CHAPTER NINE

136 2 0
                                    

Napakatahimik ng buong bahay kahit huni nang butiki hindi niya naririnig. Dali-dali siyang umakyat sa second floor. Pumasok siya sa pintuan na nakabukas nakita niya si Ally na nakahiga sa napakalambot na kama. Nakabalot sa kumot ang buong katawan nito. Dinama niya ang noo ni Ally.

"Diyos ko!" Kinakabahan niyang sigaw. Nilalamig si Ally pero napaka-init ng  balat nito. Natatarantang tumakbo siya palabas ng bahay.

Nilapitan niya ang lalaking naglilinis ng kotse. "Ginoo, pwede mo po ba akong tulungan. Emergency lang kailangan madala sa hospital ang amo ko inaapoy kasi siya ng lagnat.

"Sure Miss," walang pag-aalinlangan na sagot ng lalaki.

Magkahawak kamay silang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Binuhat ng lalaki si Ally at malalaki ang hakbang nito na lumabas ng bahay. Ma-ingat nitong ipinasok si Ally sa loob ng kotse.

Dinampot naman ni Anna ang shoulder bag at cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bubog na mesa. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng bahay. Inayos muna niya ng lock ang gate bago sila nag-byahi papunta sa hospital.

       Sa St. Anne hospital nila dinala si Ally. "Excuse me! Miss, paki-assist agad ang pasyente ko. Nagdedeliryo siya dahil sobrang taas ng kanyang lagnat." Natatarantang wika ni Anna.

"Sa emergency room ninyo siya dalahin," magalang na wika ng nurse.

Nagmamadaling dinala ng binata si Ally sa emergency maingat n'ya itong ibinaba sa hospital bed.

"Ikaw ang asawa ng pasyente? Sagutan mo itong information form." Inabot ng nurse sa lalaki ang papel.

"I'm not her husband, I'm just her neighbor. Itong babaeng kasama ko ang kamag-anak ng pasyente," mahinahon na sagot ng lalaki.

"May allergy ba si Mrs. Savedra sa gamot o aspirin?" Tanong ng Doctor.

"Hindi ko po alam," tulirong sagot ni Anna.

"Paano natin mabibigyan ng tamang gamot itong pasyente ninyo. Kung hindi ninyo alam kahit maliit na detalye tungkol sa kan'ya?" Iritadong wika ng Doctor.

"Pwede naman po siguro Doctor e-skin test si Ma'am, Ally para malaman kung may abnormal reaction ang katawan niya sa gamot."

"Okay, nakabitan na siya ng dextrose, napa-inom na siya nang biogesic. Pero napakataas pa rin ng kanyang lagnat. Pa-ulit-ulit mo siyang punasan ng basang bimpo para bumaba ang lagnat niya."

Tinanguan ni Anna ang Doctor at tinanggap nito ang plang-ganitang iniabot ng nurse. Habang pinupunasan nito si Ally naaawa siya rito.
"Dapat si Sir, Nico ang nag-aalaga kay Ma'am, Ally eh, pero mas pinili ni Sir, magkulong sa loob ng opisina niya."

      Umupo si Nico sa bar stool na isip  niyang mas mabuting mag-inom kaysa magmok-mok sa loob ng opisina.
"Give me one shot of vodka," utos niya sa bartender.

Medyo marami ng tao sa loob ng bar, may sumasasayaw sa gitna ng dance floor, may mga couple's na nag-ma-make out sa isang sulok, may mga lalaking umiinom. Napatitig siya sa babaeng umiinom sa dulong bahagi ng bar. Parang tubig na tinutungga nito ang red wine. Tumingin ang babae sa dereksyon niya. Nagtapo ang kanilang magagandang mata. Nagpagtanto niyang si Ella ang babaeng nakikipagtitigan sa kan'ya.

Tumayo siya at patakbo niyang nilapitan si Ella. Bumilis ang pintig ng puso niya nang kagatin ni Ella ang namumula nitong labi.

"Baby bear, bakit ka umiinom?" Inagaw niya ang bote ng red wine sa kamay nito.

"Pwede ba Nico ibalik mo sa akin ang red wine! Alak ko iyan ee.. Bumili ka ng sayo!" Pilit nitong inaagaw sa kamay niya ang bote ng alak.

Pinagmasdan niya si Ella basa at namumula ang makinis nitong pisngi. "Umiiyak ka ba? Baby bear?"

"Ano naman ngayon kung umiiyak ako.." Hinablot nito sa kamay niya ang bote ng wine at tinungga nito iyon na parang tubig.

"Stop drinking Ella! Lasing ka na. Ihahatid na kita pauwi."

"No! I'm not drunk daddy, bear. You know what? Ang sarap-sarap ng alak." Humihikbi na wika ni Ella habang patuloy itong umiinom ng red wine.

"Baby bear, what's wrong? May problema ba? May masakit ba sayo?" Hindi niya alam kung bakit bigla itong umiyak.

Marahang hinaplos ni Ella ang pisngi ni Nico. "Bakit ang daya-daya nang tadhana? Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay daddy bear. Pero bakit? Ibang lalaki ang ibinigay ni Papa Jesus sa akin?"

Niyakap niya ng mahigpit si Ella. "Stop crying baby bear. I promised, I will stay by your side forever."

"Talaga hindi mo ako iiwan? Tanggap mo pa rin ako? Kahit na ipinagpalit kita kay Alex?"

"Yes I won't leave you baby bear, tanggap kita maging sino ka man."

"Kung talagang mahal mo ako. Paki-usap Nico umuwi na tayo sa bahay mo."

"No! Hindi kita pwedeng iuwi sa bahay ko. Siguradong hahanapin ka ng iyong anak. Tumayo ka na ihahatid na kita sa inyo."

"No! I don't wanna go home anymore! Ayaw ko ng bumalik sa impyernong bahay na iyon! Hu hu hu.... Nico please.... Huwag mo ako ibigay kay Alex, pagod na pagod na akong intindihin sya." Umiiyak na wika ni Ella habang nakalambitin ito sa leeg ni Nico.

"Shh.... Baby don't say that lasing ka lang kaya nasasabi mo 'yan." Binuhat niya si Ella nakatingin sa kanilang dalawa. Lahat ang mga tao na nag-iinom sa Bar. "Excuse me? Meron pa bang available na kwarto dito sa Bar?"

"Yes Sir, room 35 is still available." Inabot sa kaniya ng bartender ang susi.

Karga niya ng pa bridal style si Ella. Hindi niya alintana ang bigat nito. Ipinasok niya ang susi sa key hole at pinihit niya ang seradura. Pumasok siya  sa loob ng kwarto at maingat niyang ibinaba si Ella sa ibabaw ng kama.

"Daddy bear please don't leave me here! Please.... stay with me tonight. I want you! To be mine again."  Hinila siya nito pahiga sa kama.

Napa-sobsob siya sa malusog nitong dibdib. He smell her sweet scent amoy cherry blossom ang pabango nito. "This is wrong baby wala akong karapatan na angkinin ka."

"Pareho nating alam na kahit anong oras pwede nating angkinin ang isa't-isa. Dahil nagmamahalan tayong dalawa. Don't tell me daddy bear natatakot ka kay Alex kaya ayaw mo akong tikman?"

Nag-pantig ang tenga niya sa sinabi ni Ella kaya hinila niya pababa ang suot nitong dressed Tumambad sa harapan niya ang maputi, sobrang kinis, malusog nitong bundok, flat na tiyan at bilogan nitong mga hita.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon