Badtrip ako ngayon pero pinilit ko padin mag update. Sana di naapektuhan. Go read it.
---
Chapter 13
Saturday.
Nagsama sama ang mga varsity ng school namin sa iisang van, kasama na dun si Nikki at Jastin. Nag aalala nga ko sa bestfriend ko eh. Di pa niya kilala ibang nakasakay na girl dun. Kasama na din pala dun si Gab. Magco convoy kasi kami.
Sa kabilang van naman, yung mga varsity nila Migs. Pinapasabay na nga nila kami dun eh ayaw naman magpapilit ni Migs. Kasabay niya daw ako. Bakit kaya?
Bumili nga pala ko kahapon ng gift ko. Ewan ko kung magugustuhan niya pero sana oo. >.<
"Tara na guys! Pack-up pack-up!" Andito kami sa tapat ng jollibee.
"Yess! Excited nako WOHOO!" Sigaw nung ka varsity ni Migs na mukhang gangster. Sino kaya yun?
May lumapit saking isang lalake. Ngumiti ito ng nakakaloko. Manyakis ata to! Waaaag!
"Hey pretty lady. This is Joseph Sison. Maasahan mo, anytime, anywhere. Can I get your number young little princess?" Kinuha niya ang kamay ko at akmang hahalikan ito. Itsura pa lang chickboy na! Susko! Pero nagtataka lang ako kung bakit parehas sila ng last name ni Lorraine. Nye! Yaan na nga. Marami namang Sisin sa mundo. =_______=
Pinigilan naman ni Migs ang paglapit ng mukha niya sa kamay ko gamit ang palad niya at tinulak ang mukha ni Joseph.
"Hephephep. Mamaya na. Mamaya na. HAHAHA! Chickboy ka talaga Jojo." Jojo pala palayaw niya? O.o
Humarap to kay Migs, "Parang ikaw hindi ah." ngumiti ito ng nakakaloko kay Migs. "Sige pre." humarap naman to sakin, "see you later, my dream girl." Hala? Kung ano ano nang tinatawag sakin neto ah?
Nagsimula na kaming bumyahe. Alas siyete na ng umaga. Malayo layong lakbay pa to. Maya maya pa'y nakaramdam na ko ng antok.
Parehas kaming nasa likod ni Migs. As usual naman. Di yon napayag sa harap.
Dahil nahihirapan ako umidlip ay isinandal ko nalang ang ulo ko sa kabilang side. Nakakahiya naman kung kay Migs ako tutuon.
| (Migs (^__^) | ako ( _._) |
Dahil sa likot ng sasakyan di ko na pala alam na napabaling na ko kay Migs.
| (Migs ( >__>) | ako (_._ ) |
Napabalikwas naman ako.
"A-ah sorry. Sa kabila na lang ulit ako." Inayos ko ulit ang sarili ko sa kabilang side at lumingon ulit sakanya. Ngumiti lang siya bilang sagot.
***
Hindi ko na alam kung anong nangyari sa buong biyahe. Ang alam ko lang ngayon ay may boses na gumigising sa amin.
"Sir Migs. Mam Sabrina. Nandito na po tayo." Naalimpungatan naman ako sa gumising samin.
O/////////O!!!!
Na awkward ako sa postion namin! Kanina pa ba kaming ganito ang posisyon?!
Nakayakap yung mga kamay ni Migs sa balikat ko tapos ako, yung kaliwang kamay ko nakayakap sa kanang bewang niya! Yung kanan naman nasa lap niya! O///////O
Tumingala ako para tumingin sakanya. SHT! Napakalapit na nung mukha namin sa isa't-isa! Konting lingon lang niya sa kaliwa niya siguradong may di magandang mangyayari! Mag aapoy na ang mukha ko sa kapulahan. Hindi ko alam kung paano ako aalis sa ganito naming posisyon. Pano ba naman tong si Manong, pagkatapos kaming gisingin, este AKO gisingin eh umalis na kaagad at binaba na ang mga gamit sa sasakyan papunta sa loob ng resort.
Ang cute naman niya matulog. >/////< AISHH!
Gisingin ko na nga lang siya. >///<
Gigisingin ko na sana siya nang biglang gumalaw pakaliwa ang ulo niya. OH NO?!?!!? (O______O!!!!)
Umiwas agad ako ng tingin. Kaya ayun,
Nagdampi ang labi niya.
Sa pisngi ko. Huhuhu! My virgin cheeks. TT.TT
"S-sab?! Sorry! Sorry... Kasi,"
"A-ayos lang. Di mo naman sinasadya." Naging patanong ang tono ng pagsagot ko dun. Yata?
Nang mapansin naming di pa din kami umaalis sa dati naming pwesto, agad agad naman kaming napabalikwas.
"ARAAAAAAY!!" Yun na nga, dahil ang swerte ko ay nauntog tuloy ako sa bubong ng sasakyan.
"Hey! Ayos ka lang ba?"
"HAHAHA!" Peke akong tumawa. "Oo. Tanga ko eh! Haha! Ayos lang ako ano ka ba hehehe Tanga ko talaga eh hahaha noh?" Para kong tangang.. Wait. Di lang pala parang. Tanga talaga! Hinimas himas ko ang ulo ko. Masakit din yun ha.
AWKWARD.
"Ayos lang ba tulog mo?"
O________O
Tatanungin niya ang mas nakaka awkward na tanong?!?!?
"Ano...." Silence. Ano ba dapat kong sabihin? Oo kasi nag enjoy talaga ko?
"Kanina kasi, kung saan saan napapadpad yang ulo mo sa likot mong matulog. Kaya naisipan kong ibaling ka nalang sa balikat ko. Pero dahil useless pa din..... Ayun,........ Niyakap nalang kita....."
"............."
Wala nakong masagot. Wala nakong masabi! Ganon ba talaga ko kalikot matulog? Nangangamatis na ang mukha ko! Fvck!
"Hahaha! Sa sarap ng tulog mo kung san san tuloy napupunta kamay mo,"
O__________O
Nang-aasar ba siya o nang-aasar?
NANG-AASAR!
Deh joke. =______= sinusubukan niya sigurong mawala ang awkward moment namin.
"Haha! Naku, bad hands!" Inakto ko na pinapalo palo ko yung kamay ko. "Pasensya na, nakahithit ng drugs tong mga to. Na overdose pa siguro. Kaya eto, high na high! Hanggang ngayon oh!" Umaakto naman ako na papalapit naman sakanya ang kamay ko. Lusot na ba palusot ko?
Nagtawanan na lang kami.
PHEW! Buti na lang! Akala ko di na mawawala ang awkward atmosphere samin! \"(-.-)
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...