CHAPTER 39 (Ang pagkabulag ni Alex)

54 4 0
                                    

Nakalathala sa ibat-ibang pahayagan at mapapanuod sa ibat-ibang TV station ang nangyari kina Ella at Alex. Samo't saring haka-haka naman ang ipinagkakalat ng mga chismosa sa paligid. Kahit hindi naman talaga alam ng mga ito ang totoong nangyari.

Pinatay ni Ally ang TV pagkatapos niyang mapanuod sa balita ang pagkabulag ng dalawang mata ni Alex. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya oh, maiinis sa kaalamang nasa maayos na kalagayan ngayon si Ella.

Hindi naman niya hinahangad na mamatay si Ella, pero parang ang un-fair lang na lagi itong nakakaligtas sa gusot na kinasasangkotan nito.

Noon akala niya mapapatawad na niya si Ella. Ngunit hindi pala dahil ngayon parang dumoble ang galit na nararamdaman niya dito. Dahil may dalawang anak ito kay Nico.

Oo, aminado siyang galit siya kay Ella pero hindi naman siya galit sa mga anak nito.

Gusto sana niyang sabihin kay Nico na anak nito si Alexa at baby Lucky. Pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang pangunahan si Ella. Hahayaan niya itong magdesisyon kung ano ba talaga ang makakabuti sa mga bata.

Napatingin siya sa pintuan ng bigla iyong bumukas. Pumasok si Nico na may dalang food tray. Kanina pa niya ito itinataboy na mag-check in sa hotel pero hindi siya nito pinapakinggan. Talagang nagpupumilit ito na manatili sa kaniyang tabi. Kahit kinasusuklaman niya ito.

"Wife nagluto ako ng tinola na maraming malunggay para dumami ang gatas mo. Kumain ka na habang mainit pa ang sabaw at kanin. Ako na muna ang magbabantay sa kambal natin. Pwede rin naman na suboan kita dahil hindi naman umiiyak ang mga bata." Malambing na wika ni Nico habang ibinaba nito ang food tray sa ibabaw ng kama.

Tuwing tatawagin siya nitong asawa nanunubig ang kaniyang mga mata. Dahil sobrang sakit tanggapin na asawa ang tawag at turing nito sa kan'ya. Pero na gawa siya nitong saktan at lokohin ng harap-harapan.

Dinampot niya ang kutsara nagsimula siyang kumain. Oo, galit siya kay Nico pero hindi naman siya isip bata na idadamay ang pagkain sa away nilang mag-asawa.

"Wife, mabuti naman na gustohan mo ang niluto ko. Simula ngayon wife araw-araw na kitang ipagluluto at kahit kailan hindi na ako aalis sa tabi ninyong mag-iina. Dito na ako titira sa Batangas oh, kaya naman wife sumama ka sa akin sa Manila. Doon tayo titira sa bagong gawa kong bahay."

"Nico malinaw naman ang sinabi ko kanina 'di ba. Okay, lang sa akin na bisitahin at alagaan mo ang ating anak. Pero ayaw kong tumira ka dito sa loob ng pamamahay ko. Dahil nasusuka ako kapag kasama kita saka isa pa hindi na kita mahal at alam ko na kahit kailan hindi na kita muling mamahalin pa. Dahil ang respito at pagtitiwala na ibinigay ko sayo ay sinira mo na. Hindi mo na iyon maibabalik pa kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko araw-araw, kahit na pagsilbihan mo ako o kahit na halikan mo pa ang mga paa ko, hinding-hindi mo na ulit makukuha ang pagmamahal at pagtitiwala ko. Dahil ang tiwala at pagmamahal ay isang beses ko lang sayo ibibigay. Hindi ko na ulit uulitin pa dahil hindi ako tanga para bigyan ng second chance ang taong dumurog ng aking puso at buong pagkatao. Gusto ko ring ipaalam sayo Nico na ayaw ko na nang drama, ayaw ko na nang toxic na tao, ayaw ko na ng toxic na bagay sa paligid ko. Dahil hindi iyon makakabuti sa aking kalusogan. Saka pwede ba Nico umalis ka nga sa harapan ko dahil nawawalan ako ng gana kumain kapag kaharap kita."

Walang imik na lumabas si Nico ng kwarto habang tumutulo ang luha nito.

Ipinagpatuloy n'ya ang pagkain kahit nawalan na siya ng ganang kumain dahil kailangan niyang maging malusog at malakas para maalagaan niyang mabuti ang kaniyang Anak.

       Sa kabilang ibayo naman na operahan na ang mga mata ni Alex tuloyan na itong na bulag. Ang sabi ng Doctor makakakita lang itong muli kung may mag-do-donate dito ng mata o makakahanap ito ng pamilyang namatayan na willing i-donate o ibenta ang mata ng kamag-anak na namatay.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon