Ala-singko medya na nang umaga gising pa rin si Nico hindi pa siya natutulog. Nakasandal lang siya sa head rest ng kama pinagmamasdan niya ang likod ni Ally. Nasasaktan siya sa ginawang nitong pamba-balewa sa kan'yang presensya.
Kagabi ilang beses niyang tinangkang yakapin at halikan ito pero tinalikuran lang siya nito at buong magdamag na hindi siya nito pinansin.
"Wife naninibago ako sa ugaling pinapakita mo ngayon kasi dati napaka-sweet mo at isang kalabit ko lang sayo niyayakap mo na ako agad. Pero bakit ngayon? Parang nandidiri ka sa akin? Hindi mo na ba ako mahal? Kaya ayaw mo na akong makatabi sa kama." Emosyonal na tanong niya sa asawa niyang mahimbing na natutulog.Kanina pa niya gustong gisingin si Ally dahil gusto niyang ipaliwanag rito na walang malisya ang pagyakap ni Ella sa kan'ya kagabi.
"Grabi ka! Nico hindi ka man lang ba nakonsensya sa ginawa mo kagabi? Halos mabaliw si Ally kahahanap sayo habang nakabaon ang batuta mo sa kweba ni Ella?" Galit na tanong ng isip niya.
"Bwisit kasi! Itong puso ko kung sino pa ang hindi ko pwedeng mahalin ay s'ya pang itinitibok. At ito namang batuta ko pasaway rin tuwing nakikita si Ella'y tumitigas. Diyos ko! Hindi ko na alam kung paano ko pa itatama lahat ng mga kasalanan na aking ginawa." Frustrated na bulong n'ya.Iritado na bumaba s'ya sa kama. Naisipan niyang pumunta sa kusina magluluto s'ya ng breakfast para paggising ni Ally ready na ang almusal nito.
"Ringg! Ringg!" Nagising si Ella dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Ina-antok na pinindot niya ang answer button. "Hello?"
Ang sarap pakinggan ng malamig na boses ni Ella parang may mainit na kamay na dahan-dahang humaplos sa puso ni Alex. Limang taon na silang kasal ni Ella at sa loob ng limang taon nilang pagsasama lalong lumalim ang pagmamahal na nararamdaman niya para rito. "Hello! Honey? Na-isturbo ko ba ang pagtulog mo?" Malambing na tanong nito kay Ella.
Nawala ang antok niya nang marinig niya ang baritonong boses ni Alex. "Yeah... You wake me up honey but it's okay, because I miss you so much. Bakit napatawag ka ng ganito ka-aga? Meron ka bang importanting sasabihin?"
"I called you honey because, I want to say, I love you and I miss you so much...." Madam-daming wika ni Alex.Ikinuyom niya ng mariin ang kaniyang kamao dahil hindi s'ya naniniwala sa mga matatamis na salitang binigkas ni Alex. Matagal ng panahon na niya itong kasama pero ngayon lang ito nagsabi nang I love you.
"Mahal na mahal rin kita honey." Habang binibigkas niya ang salitang I love you si Nico ang iniisip niya
Umigting ang panga ni Alex at galit na sinuntok nito ang manibela ng sasakyan.
"Napaka-itim talaga ng budhi mo Ella hindi ka man lang kinilabutan sa mga kasinungalingan na sinasabi mo!" Galit na sigaw ng isip nito.Gustong-gusto ni Alex na sabihin kay Ella na alam niya lahat nang kahayupan na pinag-gagawa nito. Pero mas pinili nitong manahimik dahil hindi pa ito ang tamang oras para sumbatan ang malandi at makati niyang asawa.
"Your so sweet honey..... By the way kumusta ang anak natin?"
"Alexa is fine Alex, lalo s'yang naging makulit at malakas na s'yang kumain ngayon. Tapos alam mo ba honey sabi ni Alexa kagabi umuwi ka na raw dito sa Pilipinas para makapaglaro na kayong dalawa," masiglang wika niya kahit ang totoo'y inis na inis ito sa lalaki.
"Miss na miss ko na ang Anak natin honey at miss na miss na rin kita. Pero kahit gusto kong umuwi ngayon hindi pwede dahil ang dami ko pang trabaho na kailangan tapusin dito sa Singapore. Pasensya ka na honey dahil mag-ce-celebrate kayo ngayong taon ni Alexa ng pasko at new year na hindi ninyo ako kasama." Humihikbing saad nito sinadya talaga nitong umiyak para makonsensya si Ella.
"Alex pabor nga sa akin na wala ka ngayon dito sa Pilipinas at mas maganda na hindi ka na dito umuwi para wala ng kontrabida sa buhay ko!" Mga salita na gusto niyang sabibin pero hindi niya magawa. Dahil takot s'ya kay Alex."Sayang naman honey kung hindi ka uuwi, plano ko pa naman sana na magluto ng masarap na noche Buena." Pinalungkot niya ang kaniyang boses para makumbinsi si Alex sa mga kasinungalingan na sinasabi n'ya.
"Promise! Honey babawi ako next year pero ngayon tiis muna tayo sa long distance relationship para sa ating kinabukasan. At siguro naman honey kahit malayo ako sa tabi mo ngayon hindi mo naman ako ipanagpalit sa ibang lalaki di ba?!"Nakakatakot na tanong ni Alex sa kabilang linya.
"No! Alex hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba dahil alam ko na kapag tumikim ako ng ibang lalaki ibabaon mo ako ng buhay sa lupa." Parang takot na kuting na wika niya. Gusto niyang isipin ni Alex na malaki ang takot niya rito para hindi nito malaman ang plano nila ni Nico na sa ibang bansa na sila titira.
"Ha ha ha!" Malademonyong pagtawa ni Alex sa kabilang linya. "Alam mo ba Ella? Kung ano ang gagawin ko sa kalaguyo mo? Isisilid ko siya sa kabaong ng buhay kasama ka, kaya honey kung mayroon kang kabit ngayon ay iwanan mo na bago pa mahuli ang lahat."
"Hayop! Ka talaga Alex, wala kang kasing sama! Sana mamatay ka na ngayon! Para maging malaya na kami ni Nico." Galit na bulong niya.
"Kaya mo ba talaga akong patayin Alex? Kahit na ako ang Ina nang anak mo?"
"Yes! Ella, I can kill you anytime... So be a good girl honey, para tumagal ang buhay mo. Alam mo naman kapag sinapian ako ng tupak nagiging demonyo ang ugali ko."
Kinilabutan siya sa sinabi ni Alex kaya umiiyak na sumobsub s'ya sa malambot na unan.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND'S MISTRESS
De TodoNico Savedra is a 30 years old handsome successful business man. Pinakasalan niya si Ally kahit siya'y nakatali pa sa una niyang asawa na si Ella Rodriguez. Hindi alam ni Ally na si Nico ay may dating asawa. At hindi rin Alam ni Ella na si Nico ay m...