Chapter 18- Losing my Bestfriend

41 1 0
                                    

Chapter 18

"Wala na akong nararamdaman sakanya."

Nabigla ako sa sinabi ni Jastin. Ganun na lang ba yun? Matapos ang mahaba nilang samahan?

Halatang nag flich siya at di ko maintindihan kung anong nararamdaman niya. Nakikita ko sa mata niya na nasasaktan din siya.

"Jastin, totoo ba talaga yung sinasabi mo?"

Nag crossed-fingers ako. Sana naman bawiin niya.

Huminga siya ng malalim at muling humarap sakin.

"Oo. Totoo yon. Hindi ko na siya mahal Sab, may iba nakong mahal. I-i'm sorry.."

Sabi na eh. Pero bakit ganun? Parang may kakaiba?

"S-sure ka talaga?"

"Ano ba naman Sab, kelangan pa ba ulitin? May mahal nakong iba."

O______O sino?! Gusto ko malaman!

"Sino?!? Satin lang. Please?" Sinabi ko iyon kahit hindi naman.

"Di pwede. Ayoko ding masaktan ka bilang bestfriend si Nikki. Sorry talaga..."

Wala na.

Wala na talagang pag-asa.

"Kung diyan ka masaya, osige...."

Ayun nalang nasabi ko. Para sa ikabubuti ng lahat.

Haaay.

"Salamat, salamat sa pag intindi Sab. Salamat." Tumayo na kami at niyakap ko siya. Isang friendly hug.

"Sana maging magkaibigan pa rin kayo ni Ikkin kahit wala na kayo.." Sabi ko sa gitna ng yakapan namin.

Hindi nalang siya sumagot. Ang narinig ko nalang sa kanya ay isang malaking buntong hininga.

"Salamat. Alis na ko."

"Okay. Ingat."

Umalis na si Jastin ng ganun na lang. Bat ganun? Parang di siya naaapektuhan? Pero malungkot naman mga mata niya? Talaga bang may iba nang tinitibok ang puso niya? Sana naman hindi siya magsisi sa desisyon niya.

---

Haay. Pasukan na naman. Issues nanaman. Tch. Kung sino ba naman kasi gumawa nun.

Naglalakad ako ngayon sa locker ko. Nang may mapansin akong papel sa sahig. Ano ba naman yan. Ang aga aga ang kalat.

Pinulot ko yung paper at tinignan kung ano ito. Syempre na curious ako.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin nang makita ko ang nakaprint doon.

Ang alam ko lang, may mga tumutulo nang luha sa mata ko.

Sa papel, makikita ang picture namin ni Jastin na magkayakap sa isang coffee shop. Hindi pwede to.

Tumakbo ako papuntang bahay nila Nikki. Hindi ko na inalintana ang distansya nito simula sa school namin. Ang sakit na ng tuhod ko. Ang sakit sakit. Pero sangayon, wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng iisa kong matalik na kaibigan kung makikita niya to ngayon.

Agad kong binuksan ang gate nila. Binuksan ko nadin ang screen door nila. Wala akong pakealam ngayon. Tuloy tuloy akong pumasok hanggang sa loob.

Nakita ko siyang umiiyak sa sulok ng sala nila. Naka uniform pa siya at halatang ulirat.

Napakawalang kwenta kong bestfriend.

Lumapit ako para i comfort siya. Tinulak niya ko bigla palayo.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! LUMAYO KA!" Sabi niya sa gitna ng pagiyak niya.

"Hindi mo naiintindihan Ikkin!"

"WAG MOKONG TAWAGING IKKIN! TAWAGIN MO AKONG TANGA! TOTOO NAMAN DIBA? SA TANGA KONG ETO HINDI KO NA ALAM NA NANDITO LANG PALA ANG NANLOLOKO SAKIN?!? TAENA SAB!!! PINAGKATIWALAAN KITA!"

"Ikinn... Makinig ka muna sakin please..."

"FVCK, ANONG MAKINIG?!? KITANG KITA SA LITRATO SAB! ANO TO? PHINOTOSHOP?"

"Please Ikkin, kahit ngayon lang!"

"GET OUT!!! AYOKO MUNANG MAKITA KA."

"Hindi totoo yan Ikkin!"

"JUST GET OUT! GET OUT OF MY LIFE! UMALIS KA NA!!!!"

Pinagtulakan niya ko palabas ng bahay nila. Isang pagtulak palabas ng bahay nila. Ng buhay niya.

Wala nang natitira sakin kundi ang pamilya ko na lang.

Hindi ko to kaya. Hinding hindi.

Pumasok ako sa school kahit hiyang hiya na ko sa mga kumakalat. Wala akong pakealam. Hindi totoo lahat ng yun. Wala akong dapat katakutan.

"Sab....." Narinig kong may tumawag sakin mula sa likod ng pinto ng room. Dismissal na. Ayoko pang umuwi.

"Lorraine...." Umupo siya sa tabi ko. Nanatili kaming tahimik. Mugto pa din ang mata ko sa kakaiyak kanina.

Bigla niya akong niyakap. Kailangan ko din ng masasandalan ngayon. At sakanya ko ibinuhos lahat yun.

"Bakit ganun Lorraine? May nagawa ba akong isang malaking kasalanan sa Diyos? Bakit ngayon pa na kailangan ko ang bestfriend ko? Bakit?" Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"Ssshh. Ssshh. It's okay. Hindi ka naman nag iisa ngayon. Nandito ako Sab. Magtutulungan tayo." Hinahagod hagod niya ang likod ko. Tumingin ako sakanya.

"Lorraine, bakit kahit nasaktan na kita, hindi ka pa din lumalayo sakin?"

"Because I feel you Sab. Nangyari na din yan sakin dati. At alam ko ang pakiramdam ng maiwan at masaktan."

"........"

"Remember, nandito lang ako Sab. You can lean on me." Sa tono ng boses niya ay paiyak na din siya.

Buti pa si Lorraine, naiintindihan ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inaakalang may tinatago din siyang lambot pa ng puso.

Sorry, Nikki. I'm sorry. Hindi ko inaakalang magiging ganito lahat.

Stupid CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon