CHAPTER THREE

155 1 0
                                    

Madaling araw na hindi pa rin siya  ina-antok. Nakatitig lang siya sa gwapong mukha ni Nico. Hinihintay niyang magsalita itong muli.

"Ano ka ba naman Ally matulog ka na! Imposible! Na magkaroon ng babae ang asawa mo dahil kahapon lang kayo ikinasal. Kaya pwede ba Ally huwag mong stresin ang iyong sarili sa walang kwentang bagay!" Nagma-maktol na sigaw ng isip niya.

Itinakip niya ang malambot na unan sa maganda niyang mukha at pinilit niyang matulog.

     "Hmm... Alam mo ba Ally? Hindi ka totoong mahal ni Nico. Pinaglalaruan ka lang niya dahil ako! Ako! Ang totoong mahal ni Nico at ikaw Ally ginawa ka lang niyang rebound!" Sigaw ng babaeng galit na galit hindi niya makita ang mukha nito----

"Hey! Wife wake up!" Pinisil ni Nico ang pisngi ni Ally dahil kanina pa ito umu-ungol.

Napabalikwas siya ng bangon. "Oh my god!" Natatakot na sigaw n'ya naninikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.

"Hey! Wife look at me. Are you okay?" Kinabig siya ni Nico niyakap siya nito ng mahigpit.

"Tell me what's wrong?'

Tinitigan niya si Nico sa mata. "Sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa panaginip ko?" Tulirong tanong niya sa kaniyang sarili.

"Nothing babe na naginip lang ako. Can you give me? A one glass of water please..."

"Okay, wife." Lumabas si Nico ng kwarto upang kumuha ng tubig sa kusina.

"Dahil sa ka-iisip ko nang kung ano-ano kagabi binango-ngot tuloy ako. Diyos ko! Akala ko talaga totoong may kabit na ang asawa ko." Namu-mutlang bulong niya sa hangin.

"Wife, ito na ang tubig mo oh." Inabutan siya ni Nico ng isang basong malamig na tubig.

"Thank you babe." Ininom niya ang tubig.

"Ahmm.... babe, sino si baby bear? Tinatawag mo s'ya kagabi?"

Napaubo si Nico at napansin n'ya na umilap ang mga mata nito. "Wife baka guni-guni mo lang iyon siguro gutom ka na kaya kung ano-ano ang naririnig mo. Ang mabuti pa kumain na tayo kanina pa kasi dumating itong mga pagkain na in-order ko."

Binuhat s'ya ni Nico pababa sa kama. Umupo ito sa silya at kinandong s'ya nito. Dinampot nito ang kutsara at sinimulan s'ya nitong subuan.

Hindi niya malasahan ang pagkain hindi rin siya makalunok nang maayos. Dahil anytime tutulo ang masagana niyang luha. Itinikom niya ang kan'yang bibig nang muli siyang susubuan ni Nico.

"I'm not hungry babe, gusto kong maligo ang init kasi ng pakiramdam ko."
Tumayo siya at nagmamadali siyang pumasok sa loob ng banyo.

"Diyos ko! Alam ko naman na masamang panaginip lang iyon, pero bakit hindi iyon mawala-wala sa isipan ko?" Umiiyak na tanong n'ya sa bughaw na langit.

Narinig ni Nico ang mahina niyang paghikbi kaya nag-aalalang pinihit nito ang door knob ng banyo. Pero hindi nito mabuksan ang pinto dahil naka-lock. "Wife, are you okay? Can you please open this door? Pag-usapan natin kung ano man ang gumugulo sa isipan mo ngayon."

Sumisinok na binuksan niya ang pinto. "I'm okay, babe natapilok lang ako sa gilid ng bowl kaya ako umiiyak." Gusto n'yang ilihim dito ang tungkol sa masama niyang panaginip.

Pinagmasdan ni Nico ang luhaan niyang mukha nakita nito ang lungkot at sakit na nakabalatay sa mukha n'ya. "Forget about your nightmare wife, ang isipin  mo ngayon ay ang magandang future na naghihintay sa ating dalawa."

"I'm sorry babe, napaka-over thinker ko. Nasira tuloy ang magandang gising mo."

"It's okay, wife but can you promise me? Na sa tuwing may problema ka sasabihin mo agad sa akin? Para matulongan kita." Malambing na wika nito at dahan-dahan na pinunasan nito ang mga luha n'ya.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon