CHAPTER FOUR

158 1 0
                                    

Nagising siya dahil sa mabining halik na dumadampi sa kaniyang mukha. Nakatunghay sa harapan niya si Nico  nakangiti ito ng ubod tamis.

"Good morning! Wife aalis na ako ipinagluto na kita ng breakfast. Hindi kita ginising ng maaga dahil alam kong pagod ka sa naging byahi natin pa-uwi dito sa bahay galing sa Boracay. I love you wife, I have to go!" Hinalikan siya ni Nico ng mariin sa labi.

Tinugon niya ang maalab na halik nito "I love you too much babe! Ingat sa pag-da-drive."

"Yes! Wife see you later!" Kumakaway na lumabas ito sa pinto.

Pagka-alis ni Nico inasikaso niya ang kaniyang sarili. Naligo siya at nagbihis ng formal na damit. Pagkatapos niyang magpaganda bumaba siya sa kusina kakain s'ya ng breakfast.

Pancakes, w/honey syrup, avocado slice, fresh milk, at may nakapatong na isang steam ng white tulips sa ibabaw ng mesa.

"Napaka-sweet talaga ng asawa ko". Nakangiting wika niya bago siya sumubo ng pancakes.

Inubos niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Pagkatapos kumain hinugasan niya ang plato, kutsara, tinidor at baso ayaw niya makakita ng tambak na hugasan sa lababo.

Pagkatapos niya linisan ang kusina. Bumalik siya sa sala dinampot niya ang shoulder bag at susi ng kotse na nakapatong sa ibabaw ng center table.

Bitbit ang kanyang shoulder bag sexy siyang naglakad papunta sa garahi. Sumakay siya sa kotse pupunta siya sa AllyShane bakeshop. Isang linggo siyang absent sa trabaho dahil nag-honeymoon silang mag-asawa sa Boracay Island. Ini-start niya ang sasakyan at inirampa niya iyon sa sementadong kalsada.

        Pagkalipas ng kinse minutos nakarating siya sa bakery. Nakangiti siyang pumasok sa loob.

"Good morning! Ma'am, Ally, madami po tayong order ng cakes at dunots ngayong araw," magalang na wika ng  baker.

"Good morning! Paki-ready ng listahan ng mga order ngayong araw. And thank you so much! Sa inyong lahat sa magandang performance na ipinakita ninyo dito sa AlleyShane bakeshop habang nasa bakasyon ako. Da-dag-dagan ko ang sahod ninyo ngayong buwan."

"Thank you so much! Ma'am, Ally." Sabay-sabay na sagot ng mga tauhan niyang nakangiti.

"You are all welcome! Now start na tayong mag-bake." Pumunta siya sa baking station at sinimulan niyang mag-masa ng dough. Mayroon siyang dalawang baker pero iba pa rin kapag siya ang nag-ba-bake pulido at maayos.

Isinalang niya sa oven ang cakes at tinapay. Binuhay niya ang stove at isinalang niya ang malaking kawali magpiprito siya ng dunot.

"Paki bantayan itong niluluto ko baka masunog," bilin niya sa panadero.

Binuhat niya ang tray na puno ng tasty bread kailangan niyang  maisalay ng maayos sa estante ang mga tinapay. Tiningnan niya ang oras sa wall clock
11:45 a.m. na it's almost lunch time.

"Mauna na kayong kumain ako ng bahala mag-entertain sa costumer na darating." Utos niya sa kaniyang mga tindera at ipinagpatuloy niya ang pag-di-display ng mga tinapay sa istante.

"Excuse me! Pabili ng one box chocolate dunots." Mahinahon na sabi ng babae nakaturo ang daliri nito sa chocolate donuts na nasa loob ng estante.

Pinagmasdan niya ang mukha ng babae kasi pamilyar ang mukha nito sa kan'ya. Parang nakita na niya ito noon.

"Ella? Ate, Ella ikaw ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa customer na bumili ng donut.

Tinititigan s'ya ng babae sa mukha namilog ang mga mata nito nang makilala s'ya nito "Oh my god! Ally? Yeah it's me Ella, long time no see bunso!" Nagagalak na bulalas nito.

"Oh my god! Ate Ella! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon lang kita ulit nakita?" Lumabas siya sa mga estante ng tinapay at nilapitan niya si Ella. Niyakap niya ito ng mahigpit. "I miss you so much! Ate."

"I miss you too bunso!" Niyakap rin siya nito ng sobrang higpit.

"Can you stay for a while Ate, Ella? kumustahan tayo kahit saglit lang."

"Of course! Ally." Nakangiting sagot nito.

"Ma-upo ka Ate, Ella kukuha lang ako ng tea at cake."

"No need... bunso I'm still full umupo ka na rito sa tabi ko. Ang ganda nitong bakeshop mo parang Barbie. Ang ganda at makukulay ang mga decorations. Maraming kabataan ang mahahalinang bumili dahil sa ganda ng ambience ng paligid." Papuri nito sa design ng bake shop.

"Si Shane ang interior designer nitong bakeshop."

"Speaking of Shane andito rin s'ya ngayon?"

"No wala dito si Shane, ate Ella nasa Canada siya inihabilin lang niya sa akin ang pamamahala nitong bake shop. Kumusta ka na ate Ella? Meron ka na bang boyfriend o asawa?"

"Yeah, I'm married ikinasal kami ni Alex sa Singapore. Mayroon na kaming anak one baby girl. Tumira kami ng apat na taon sa Singapore dahil doonn na assign si Alex. Umuwi kami dito sa Pilipinas dahil medyo mahina na si Mama."

Nalungkot siya sa sinabi ni Ella. Close kasi siya sa Mama nito. 'Mayroon bang sakit si Tita, Marianne?" Nag-aalala tanong niya rito.

"Yes, Ally high blood si Mama tapos laging masakit ang tuhod niya dahil sa rayuma. Binilihan ko na nga siya ng gamot. Mabuti ka pa bunso mukhang successful ka na at sikat itong bake shop mo dito sa Sta, Cruz Manila."

"Sa awa ng Diyos, Ate kahit papaano araw-araw may bumibili. Tiyagaan lang talaga ang pagtitinda. Ikaw Ate, anong trabaho mo ngayon?"

"Nagpipinta ako Ally, kapag meron nagpapagawa ng self portrait oh, kung ano mang gusto nilang ipaguhit."

"Tinupad mo talaga ang pangarap mo na maging pintor, sabagay malay mo Ate, balang araw may maka-discover ng talent mo. Magiging sikat na pintor ka na oh, di ba! Bongga!"

"Ayy! Naku sana nga bunso." Masayang sagot ni Ella. Hindi ito makapaniwala na si Ally ang may ari ng eleganting bake shop. Kasi noong high school pa lang sila palaging nanghihingi sa kan'ya ng baon si Ally pero ngayon ang layo na nang narating nito. Allyssa Fortuna now is a successful business woman.

"Ngayong nandito ka na ulit sa Pilipinas Ate, sister bonding tayo."

"Sure bunso ito ang calling card ko tawagan mo ako kapag may free time ka. Kailangan ko ng umalis susunduin ko pa si Alexa bibisita naman ako ulit dito sa bake shop mo kapag wala akong ginagawa." Tumayo si Ella sa bangko.

"Okay, Ate, Ella, dalawang box ng donuts ang dalahin mo. Huwag mo ng bayaran." Iniabot niya rito ang dalawang box ng donuts.

"Thank you! Ally bye!" Kumakaway si Ella habang lumalabas ito sa pintuan.

Lalong sumaya ang araw niya dahil nakita niyang muli si Ella. Matalik na kaibigan niya si Ella noong high school. Magkapatid ang turingan nila sa isat-isa. Nagkahiwalay lang sila noong college dahil sa ibang University ito nag-aral. Nakangiting ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga tinapay.

         Nagmamaneho si Nico papunta sa AllyShane bake shop.  Pupuntahan niya si Ally gusto kasi niya itong makasabay kumain ng lunch. Napatingin siya sa babaeng blonde ang buhok na nakatayo sa gilid ng kalsada naghihintay ito ng taxi.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon