Chapter 20
Naalimpungatan ako.
Pakiramdam ko nakaupo ako sa isang kama.
Nakatali ako.
Nakatape ang bibig ko.
Nirape ba ako? OHNO?!?!?? Joke lang naka uniform pa naman ako. =________=
Nagpumiglas ako para makawala ako sa tali.
Paglingon ko nasa likod ko si Lorraine. Nakatali din.
Dinali dali at siniko siko ko siya para magising.
Agad siyang napabalikwas.
"Mmmmm!! Mmm!!!" Nagwawala siya. Pinipilit niyang makaalis sa pagkakatali.
Agad agad namang bumukas ang pinto. Napatingin ako. Hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Si Joseph.
Bakit siya nandito? Kasabwat ba siya sa pagkidnap samin? Nanlaki ang mata ko ng magkatinginan kami. Umiwas agad siya ng tingin. Hindi ko maintindihan ang iniisip niya. Ang irereact niya.
Lumapit siya kay Lorraine at tinanggal siya sa pagkakatali. Patatakasin ba niya kami? Pero bakit ganito? Ang kupad niya kumilos? Tapos mukha pa siyang bangag sa itsura niya.
Tumayo na si Lorraine at unti unti nang naglakad papunta sakin. Agad naman akong umipod para matanggal niya ang pagkakatali ko. Makalipas ng ilang segundo ay wala pa din akong nararamdamang nagtatanggal sa pagkakatali ko. Lumingon ako kay Lorraine at nakatulala lang siya sakin. Wala nakong naiintindihan sa nangyayari!
Marahas niyang tinanggal ang tape sa bibig ko dahilan para masaktan ako.
"Aaghh! Lorraine! Pakawalan mo na ko! Tara! Tumakas na tayo!"
Wala siyang sagot at nakatitig lang siya sakin ng walang reaksyon.
"L-lorraine?! Ano pa bang iniintay mo?"
Lumapit siya sakin at sinampal ako. Ng malakas.
"That's for getting what I want."
Sinampal niya ulit ako.
"And that's for getting Gab unto me. You slut."
Napapaluha nako. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
"Lorraine hindi kita ma---"
"Sab. Oh please. Hanggang dito ba naman dinadala mo yang katangahan mo? I set you up. Me and my cousin Joseph."
Ano?!? Pinsan niya si Joseph?!? Pero bakit? Tumingin ako kay Joseph habang umiiyak pero umiwas lang siya ng tingin sakin. Nakikita ko sa mata niya na nasasaktan siya.
"Lorraine.. Wala naman akong ginawang masama sayo diba?"
"Sab," umupo siya sa tabi ko. "Akala mo lang. Hindi mo ba alam na alam ko lahat ng mga ginagawa mong kagagahan? Simula nang makilala mo si Gab?" Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi. Nasasaktan na ko. "Alam mo, ang moron talaga ng utak mo. San ka ba pinaglihi ng bobo mong nanay?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"WAG MONG ISASALI ANG MAGULANG KO DITO! SINO KA PARA SABIHAN SI MAMA NG BOBO?!? LORRAINE! AKALA KO TUNAY KANG KAIBIGAN, PERO NILOKO MO KO!!"
"Same here." Tumayo ulit siya sa harap ko. "Ano bang tawag sa pag agaw mo sa boyfriend ko? Diba niloko mo din ako?"
Hindi nako makapagsalita. Ang sakit sakit na. Physically and emotionally. Ang nagawa ko nalang ay umiyak ng umiyak.
"See? Bat di ka makapagsalita? Your guilty."
"Iwan mo muna kami, Jojo. Salamat." Pag-uutos niya.
BINABASA MO ANG
Stupid Cupid
Teen FictionSabrina Santiago. Third year highschool student. Half alive, half dead. Dead na dead kay Gab at Migs. Paano kaya siya makakaiwas kung sandamakmak na pana ang itama sakanya ni Kupido? Sundan niyo sa sa pag-iwas at pagsalo ng bawat tama ni Kupido saka...