CHAPTER 20

127 3 0
                                    

"Ding dong!" Napadilat siya ng tumunog ang door bell.

Nayayamot na bumangon siya tutulog pa lang siya pero may istorbong dumating. Sumilip siya sa siwang nang kurtina natanaw niya ang babaeng nakatayo sa labas nang gate. Hindi niya makita ang mukha nang babae dahil nakasuot ito nang sunglass.

Binuksan niya ang main door at naglakad siya papunta sa gate.

"Miss, anong kailangan mo?" Tanong niya sa babae.

Hinubad ni Ella ang sunglass at nginitian nito si Ally ng ubod tamis.

"Hi bunso," malambing na bati nito.

"Ate Ella!?" Gulat na bulalas niya.

"Paano mo nalaman itong address nang penthouse?" Nagtatakang tanong niya rito.

"Ipinagtanong ko Ally nakakahiya naman kasi kung magpapasundo pa ako sayo sa bus terminal eh, inaalagaan mo na ang anak ko. Napaka-kapal naman nang mukha ko kung iistorbuhin pa kita."
Nilapitan siya ni Ella at niyakap siya nito ng mahigpit. "I miss you so much! Bunso."

" I miss you too! Ate and please.... Huwag mong iisipin na nakaka-abala ka. Dahil napakaliit na bagay lang naman ng hiningi mong pabor at saka sino pa ba ang magtutulongan kun'di tayong dalawa lang naman di ba?"

"Bunso paano kung hingiin ko sayo ngayon si Nico, ibibigay mo ba?" Pilyang bulong ng isip ni Ella.

"Alam ko naman bunso na busy ka, tapos ako naman ito ume-epal sa honeymoon moments ninyong mag-asawa. Hindi kaya magalit si Nico dahil andito ako baka isipin niya napaka-atribida ko?" Kunwari concerned si Ella sa iisipin ni Nico.

"Hindi si Nico magagalit Ate matutuwa pa nga iyon dahil andito ka meron akong makakasama dahil lagi siyang wala." Na-iiyak na sagot niya sa tanong ni Ella.

"Huh? What do you mean laging wala? Eh, diba nga kaya kayo pumunta dito sa Tagaytay ay para makapag-bonding kayong mag-asawa at gumawa nang bata. Pero bakit iba ang nakikita ko bunso? Bakit ang lungkot-lungkot mo? Tapos mukha kang depress na depress ang lalim ng eye bug mo...." Nag-aalalang tanong nito. Hinaplos pa nito ang mahabang buhok ni Ally.

"Ate hu! Hu! Hu!" Hindi na niya napigilang umiyak.
Sumobsob siya sa balikat ni Ella at duon siya humagolhol ng iyak.

"Sige lang bunso ilabas mo lahat nang sama nang loob mo nang gumaan ang pakiramdam mo. Ano bang problema mo at parang pasan mo ang mundo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Kasi Ate nagbago na si Nico, hindi na siya katulad ng dating clingy at showy sa kaniyang nararamdaman." Sumisinok na sagot niya sa tanong nito.

Naa-awa si Ella kay Ally, pero hindi nito kayang hiwalayan si Nico. Naluluhang hinaplos nito ang likod ni Ally,
"Bunso kausapin mo ng maayos si Nico nang hindi na lumala ang problema ninyong dalawa. Tanungin mo siya kung bakit lumalayo ang loob niya sayo oh, baka naman na misinterpret mo lang ang pagiging busy niya sa trabaho."

"Sana nga Ate ganun lang busy siya sa trabaho dahil kung totoo ang hinala kong meron siyang babae. I swear Ate hindi ko siya mapapatawad at baka mapatay ko ang babae niya."

Kinabahan si Ella sa sinabi ni Ally. Dahil hindi pa nito nalalasap ang tagumpay mamatay na ito agad.

"Hindi mo ako mapapatay Ally baka ikaw pa ang mapatay ko." Mariing bulong nito.

Malaki ang advantage ni Ella kay Ally dahil alam nito ang bawat galaw ng babae.

Samantalang si Ally ay hindi kilala kung sino ang anay na unti-unting sumisira sa pagsasama nilang mag-asawa. Nasa tabi na niya ang ahas pero hindi pa rin niya makita at maramdaman.

"Bunso pwede bang pumasok na tayo sa loob ng bahay ang init kasi dito sa labas magkaka-sun burn tayo."

"Ayy! Sorry.... Ate, Ella nakalimutan na  kitang papasukin. Inuna ko pa kasi ang pag-e-emote eh."

"Okay, lang bunso." Inakay siya nito papasok sa loob ng bahay.

       Inilibot ni Ella ang paningin sa buong paligid ng penthouse. Malawak ang bakuran may malapad na garden na may nakatanim na ibat-ibang uri ng halaman. May dalawang bahay kubong nakatayo sa tabi ng malaking punong mangga. May malaking swimming pool sa kanang bahagi ng penthouse.

MY HUSBAND'S MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon