n'ya sa diary ang mga nagawa niyang kasalanan upang kahit papaano ay may mapagsabihan s'ya ng kaniyang mga sekreto.

Galit na lumabas s'ya sa Rodriguez Engineering firm pupunta s'ya sa Airport. Uuwi na s'ya ngayon sa Pilipinas upang hanapin si Ella, hindi siya papayag na sisirain nito ang mga binuo niyang pangarap.

         Magkatabing naka-upo sa ibabaw ng kama si Ally at Ella. Parehong kalong-kalong nila ang kanilang Anak.

Simula kanina pagkatapos nilang manganak hindi pa din sila nag-uusap dahil naiilang sila sa isa't-isa.

Sabay silang napatingin sa pintuan ng kwarto nang biglang pumasok si Harold na may dalang food tray na may lamang  pagkain.

"Mga beauties ihiga na muna ninyo sa kama ang inyong mga anak upang makakain kayo ng maayos." Nakangiting saad ni Harold inilapag nito ang food tray sa ibabaw ng kahoy na mesa.

"Harold maraming-maraming salamat sa pagpapa-anak at pag-aalaga mo sa amin." Magkasabay na wika ni Ally at Ella.

"Ay! Naku kayong dalawa ang drama ninyo. Kumain na nga kayo dahil pagkatapos ninyo kumain mag-uusap tayo nang maayos."

"Pwede naman tayong mag-usap na tatlo ah, habang kumakain tayo." Casual na wika ni Ally habang sumasandok siya ng mainit na sopas.

"Naku Ally mamaya ka na mag-usisa dahil baka hindi ka makakain nang maayos kapag nalaman mo kung ano'ng problema nitong si Ella."

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon