Maingat siyang bumangon para hindi magising si Nico. Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone nito sa ilalim ng unan.
Binuksan niya ang play store nag-download siya ng tracker para malaman niya kung saan ni Nico dinadala ang kabit nito. Pagkatapos niya ma-install ang App lumabas siya ng kwarto pupunta siya sa kusina para magluto nang almusal.
Kanina pa si Nico gising hindi lang ito gumagalaw dahil pinapanuod nito ang bawat kilos ni Ally.
Ngayon sigurado na ito na alam na ni Ally na meron siyang kabit. Ngayon kailangan na nitong mag-ingat para hindi ito mahuli ni Ally sa kalokuhan na ginawa nito.Nakasimangot na bumangon si Nico sa kama tinatamad na pumunta ito sa banyo. Kailangan nitong maligo at magbihis ng pormal na damit dahil papasok ito ngayon sa trabaho.
Nagluto si Ally ng fried rice, piniritong tinapa, scrambled eggs at pinalaman niya nang Nutella ang wheat bread pinagtimpla rin niya si Nico nang black coffee.Kahit galit siya kay Nico kailangan pa rin niya itong asikasuhin dahil tungkulin niya 'yon bilang housewife.
Kailangan ipakita niya kay Nico na hindi siya apektado sa harap-harapan na pag-iwas nito sa kan'ya.
Napatigil si Nico sa pagpasok sa kusina ng makita nito si Ally na busy sa paghahain ng pagkain sa mesa.
Palihim na pinagmasdan nito si Ally sa malayo habang pinagmamasdan nito si Ally na-realize nitong sobrang bait ng kaniyang asawa at napakatino nito. Pero kahit napakaramaming magagandang katangian ni Ally hindi pa rin niya ito kayang mahalin dahil simula noon hanggang ngayon si Ella pa rin ang mahal niya. Gustuhin man niyang mahalin si Ally pero hindi talaga niya kaya dahil si Ella talaga ang itinitibok ng kan'yang puso.Siguro nga totoo na ginawa lang niyang panakip butas si Ally noong mga panahon na lulungkot at nangu-ngulila siya sa haplos at yakap ni Ella. Pero ngayong nagkabalikan na sila ni Ella gagawin na niya ang tama palalayain na niya si Ally para hindi na ito masaktan pa nang lubusan.
Napatayo si Nico ng tuwid nang biglang magsalita si Ally sa harapan nito."Babe kumain ka na. Bakit nakatulala ka diyan? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Ally kay Nico at
hinaplos niya ang gwapo nitong mukha at inayos niya ang kuwelyo ng suot nitong long sleeve at ikinabit niya nang maayos ang necktie nito."Babe kompleto na ba ang gamit mo? Baka may nakalimutan ka pang papeles?" Muling tanong ni Ally kay Nico.
"Okay, na lahat ng gamit ko wife at saka sa opisina na ako kakain kasi late na ako baka kanina pa naghihintay ang mga board members sa opisina. Alam mo kasi wife may meeting kami ngayon tungkol sa kabuoang kita nang Montero Auto shop sa loob nang isang taon." Paliwanag ni Nico bago nito tinalikuran si Ally.
Nagma-madali itong pumunta sa garahi
sumakay ito sa kotse at pinasibad nito ang sasakyan sa sementadong kalsada.
"Ahhh...! Hu! Hu!" Malakas na sigaw si Ally habang umaatungal ito ng iyak. Hindi na niya kayang itago pa ang sakit at poot na kaniyang nararamdaman.Nasasaktan siya dahil hindi na siya hinahalikan ni Nico tuwing darating ito at papasok sa trabaho. Dati naman bago ito umalis niyayakap siya nito ng mahigpit at sinasabihan siya nito nang, I love you so much wife. Pero ngayon para siyang nakakadiring kulangot na ayaw man lang nito madikitan.
Kasama nga niya si Nico araw-araw pero ibang babae naman ang laman ng isip nito. Ramdam niya sa bawat kilos at titig ni Nico na hindi na siya nito mahal. Dahil araw-araw siya nitong binabalewala at hindi na rin ito nakikipag- sex sa kan'ya. Tapos tuwing gabi lagi siya nitong tinatalikuran sa pagtulog hindi rin siya nito binibigyan ng good night kiss.
Gusto niyang suyuin si Nico upang manumbalik ang pagmamahal nito sa kan'ya. At gusto niyang ipaglaban ang pagsasama nilang mag-asawa pero paano? Hindi niya alam kung saan magsisimula dahil hindi naman sila nag-aaway na mag-asawa. Hindi niya alam kung paano ito susuyuin dahil tuwing lalapit s'ya rito bigla itong lumalayo.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
De TodoNico Savedra is a 30 years old handsome successful business man. Pinakasalan niya si Ally kahit siya'y nakatali pa sa una niyang asawa na si Ella Rodriguez. Hindi alam ni Ally na si Nico ay may dating asawa. At hindi rin Alam ni Ella na si Nico ay m...