CHAPTER 17

117 3 0
                                    

Napangiti si Ally pagkatapos niya magluto ng fried boneless daing na bangus, sinigang na baboy, masbate rice at buko pandan. Favorite dish lahat iyon ng kaniyang asawa.

Inayos niya ng lagay ang mga pagkain sa Tupperware. Pagkatapos niya maigayak lahat ng mga pagkain umakyat siya sa master bedroom.

Pumasok siya sa loob ng banyo maliligo siya saglit bago siya pumunta sa work place ni Nico.

     "Alexa anak behave ka dito kina lola at lolo ha." Bilin ni Ella sa kaniyang anak.

"Yes po mommy! I'm always behave Don't forget my pasalubong. I want velvet chocolate cake bake ni tita Ally." Natatakam na saad ni Alexa.

"Mamaya ka na lang anak kumain ng chocolate cake pagpunta mo sa bahay ni tita Ally."

"Okay po Mommy, take care po!"

"Pa kiss nga ako baby bago ako umalis." Hinalikan ni Ella sa pisngi si Alexa.

"Mama aalis na po ako pakibantay saglit si Nene." Bilin ni Ella sa kaniyang Ina.

"Sige, anak. Mag-iingat ka sa pagmamaneho," mahinahon na sagot ng Mama ni Ella.

Tinanguan ni Ella ang kaniyang Ina bago ito pumasok sa loob ng sasakyan. Excited itong nag-drive pa punta sa opisina ni Nico.

       Nakangiting pinagmamasdan ni Ally ang kaniyang sarili sa human size na salamin. She's wearing a blue cotton dress na hanggang hita ang haba. Tenernuhan niya ng 2 inches white high heels lantad na lantad ang makinis niyang binti dahil medyo maikli ang suot niyang bestida. Nag-apply siya ng light make up, pink lipstick at inilugay niya ang mahaba niyang buhok.

Nagmukha siyang teenager sa kaniyang outfit. Isinukbit niya ang kaniyang shoulder bag bago siya lumabas ng kwarto.

Pumunta siya sa kusina kinuha niya ang mga paper bag na may lamang pagkain.

Nakangiting lumabas siya ng gate. Pumara siya ng taxi.

"Sa Montero auto shop mo ako ihatid Manong." Magalang na utos niya sa taxi driver.

        Ipinark ni Ella ang Honda Civic nito sa parking area ng Montero auto shop pagkatapos sexy itong bumaba sa  sasakyan.

Nilapitan si Ella ng mekaniko at kinausap siya nito. "Magandang tanghali po! Ma'am, ano pong deprensya ng kotse mo?"

"Wala hindi ako magpapa-ayos ng sasakyan. Pumunta ako dito sa car shop para kausapin ang boss mo."

"Ah, okay, po Ma'am pumasok ka na po sa loob ng shop andun si Sir Nico."

"Sige, salamat." Pumasok si Ella sa loob ng shop . Magandang secretary ang sumalubong rito.

"Hi! Ma'am, good afternoon! May appointment ka po ba kay Mr. Savedra? O bibili ka po ng mga spare parts ng sasakyan?" Magalang na tanong ni Anna.

"No I'm not gonna buy anything. Pumunta ako dito dahil may appointment ako kay Nico pwede mo bang sabihin sa kan'ya na andito na si Ella Rodriguez."  Nayayamot si Ella sa kaniyang sarili dahil hindi nito nasabihan si Nico na ngayong oras ang dating niya.

"Okay, po Ma'am sumunod ka sa akin."

Sumunod si Ella sa babae. 

Kumatok si Anna sa glass wall na pintuan.

Bubog ang pinto pero tinted sa loob hindi mo makikita kung ano ang ginagawa ng tao sa loob.

"Come in!" Sigaw ni Nico sa loob ng opisina nito.

"Sir, may naghahanap po sayo si Miss. Ella Rodriguez"

Ibinaba ni Nico ang mga papeles na nito binabasa pagkarinig nito sa sinabi ni Anna.

"Lumabas ka na Anna papasukin mo ang bisita ko."

"Okay, Sir, and Sir, o-order na ako ng lunch? Isasakop ko ang bisita mo."

"No.... lumabas ka na Anna hindi pa ako kakain at saka kapag may client na dumating sabihin mo wala ako."

Napataas ang kilay ni Anna na iintriga ito sa panauhin ni Nico.  "Kaano-ano kaya ni Sir, Nico si Miss, Ella Rodriguez? At mukhang napaka-importante ng kanilang pagu-usapan. Nakakulong sa opisina ang peg! Ayy! Parang mag-ho-honeymoon lang."

"Ayy! Naku Anna tigil-tigilan mo nga ang pagi-ging chismosa mo!" Sigaw ng utak nito.

Lumabas si Anna ng opisina at pinapasok nito si Ella.

"Sit down baby bear, tatapusin ko lang pirmahan itong mga papeles."

"Okay, daddy bear." Sitting pretty na umupo si Ella sa malambot na couch.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon