One year birthday celebration and christening ngayon ni Baby Cotton. Magkatulong sila ni Nico na in-organized ang venue at catering service nang party. Malalapit na kaibigan, kamag-anak, Ninong at Ninang lang ang kanilang inimbitahan. Dahil simula noong lokohin siya ni Nico natuto na siyang kumilatis ng tao kung sino ang tunay at peke. Kaya naman ngayon kakaunti na lang ang kaniyang mga kaibigan.
Ninang si Shane, Anna and Emilia.
Ninong naman si Rex, Lucas and si Marcus na fiancee ni Anna.Binati niya kaninang umaga nang happy, happy birthday si baby Lucky. Kinausap rin niya si Ella na ipagtapat na kay Nico ang buong katotohanan pero ayaw talaga nito.
Ayaw na ni Ella na ipaalam kay Nico ang tungkol kay Alexa at baby Lucky. Dahil sikat na pintor na ito ngayon sa Australia at mayroon na itong art gallery doon. Ayaw na rin ni Ella na muling magulo at masira ang buhay nito katulad dati. Ang katwiran ni Ella aanohin naman nito si Nico eh, sakit ng ulo at sama ng loob lang naman ang ibinibigay nito sa kan'ya. Saka kayang-kayang buhay ni Ella si baby Lucky at Alexa na mag-isa dahil million ang kinikita nito monthly.
Napagkasundoan ni Ally, Ella at Harold na ibaon na sa limot ang nakaraan at kahit kailan ay hindi na iyon banggitin pa, upang hindi na ulit gumulo ang kanilang buhay.
Pabor sa kan'ya ang naging decision ni Ella, dahil naging maayos ulit ang pagsasama nila ni Nico simula noong tumira ito sa Australia.
Binigyan niya nang second chance si Nico dahil talaga naman na pinatunayan nitong karapat dapat itong patawarin.
Simula noong dumating si Nico sa Batangas hindi na ito umalis. Nanatili ito sa kaniyang tabi kahit na araw-araw niya itong inaaway at sinusumbutan tungkol sa nagawa nitong kasalanan noon.
Tiniis lahat ni Nico ang pangungutya at masasakit na salitang ibinabato niya dito araw-araw. Tao lang siya nasasaktan at nahihirapang tanggapin na naging kabit ni Nico ang kaniyang matalik na kaibigan. Kaya nakapagsalita siya nang hindi maganda.
Ngayong buo na ulit ang kaniyang pamilya hindi na siya papayag na muling may sumira pa nito. Dahil baka sa pangalawang pagkakataon na mambabae ulit si Nico hindi na niya kakayanin pa. Palagay naman niya ay hindi na ulit si Nico mang babae dahil hindi na tumitigas ang ibon nito. Kahit hawakan, paglaroan, lamasin ay talagang hindi na tumitigas at hindi na nakakaramdam ng sarap ang ibon ni Nico.
Simula noong manganak siya hanggang ngayon ay walang namagitan na intimate scene sa kanilang mag-asawa. Masaya na sila sa pagkukwentohan, sabay kumain at patulogin si baby Cotton.
''Hey! Bunso okay, ka lang ba? Kanina ko pa napapansin nakatulala ka sa mukha ni Nico. Don't tell me na hanggang ngayon in love na in love ka pa rin sa kan'ya? Kahit na niloko ka niya nang paulit-ulit." Pabulong na tanong sa kan'ya ni Shane.
"Ate mula noon hanggang ngayon hindi naman na wala dito sa dibdib at puso ko ang pagmamahal ko kay Nico. Oo, noong mga panahong galit ako natakpan iyon ng galit at poot. Pero hindi pa rin tuloyang naglaho natakpan lang nang panandaliang kabigoan. Alam mo ate Shane na-realize ko nitong mga nakaraang araw sobrang hirap pala i-un love ng isang tao. Dahil habang sinusubokan ko siyang kalimutan ako ang labis na nasasaktan. Ang unfair ng buhay ano ate? Dahil kung sino pa ang tao na totoo at tapat magmahal ay siya pang niloloko at pinaglalaruan ng mga taong walang magawang mabuti sa buhay."
"Bunso naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil gan'yan din ang naramdaman ko noong akala ko ay niloloko ako ni Rex. Bunso kahit sobrang bigat at sobrang sakit ng pinagdaanan mo. Huwag kang susuko ipagpatuloy mo ang paglaban sa hamon ng buhay, para lalo kang maging matatag at maging matapang." Malambing na wika ni Shane hinahaplos nito ang buhok niya bahang yakap-yakap siya nito ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
RandomNico Savedra is a 30 years old handsome successful business man. Pinakasalan niya si Ally kahit siya'y nakatali pa sa una niyang asawa na si Ella Rodriguez. Hindi alam ni Ally na si Nico ay may dating asawa. At hindi rin Alam ni Ella na si Nico ay m...