Na awkward tuloy lalo ako sa birthday boy. Dibale pag uwi naman di na ako sasabay sa sasakyan niya. >.<
Umaga na. Maliligo kami mamaya sa dagat. Hapon pa naman ang uwi namin dahil may pasok na bukas.
Nag unat ako. Andaming nangyari kagabi.
"Good Morning Ikkin..."
"Good Morning Sab! ^_^" mukhang maganda ang gising nitong bruha ah. Samantalang ako, parang binagsakan ng building.
"What's with the face?" Curious na tanong nito.
"......"
"Yung about ba sa truth or dare kagabi? Hayaan mo na yun," tapos pinat niya ko. "Tama lang naman yun eh. Kesa ma offend mo pa feelings ni Lorraine."
Pino point out niya yung pag amin ko kay Migs.
Actually, hindi yun eh.
"Ikkin. Hindi kasi yun eh.." Nakatitig lang ako sa kawalan.
"Eh ano? Yung sexydance niyo ba?" Aish isa pa yun pero bukod pa dun.
"Hindi din."
"Eh ano ba talaga? Alam mo kasi Sab sabihin mo na hindi yung tanong ng tanong ako dito."
"Si Jane.."
"Sino yun? Oh, anong meron?"
"Ikkin," this time tumingin nako sa mga mata niya. "Ex siya ni Migs. Bumalik siya kay Migs."
"O___________O!" Ganyan ang naging reaction ng bestfriend ko.
"Sabi ni tita, gusto daw niyang magkabalikan sila ni Migs kasi ngayon lang niya narealize na importanteng tao pala si Jane sa kanila." Pagpapatuloy ko.
"Sising sisi daw siya sa ginawa niyang pakikipaghiwalay kay Migs noon. Kaya ngayon, gusto daw niyang magsimula ulit sila.."
"Anong sinabi ni Migs sakanya?! Anong sinagot niya?!? Sabihin mo! Sab anong sinabi?!?" Niyuyugyog nako ni Nikki sa balikat dahilan para kumalas ang mga braso ko. Dehjoke. =______=
"Ewan..."
"Anong ewan?!? Anong sinabi ni Migs?!?! Pumayag ba siya!?" Tuloy tuloy parin siya sa pagyugyog sakin.
"Ewan ko.. Di ko alam.. Sabi niya naguguluhan pa daw siya.." Naramdaman kong nag init ang mga mata ko. "Naguguluhan pa daw siya sa nangyayari. Ikkin. Ayoko nang sumawsaw pa sa kanila. Isa lang naman akong kaibigan. Yun lang."
"Sab dapat di ka pumayag alam mo yun?! Alam mo namang sinaktan niya si Migs dati? Ano yun sinayang mo lang effort mo para makapag move on siya? Hindi ganun yun! Sab dapat lumaban ka!" Dahil patuloy pa rin niya kong niyuyugyog ay yun, tumulo na ang taksil kong mga luha. To naman kasing babaeng to niyugyog pa ko. Tumulo tuloy. >.<
Tumingala ako kay Nikki.
"Hindi na pwede. Hindi na." Napayuko ako ulit. "Hindi ako mangengealam sa desisyon niya. Kahit kelan. Nagawa ko na ang parte ko. Sana naman sapat na yun. Hayaan na nga natin!" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Ngumiti ako ng pilit. "Ano ka ba! Andami pang mga boylet diyan sa tabi tabi! Hunting na lang tayo!" Hinampas ko si Nikki at tumawa ako ng peke. Bigla naman akong niyakap ng bestfriend ko.
"Sab sorry....." kalmado ang boses niya. "Sorry.. Niyugyog kita..."
"Okay lang. Yugyog yun ng pagmulat sa katotohanan. :)"
---
2pm.
Nag impake na kami ng mga gamit at naghanda na para sa pag alis.
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...